Sige Na Nga

250 16 4
  • Dedicated kay Andrea Joyce Olaes
                                    

"AKALA KO ba sasama ka?"

Napabuntong hininga siya. Nasa kabilang linya ang kaibigan niya. Inaasahan kasi siya nitong sasama siya sa lakad nito.

"Pasensya na, Rominda. Biglaan kasi itong presentation ko sa meeting ni Sir. Nag day off kasi ang secretary ni Sir. Bawi na lang ako. Sorry talaga." Hinging paumanhin niya dito.

Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "May magagawa pa ba ako? Oh sige, good luck na lang sa presentation mo."

Tumango tango siya."Oh sige, bye."

End call.

"Ayos lang ba talaga sayo Andrea na ikaw muna ang mag asikaso nitong presentation? Nag half day kasi si Noriza e."

Hindi niya napansin na nasa likuran na niya ang kanyang amo.

"Opo. Ayos lang po."

"I think Noriza and my cousin need to talk privately." Dugtong pa nito.

"Po?" Ano daw?Anong pinagsasabi nito?

Umiling iling ito."Never mind. Focus on the report."

"Okay sir."



"GOOD JOB, Andrea."

Napangiti siya. Halos ala una na natapos ang meeting. Mabuti na lang at na-approve-han na ang proposal project nila sa kanilang client.

"Thanks, sir."

"I think you deserve a prize. Masyado ka nang nagiging hard-working. What about a vacation?" suhestyon nito.

"Sir?"

"You can take your vacation anytime you want."

"Ha?" kaso iniwan na siyang nakabitin doon takang taka.

Vacation?Bakit? Ayaw na ba siyang makasama ni Sir Solis? Naks! Tampo!

Napanguso siya. Para saan at magbabakasyon siya? Saan naman siya pupunta?

Nasa ganoong estado siya ng pag iisip nang maramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya.

She catched for it. Someone texted her. Hmmmmm...

HOY GIRL! ANONG TIME UWI MO? KAIN TAYO.

Bigla ang ukit ng ngiti sa kanyang mga labi pagkabasa sa text na iyon.

Himala?Anong nakain nito ng lalaking ito? I mean... baklitang ito?

Oo. Tama. Her bestfriend is a gay! Pero wag ka! Kung anong ikina-bakla nito, siyang isinalo nito ang lahat ng kagwapuhan sa mundo. Kaya nga nanghihinayang siya dito e. Actually, crush niya nga 'to e, ay hindi, LOVE na pala. Etchos!

They're bestfriends since their childhood days. Lagi silang magkasama sa lahat ng lakaran. Hindi pwedeng may maiwan, no! Tampuhan na sunod non!

Hay, naku! Bernard Byun! Can you be a real man for Andrea?! Sayang ang lahi. Half korean pa naman, naks! Dinaig pa nga siya nito e. Akalain mo yun, sumayaw ba naman ng I GOT A BOY ng SNSD sa mismong harapan niya! Girl na girl!

Waaaaaa! Naalala niya tuloy ang mga posters nito sa kwarto. Puro KPOP! Mga boy band pa! Bading na bading! ^^V

Palibhasa may dugo. But to act like that? Napakalaking panghihinayang. Kung hindi niya lang love to... naku! Grrrrr......

MALAPIT NA KONG MAG OUT. HINTAYIN MO KO. TREAT MO?

Excited na reply niya dito. Ayiieee.... Magde-date sila. Hashtag_Assuming!

The Journey of a Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon