Chapter 2

9.7K 101 2
                                    

Chapter 2

Niyakap niya ang traveling bag na dala-dala habang tumatakbo ang sinasakyan niyang bus papuntang Quezon Province.

She was coming back home at long last! Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan niya dahil sa biglaang paninikip ng kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.

She felt mixture of emotions in her heart. She was so excited and ecstatic at the same time scared and apprehensive.

Makikita kaya niyang muli si Leon? Dadalo rin ba ito sa kanilang reunion? Umaasa siyang sana nga ay dadalo ito.  Nananabik siyang muling makita ito. Nawala itong parang bula noon at gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit hindi ito sumipot sa usapan nila.

Kagabi ay hindi na naman nito pinatahimik ang tulog niya. Napanaginipan na naman niya ang lalaki.

Hindi niya alam kung bakit dinadalaw nito ang kanyang panaginip. She thought she already buried his memory after fifteen long years, but all of a sudden, she kept on dreaming of him again.

And suddenly, his memories were fresh like yesterday. Na parang kahapon lang sila nagtagpo.

Kinapa niya ang suot na kuwintas. Ang pendant ng suot niyang kuwintas ay ang mismong singsing na ibinigay sa kanya ni Leon noon. Palagi niya iyong suot at halos ay ayaw na niyang ihiwalay sa kanyang katawan.

Niluma na ng panahon ang singsing. It was already faded and worn. She had just realized that the ring he gave her was just a trinket from a candy, but she treasured it like her most precious possession.

She was thinking about him during the whole duration of their trip until she fell asleep.

FIFTEEN YEARS AGO

It was their school’s annual scavenger hunt and Divina, along with her friends, had participated in the game.

Malaki ang perang mapapanalunan sa laro at gusto niyang ang team nila ang mananalo at plano niyang bumili ng bagong damit.

They were given five items to look for inside the whole campus and they already found four. They only have one item left.

She started to feel really freaking excited at mukhang sila nga ang mananalo sa larong iyon.

Her team decided to split up and she went on her own. The last item that they needed to find was a stage prop that according to the organizer was hidden in one of the creepiest corners of their school.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa harapan ng isang abandonadong auditorium sa likurang bahagi ng campus.

Pasado alas singko na ng hapon at nag-uumpisa nang kumalat ang kadiliman sa paligid. Papasok na siya sa pintuan ng lumang auditorium nang biglang lumakas ang ihip ng hangin.

She covered her nose and closed her eyes as the chilly wind blew. Kumulapol at nagliparan sa paligid ang alikabok dahil tinangay ng hangin. Napaubo siya habang inililibot ang paningin sa loob ng abandonadong auditorium.

Maraming kung anu-anong bagay ang nakatambak doon. There were a lot of dark, creepy corners. Though she wanted to go out because the place looked scary, pero ang isiping baka nanduon ang hinahanap nila ang nagpatatag sa kalooban niya upang manatili roon at maghanap.

Kasalukuyan niyang hinahalungkat ang pile ng mga lumang libro nang may marinig na kalabog.

Napaigtad siya. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa kaba.

May iba pang tao sa loob ng lumang auditorium maliban sa kanya?

Lumingon siya sa pinanggalingan ng ingay. Nakita niya ang isang bukas na pinto. Out of curiosity ay dahan-dahan siyang lumapit doon at sumilip sa loob.

Enchanted: The Curse Of The Ring (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon