Skating 8

215 18 0
                                    

Skating 8

~Aya's POV~

“Kung ganun, ayaw mo akong makita bago ako umalis?” Tanong niya. Naramdaman kong lumuluha na siya kaya tumulo na rin ang mga luha ko.

“Hindi. Gustong gusto kitang makita. Bawat oras ikaw ang hinahanapko. Natatakot nga lang akong makita kang umalis. Kasi baka--”

“Makakapaghintay ka ba sa akin?” tanong n’ya sa akin.

“Michael…”

“Makakapaghintay ka ba sa akin? Sagot agad!”

 “Oo! Makakapaghintay ako sa’yo! Kahit gaano pa katagal. Kahit na pumuti man ang mga buhok ko sa paghihintay sa’yo. Oo! Maghihintay ako!” Sagot ko sa kanya. Doon na ako humagulgol nang malakas. Hindi talaga makaya ng sistema ko na tanggapin na magkakawalay kami ulit ni Michael ngayon. Siguro ganto din ang naramdaman niya dati noong iniwan ko siya.

Bigla niyang hinigpitan ang pagyakap niya sa akin.

“Salamat. Salamat sa pagsabi niyan sa akin. Salamat! Ngayon may dahilan na ako para gawin ang lahat nang makakaya ko. Ngayon may lakas na ako para humarap sa buong mundo. Tandaan mo pagbalik ko dito sa Pilipinas, papakasalan kita! ” Pangako n’ya sa akin.

Umalis na si Michael. Nagkahiwalay na naman kami. Pero ngayon, hindi na kalungkutan ang nararamdaman ko. Masaya na ako at malakas na ang loob ko. Alam ko kasing babalikan n’ya ako. Alam ko kasing magkakasama kaming muli. Tanging isang White na skating shoes na binigay niya sa akin ang tanging ala-ala ko sa kanya. Matapos nu’n, bumalik ako ulit sa Figure skating. Nanalo ako ng mga medals sa mga National at International Competitions. Suot suot ang white skating shoes na ibinigay n’ya sa akin, unti unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko.

Sa tulong ni Michael, natupad ko ang mga pangarap ko.

- - -

[EDITED: 06/12/2015]

[REVISED] SKATING SHOES (Short story: Michael Martinez ff)Where stories live. Discover now