Pagkauwi ko sa bahay wala na si mama. San na naman kaya siya nagpunta? Sana naman hindi na siya magnakaw.
Nagugutom na ako. Wala pa pala akong nakain kanina kasi nahihiya ako kay mama kong sasabihin ko kong gutom na ako eh wala naman siyang pera pambili. Maliit lang bahay namin basta ang hirap iexplain basta maliit siya good for one person lang talaga siya. Hinanap ko yung pinagsaingan baka may kanin pa dun. At thank God, may kanin pa. Okay na 'to. Atleast may laman ang tiyan ko. Kinain ko na yung kanin kahit walang ulam. Gutom na ako at wala din akong pera pambili ng ulam. Nagulat ako ng may nag aaway sa labas lumabas ako kasi narinig ko ang boses ni mama.
"Ano ba! Magnanakaw akin na yan!" Sabi ng kapit bahay namin.
"Hindi! Pera ko 'to! Bumili ako nito, hindi ako nagnakaw!" Sabi naman ng nanay ko.
"Anong hindi nagnakaw? Nagnakaw ka! San mo kinuha yang pera ha?! Wala ka namang trabaho! Magnanakaw ka talaga! Tatawag ako ng pulis!"
"Tumawag ka pa! Hindi naman talaga ako nagnakaw at akin naman talaga 'tong pera na 'to!!"
"Aba!!! Ikaw na nga ang magnanakaw ikaw pa ang gana sumigaw sakin?!" Hindi ako makapagpigil at pumunta na ako sa kung saan sila mama.
"Tama na po! Isasauli nalang po namin yan. Ma, isauli mo." Sabi ko sa nanay ko.
"Hindi. Hindi ko talaga ninakaw 'to arya. Maniwala ka pera ko 'to!"
Napabuntong hininga nalang ako. Gusto ko mang maniwala kay mama pero marami ng nakiusoyo dito at wala naman talagang naniniwala samin.
"Mawalang galang lang po, sainyo po ba nagnakaw nanay ko?" Sabi ko sa kapitbahay namin.
"H-hindi. Pero nagnakaw parin siya! Dapat niyang isauli yan dun!!"
"Hindi naman pala po 'to sainyo. Eh, bakit po kayo nakikialam? Kong ninakaw nga to ng nanay ko ano pong pakialam niyo? Nangigialam kayo sa buhay ng ibang tao! Anong mapapala niyo diyan?" Sabi ko na naiiyak na. Grabi na sila ah, ano namang pakialam nila kong ninakaw namin 'to!
"ABA!!" Aakmang sasapakin na niya ako pero di na niya nagawa kasi maraming nakatingin. Hindi ko na siya pinansin at hinila na si Inay sa loob ng bahay.
"Inay, san mo kinuha 'yang pagkain na 'yan?" Tanong ko sa Inay ko.
"Akin talaga 'tong pera anak."
"Inay, naniniwala po ako. Pero san po galing 'yang pera na 'yan?" Sabi sa kanya. Wala naman kasing trabaho si inay kaya nagtataka ako kong san niya napulot 'yang pera at pagkain.
"Nangongolekta kasi ako ng kahon sa labas yung hindi na ginagamit kaya ayun binenta ko para may makain tayo." Sabi niya habang nagsasaing.
"Ganun po ba inay, mabuti naman pi at hindi kayo nagnakaw."
"Pasensya kana anak ha, eto oh may ulam na tayo hanggang bukas para makakain ka ng maayos. Kumain kana anak."
"Ang sarap naman nitong binili niyo inay," ang ulam namin ngayon ay Sinigang. Ang sarap. Ngayon pa ako nakatikim nito.
"Sige po inay, mauna na kayo. Kumain na kasi ako. Pambukas nalang 'yung ibang karne. Matutulog na po ako kasi maaga pa po ako bukas."
"Sigurado kaba anak? Sige. Itatago ko muna 'yung iba para di makuha ng tatay mo."
"Sige po inay."
Maaga akong nagising. Maaga naman talaga akong gigising kasi maaga ang pasok ko ngayon. Pagkagising ko wala na si inay sa tabi ko. At yung tatay ko naman? Hindi naman 'yun umuwi hindi din namin alam kung san siya natutulog.
Naligo na ako at kumai mabuti na din na hindi umuwi si itay kasi baka wala na akong makain ngayon. Palabas na ako na bigla namang umulan. Palagi nalang umuulan, sumasabay ang langit saking kalungkutan. Kinuha ko 'yung payong na parang wala ng pag asang magamit.
"Okay na 'to. Kaysa naman na mabasa ako." Sabi ko sa sarili ko at pamunta na sa school.
Pagdating ko sa school basang basa ako. Aish! Walang kwenta parin yung payong nabasa pa ako. Pagdating ko sa classroom namin at mabuti naman at wala pang tao sa classroom ayoko kasing ma late kasi nakakahiya sa kanila at ako na naman ang pagtripan. Palagi naman talaga. Nandito lang ako sa likod ng upuan nagbabasa. Yan naman talaga palagi kong ginagawa kasi wala naman talaga akong kaibigan dito.
Nagsidating na mga kaklase ko and as expected pag dinadaanan nila ako para silang nandidiri wala nalang akong ginagawa kundi manahimik.
Dumating na ang teacher namin. Grade 10 na pala kami dito pero nakakapagtaka kasi maybago kaming kaklase diba bawal na kasi graduating?
"Okay class, you have a new classmate. He's from States at nag transfer siya for some personal reason. I would like you to be nice to him, class. Pasok kana iho." Pumasok agad yung bago naming classmate at nagulat ako nung makita siya. Bakit parang palagi akong nagugulat kapag nandiyan siya?
"Hi. Branden Snow." Yun lang at nagtagpo ang mga mata namin. Nagtilian naman ang mga babae kong kaklase.
'Kyaaaah, ang gwapo niya bes'
'Oo nga. Omg. Magiging kaklase natin siya.'
"Pwede po ba akong umupo dun?" Sabi ni Branden sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bakit gusto niyang tumabi sakin?
"Okay. You may sit with Arya Laneires. Okay lang ba sayo, Arya?" Tanong ng aking guro. Wala naman siyang ibang mauupuan kaya tumango ako.
'Omg. Bakit sa kanya siya uupo?'
'Baka nakawan niya ang future boyfriend ko'
'Anong nakita niya kay arya?'
Bulong na parang hindi bulong kasi rinig na rinig ko naman.
"Hi, Arya pala name mo. Ang ganda naman." Nakangiting bati niya sakin pagkaupo niya. Ohmygod, bakit niya ako kinakausap hindi ba siya aware na maraming ayaw saakin? Hindi ko siya pinansin kasi nahihiya ako. Ang sama parin ang tingin ng mga kaklase ko sakin. Ano bayan, wala naman akong ginagawa sa kanila eh.
"Oy kausapin mo naman ako arya"
"Ayaw mo ba sakin?"
"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo." Ang daldal pala nito. Nagtuturo pa nga yung guro tapos salita siya ng salita.
"Sshh... quiet please." Saway ng guro. 'Ang ingay mo naman.' Bulong ko. "Ano yun? Narinig ko yun." Sabi niya. Bahala siyang magdaldal diyan baka pagalitan pa ako ng guro namin marami pa namang ayaw sakin dito.
"Arya" tawag sakin ng guro.
"Po?"
"Pakilagay mo muna dun sa faculty ko please." Utos ng aking guro. Ako lang naman ang palagi niyang inuutusan kasi mga tamad ang mga kaklasi ko at hindi rin naman ako makatanggi.
"Okay po." Sabi ko at lumabas ng classroom. Habang naglalakad ako sa corridor bitbit ang mga libro ni Ma'am may biglang nagbato sakin ng isang papel na may bato. Napa aray ako at liningon 'yung bumato sakin. Yan na naman sila nagsisimula na naman sila. Nagtawanan sila nung napaaray ako. Lumakad ako muli na hindi sila pinapansin pero patuloy parin nila akong binabato at sinasabihan ng masama hanggang makaabot ako sa faculty ni Ma'am ganun parin ang ginagawa nila. Hindi man lang sila sinaway ng mga guro dito. Hindi na ako nakaiyak kasi sanay na sanay naman ako.
Kailan kaya nila ako titigilan? Wala naman talaga akong kasalanan sa kanila. I just want to be friends with them. Masama na ba ngayon na maging kaibigan sila? Hay...