Skating 3

259 16 2
                                    

Skating 3

Continuation...

~Aya's POV~

Bumaba ako mula sa kotseng maghahatid samin sa airport at hinarap si Michael "Michael. Anong ginagawa mo dito? Diba may training ka pa?" Tanong ko dito.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo? Aalis ka na. Tama ba ako?" Tanong niya pabalik sa akin na nakapag-patikom sa bibig ko.

"M-Michael--"

"Aya, aalis na tayo. Bilisan mo at sumakay ka na sa sasakyan natin."

"I'm so sorry Michael." Sabi ko dito at pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan ni tita. Wala akong lakas ng loob para harapin si Michael. At wala din akong lakas ng loob para magpaliwanag sa kanya. Napanghinaan ako ng loob nung mga oras na 'yun.

"Teka Aya! Paano na yung pangako natin sa isa't isa? Friends forever diba? Ano 'to?" tanong sa akin ni Michael.

"Sorry talaga" iniwas ko na ang paningin ko sa kanya dahil ramsam kong tutulo na ang mga luha ko anytime.

"Aya! Tandaan mo! Kapag umalis ka ngayon, kahit kelan, hinding hindi na kita mapapatawad! Aya wag mo akong iwan!" Sigaw sakin Michael habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero di ko kaya.

Sorry, Michael.

E n d  O f  F l a s h b a c k

Iniwan ko siya. Sinaktan ko siya. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya nang maayos. Naging masama ako sa kanya.

- - -

Nanonood kami ng balita nila ate nang biglang lumabas ang isang balita tungkol kay Michael.

"Michael Christian Martinez balik bansa na!"

Reporter: Kumusta ang competition sa Sochi?

Michael: Um, ayos lang naman po.

R: Ngayong nandito ka na sa bansa, anong unang binabalak mong gawin?

M: Binabalak ko sana na magpahinga muna nang ilang araw. Masyado kasi akong napagod at na-pressure sa competition eh, so I think I need to have a rest. Then after nun, bibisita ako sa dati kong school. Then magco-conduct ako ng meet and greet sa mga skating rinks dito sa Metro Manila.

R: Meet and greet? Magpeperform ka ba doon? And saang skating rink ka unang bibisita?

M: Um, yes. Maghahanda ako ng isang special number for my supporters and fellow Filipinos to thank them. And balak ko sanang sa MOA muna then southmall then sa mega mall.

R: Thank you so much! Michael Christian Martinez Live!

M: Thank you! Thank you!

*End of interview*

"Woah! Ate, punta tayo sa MOA! Gusto kong Makita si kuya Michael. Please sige na." Pakiusap ni Cindy kela Ate Patricia.

"Ate sige na! Please para na lang sa amin ni Cindy" Pakiusap din ni ate Misha.

Tumingin sa akin si ate. Tumango naman ako sa kanya dahil gusto makita ulit si Michael. Pagkatapos 'nun dumiretso ako sa kwarto ko.

"Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Kung ayaw mo pwede namang hindi ako pumayag." Sabi sa akin ni ate.

"Hindi ate. Okay lang sa akin. At saka gusto rin naman yun nila ate Misha at Cindy eh. Sigurado akong malulungkot sila kapag hindi ka pumayag. Wag kang mag-alala ate. Okay lang talaga ako." Nagpakita ako sa kanya ng isang malaki at sincere na ngiti. Ngumiti din siya pabalik sa akin at pagkatapos nun, lumabas na sa kuwarto ko.

Makikita na ulit kita, Michael.

- - -

[EDITED: 06/12/2015]
-Pinahaba ko lang po yung chap saka kino-rrect na din yung mga errors. Sa mga nalilito, nasa Pilipinas na sila sa dyan (present time) then nakatira sila Aya sa bahay nila dati kasama ang dalawa nilang pinsan na sila Misha at Cindy na mga anak naman ni tita Sam. Yun lang!

[REVISED] SKATING SHOES (Short story: Michael Martinez ff)Where stories live. Discover now