Chapter 4

6.9K 93 6
                                    

Natawa ang driver ng traysikel nang makita ang P5 paper bill na ibinayad ni Leon. “Hindi na tinatanggap ang perang ito. Ang luma na nito eh.” Napalatak pa ang driver habang sinipat ang pera ni Leon.

“Ho?!” Nagulat ang binatilyo sa sinabi ng driver. Ibinalik nito ang pera ni Leon.

Natawa na rin si Divina. “Manong ako na nga ang magbabayad,” nakisingit siya.  Nag-abot siya ng twenty peso bill sa driver.

“Eto ang tunay na pera,” wika ng lalaki pagkatapos ay sinuklian siya.

“Iyan ang tunay na pera?” Si Leon na hindi inaalis ang paningin sa hawak na pera ng driver. “Eh mukhang play money ‘yan.”

Nakaalis na ang traysikel driver ay habol pa rin ito ng paningin ni Leon.

“Bakit hindi nun tinanggap ang bayad ko?” Baling nito sa kanya.

“Kasi ba naman e obsolete na yang pera mo. Hindi na iyan tinatanggap ngayon. Bangko Sentral na lang ang tatanggap niyan.” Natatawa pa rin siya sa nangyaring eksena ilang sandali pa lamang ang nakalipas.

“At kinampihan mo pa ang driver na  ‘yon.” Naiinis na wika nito habang madilim ang ekspresyon ng muka.

“’Yan na ba ang bahay ninyo, Leon?” She asked, diverting his attention. Itinuro niya ang lumang bungalow sa kanilang harapan. It looked worn down and abandoned.

“Oo!” Biglang nagliwanag ang mukha nito nang makita ang itinuro niya. “Yan nga ang bahay namin. Halika…” Nagpatiuna na itong maglakad.

Sumunod siya rito. Walang gate ang luma ng bahay. Tuloy-tuloy sila sa terasa.

“Ma?” Si Leon habang kumakatok sa pintuan. Pero walang sumasagot. Mukhang walang tao sa loob ng bahay. “Ma!” He was almost shouting, but no one opened the door.

“Wala yatang tao sa bahay ninyo, Leon,” sabi niya habang pinapanood ito.

Sinubukan nitong buksan ang pintuan pero nakasarado iyon. Pumunta ito sa likod ng bahay kung saan naroroon ang dirty kitchen. Nakasarado pa rin ang pinto, but Leon managed to break inside the house at medyo sira na ang pintuan.

“Ma, I’m home!” Sigaw nito nang makapasok sila sa loob ng bahay.

“Mukhang matagal nang walang nakatira dito, Leon,” komento niya nang makitang walang gamit sa loob ng bahay at mukhang abandonado. Pero mukhang hindi siya naririnig ng binatilyo.

“Ma!” Patuloy nito sa pagtawag sa ina.

Pumunta sila sa lahat ng kuwarto at binuksan iyon pero wala silang nakitang ni isa mang tao. Bumalik sila sa sala.

“Ma, where are you!” He screamed in distress. He looked very frustrated now.

Naaawa siya sa nakikitang kalagayan ni Leon. He really seemed so lost. And they couldn’t find his mother in their house. Nang may mahagip siya na nakasabit sa dingding. May nakasulat doon. “Leon…” kinalabit niya ito. “There’s something on the wall…”

Nilingon siya ng binatilyo. Inakay niya ito patungo sa nakita niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa kung ano ang nakasulat sa papel. Sa ilalim ng black and white na picture ni Leon ay ang nakasulat na:

Missing Person: Leon Alejandre.

Age: 16 yrs. Old.

Height: 5’11”

Reward: Php 10,000.00

Note: If you have information of his whereabouts, please contact the Candelaria Police Station or his mother Felicidad Alejandre.

“Nawawala ka raw, Leon!” Hindi makapaniwalang bulalas niya.

“Ano ito?” Naguguluhang wika nito pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel.

“Ang sabi riyan ay nawawala ka raw. It seemed that you went missing fifteen years ago. At hinahanap ka ng pamilya mo...” Hindi niya napagilan ang sariling mamangha.

“No, I’m not. Hindi ako nawawala, Divina. Hindi ko alam ito.” Ang lalim na naman ng gatla nito sa noo.

Mataman niya itong tinitigan. “Are you sure?”

“Yeah... Hindi ko alam na nawawala ako,” pagkukumpirma nito.

She fell into deep thinking. Iniisip niya kung bakit hindi alam ni Leon na nawawala ito. It was really weird and bizzare. “Teka, baka naman naaksidente ka at nagka-amnesia ka kaya nawala ang memorya mo?” Iyon lang ang posible niyang maisip na rason. “Kaya hindi mo maalala ang mga pangyayari?”

“I really don’t know, Divina,” he groaned, frustrated. “I have no recollection of whatsoever after our encounter. Pero naaalala ko naman lahat before that. Kung sino ako, ang pamilya ko, ang buhay ko. It’s just that I don’t have any memory after our encounter. Ang pagkakaalam ko ay sixteen years old pa lamang ako. Pero sabi mo nga, labinlimang taon na ang nakalipas magmula nang magkita tayo. Dapat thirty-one na ako ngayon.”

“You are sixteen when you went missing...” Itinuro niya ang nakasulat sa papel.

“Unfortunately, yes…” He agreed icily. “Oh God,” miserableng napahilamos ito sa mukha. “This is all a mess!”

“Relax lang, Leon,” she patted his shoulders. “You’ll get through this. Everything will be fine...”

“I hope so, Divina,” he sighed. “Meanwhile, I need to see my family. I need to see my mother and my sister. Saan kaya sila nagpunta?”

Gustuhin man niyang sagutin ang tanong nito ngunit wala rin siyang alam. “Wala na ba kayong ibang kamag-anak dito? Baka alam nila kung nasaan ang pamilya mo?” Suhestiyon niya.

Malungkot na nilingon siya nito. “Hindi ko alam. Lumaki akong si Mama at ang kapatid kong babae ang kasama. Itinakwil siya ng pamilya niya nang mabuntis sa pagkadalaga at hindi pinanagutan ng tatay ko.”

“Oh, I’m sorry to hear that…” Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya sa sinabi nito.

“Yung kapatid ko namang babae ay inadopt ni Mama noong two years old pa lang ako. Pero hindi ko alam kung saan at kanino niya nakuha ang bata. I know we have relatives, but I didn’t get to know them. And I do not know where to find them. Ang alam ko, sa Maynila nanggaling si Mama at tagaroon ang mga kamag-anak namin. Napadpad lang siya rito sa Candelaria para magsimula nang panibagong buhay. Maliban diyan ay wala na akong alam. Ang hirap naman nang ganito. Christ! I don’t know what to do now.”

“Leon…” Ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito. Hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin. Niyakap niya ito nang mahigpit.

And he cried on her shoulders like a child. Hinayaan lamang niya ito. After all what he had gone through, it was already normal. She could feel his confusion, frustration and fear. “Hindi ko naiintindihan ang lahat, Divina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon. Oh God, I’m confused, I’m scared, I’m definitely lost!”

“Hush…” She comforted him. Niyakap niya ito nang mahigpit. “Huwag kang mag-alala, Leon. Nandito ako para tulungan ka. I’ll help you get through this. I’ll help you find your mother… your relatives. You’ll be okay soon…” She really hoped so. Hindi niya gustong nakikita si Leon na ganito ang kalagayan. It must be hard for him. Kailangan nito ang tulong niya and she was willing to help her with all that she could.

“Salamat, Divina!” Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “I do not know what to do without you. But I’m just so glad that you’re here. Salamat talaga…”

Isang mabining ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She ran her hands at his back. “Walang anuman, Leon. Hindi kita pababayaan.” And that was a promise she was bound to keep. “Let’s go and ask your neighbors. Baka alam nila kung nasaan na ang Mama mo ngayon.”

He pulled her away from him. She saw his face. He didn’t look so problematic at all. She could already see a shadow of hope on his face. And she was glad to see that.

“Yeah, let’s do that. And let’s not waste time...” Iyon lang at tuluyan na siyang pinakawalan nito. Then, he hurriedly went out of the house with her.

Enchanted: The Curse Of The Ring (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon