Chapter 9

5.5K 75 1
                                    

Ang unang address na pinuntahan nilang dalawa ni Leon ay iyong nasa pinakamalapit lamang sa kanyang tinitirhan.

May isang Alejandre na nakatira sa isang high-end apartelle ilang blocks lamang ang layo mula sa pinapasukan niyang callcenter.

Kabisado na niya ang lugar kaya hindi sila nahirapang hanapin ang address na iyon.

Nasa gilid niya si Leon at nasa harapan na sila ng unit 10B. Doon nakatira ang pakay nila. She pressed the intercom. Maya-maya ay may nagbukas ng pinto. The guy must be in his early thirties.

“Hi, anything I can do for you?” Malapad ang ngiti nito lalo na nang makita siya.

Magsasalita sana siya nang bigla siyang hapitin ni Leon in a possessive manner. Nalunod sa kanyang lalamunan ang kanyang sana’y sasabihin at bigla siyang na-concious sa ginawa nito.

“Hi! I’m Leon Alejandre, and we just would like to know if you happen to be related with Felicidad Alejandre?” Seryosong tanong ni Leon. “We’re looking for her kasi.”

Sandaling nag-isip ang kausap nila. “Felicidad Alejandre? Mukhang hindi familiar.”

“I see. She’s from Candelaria, Quezon. Pero taga Maynila ang pamilya niya bago siya lumipat ng tirahan.”

“Sorry, brod, pero wala akong kakilalang Felicidad Alejandre, eh. From what I can remember, my family was from Cebu, so I guess we’re not related, well, aside from having the same surnames, of course.”

“Thanks!” Tipid na nginitian ni Leon ang lalaki.

“Is she your girlfriend?” Tanong nito at iminosyon si Divina.

“What do you think?” Si Leon na mukhang napikon.

Mas lalo pa siyang hinapit nito. Conscious na conscious na siya. Lalo na kapag nagigitgitan ang kanilang mga balat. She could feel something, like a spark of electricity whenever their skin comes in contact with each other.

“Okay…” Nakuha naman agad ng lalaki ang kung anumang ibig ipahiwatig ni Leon. The guy looked at her for a moment. Maya-maya ay bumalik ang paningin nito kay Leon. “Is that all?” 

“Yup! And thanks a lot!” Kaagad na isinara ng lalaki ang pintuan pagkatapos magpasalamat ni Leon.

“Hey!” Siniko niya si Leon nang maiwan silang dalawa. “Bakit mo ginawa yun?” Namumula na naman siya. Pero hindi pa rin siya pinapakawalan nito.

“Yung ano?” He asked back.

“Yung… yung…” Hindi niya magawang dugtungan ang ibig niyang sabihin. She couldn’t utter the word out of embarassment. “Basta iyon!” Humaba ang nguso niya. “Why did you tell that guy that I am your girlfriend?” Sa wakas ay nagawa rin niyang sabihin iyon sa kabila ng kanyang pamumula.

“Ah, iyon ba?” Ngumisi lamang ito.

“Yes, iyon nga!” Nagpanting ang tenga niya. Ipiniksi niya ang braso na hawak nito. Pinakawalan siya ng lalaki.

“Ang lagkit kasi kung makatingin sa iyo eh. Mukhang popormahan ka kaya inunahan ko na.” At tumawa ito nang nakakaloko.

“Ah, ganun pala ha.” Naiinis na kinutusan niya ito.

Tumakbo ito palayo sa kanya habang tawa nang tawa. Animo’y tuwang-tuwa sa ginawa.

Bubulong-bulong naman siya habang padabog na naglakad sa hallway papunta sa elevator.

“Alam mo, cute ka sana kaso tatanga-tanga ka. Akalain mo ba namang paglaruan mo ang elevator. Bakit, first time mo ba kuya?”

Enchanted: The Curse Of The Ring (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon