"Saan ka pupunta? Bakit parang bihis na bihis ka?"
Napalingon siya sa nagsalita matapos niyang maisara ang zipper ng kanyang bag.
"Ediesa?" tawag niya dito. "Uuwi ako," saka dumiretso sa kusina at kumuha ng isang baso ng juice.
Sumunod naman ito sa kanya. "Uuwi?!" pagtataka nito. "E, ito ang bahay mo, ah?? Anong pinagsasabi mo??"
Umiling iling siya. "I mean sa Cavite. Uuwi ako sa Cavite."
"What?!" kunot noong sabi nito. "Anong gagawin mo dun? E, wala ka namang kamag anak sa Cavite?"
She chuckled. "Teka? Ano bang sabi ko? Uuwi akong Cavite. Aasikasuhin ko yung bahay namin don. Pinapatawag si mama sa office but mom is in abroad. Busy si lolo sa resort. Kaya ako ang pupunta." Mahabang paliwanag niya dito.
"Pero... ilang araw ka don?"
"Beh, nagfile na ko ng one week leave sa opisina. Kailangan ko kasing magfocus doon. Baka mawala lahat ng pinagpaguran ni mama para sa bahay at lupa na yon," sabay inom ng juice.
"Alam na ba nila Andrea 'tong gagawin mo?!"
Napanganga siya. "Ano bang problema mo? Bakit naghihisterikal ka na dyan? Uuwi lang akong Cavite. Ang OA mo!" lalabas na sana siya ng kusina nang hawakan siya nito sa braso.
"Hindi mo ba ako naiintindihan?" sabay labas ng kusina. Inunahan pa siya. "Cavite 'yon! Cavite!"
"Oh, tapos???" sabay taas ng kilay. "Bayan ko yun, baliw!"
"Iyon na nga e! Hindi mo ba natatandaan kung bakit ka umalis ng Cavite at piniling manatili na lang dito sa Manila?!" with matching kaway kaway pa.
She felt stiffened. 'Tong baliw na 'to! Pinaalala pa! "Beh, yung bahay at lupa namin ang pupuntahan ko at hindi yang kung anong nasa isip mo!!"
"Susumbong kita kay Andrea!" banta pa nito.
"Sumbong mo!" She smiled. A lop-sided smile. "Busy yon!"
"Basta ako sinabihan na kita. Hindi ako nagkulang sa payo." pangongonsensya pa nito.
"Chura! Wala ka kayang binigay na payo!" asik niya.
"Dala mo na ba lahat ng kailangan mo?"
Tumango tango siya. "Oo dala ko na."
"Sigurado ka?" parang hindi pa ito kuntento sa sagot niya.
"Oo nga!!"
Nagkibit balikat lang ito. "Baka kasi nakalimutan mo yung gamot mo?"
Ha? "Anong gamot? Wala naman akong sakit ha?"
"Baka kasi biglang bumalik yang SAKIT dyan sa PUSO mo!" sabay labas ng kwarto niya.
"Ediesa!!!"
--------------------
"TINANONG KITA kung ayos na ba lahat ng dapat mong dalhin, tapos ngayon tatawag tawag ka para sabihing nasa Cavite ka na nang mapansin mong wala sa bag mo ang susi ng bahay nyo!!! Anong gusto mong gawin ko?? Bumiyahe dis oras ng gabi papunta dyan sa kaduluduluhang liblib na sulok ng Cavite???!!!" halos mailayo niya ang kanyang cellphone sa tenga dahil parang mabibingi na siya sa sigaw ng kaibigan.
Grabe naman! May oras pa itong pagalitan siya??
"Hindi ko kasi napansin,' mahinang sagot niya dito.
"Hindi mo napansin???!!! Bahay niyo ang dahilan kung bakit ka umuwi dyan, tapos hindi mo napansin????!!!"
"Ano ka ba naman, Ediesa, hindi ko na nga alam gagawin ko, pinapagalitan mo pa ako." Paiyak na siya.
BINABASA MO ANG
The Journey of a Love Letter
RomanceI'm glad you're happy. I can't say that I'm completely happy for you but I guess that's just a part of life, I'll always have feelings for you but the rest of the world is forcing me to move on. -Noriza Castigon