Prologue

40 5 4
                                    


"Waaaaaaaaaaaaaa!!!!" nangingibabaw sa buong lugar ang malakas na pag iyak ng batang babae. Mabilis na lumapit ang dalawang yaya nito. Pilit nilang pinapatahan ang batang babae dahil masyado na itong nakaka agaw ng atensyon. Nasa may parke kasi kaya marami ang napapalingon at napapatigil sa lakas ng iyak ng batang babae.

Ang mga kalaro nito ay nakisali na rin sa pag papatahan rito. Hindi nila alam ang gagawin lalo na ang dalawang Yaya nito na hindi na mag kandaugaga kung anong gagawin para mapatahan ito.

"Naku hana! Ano gang yung problima??" aligagang tanong ng may kaedarang Yaya sa bata. Halip na sumagot ito mas nilakasan pa nito ang pag iyak.


Sabay sabay na napatakip ng tenga ang mga batang kalaro nito.


Nag bubulungan narin ang mga taong malapit sakanila. Pati ang mga dumaraan. May ibang nag rereklamo na rin.


"Hey princess.."

Slow motion na nag silingunan ang lahat sa nakangiti ngunit may bahid ng pag aalala sa boses na gwapong lalaki. Nalaglag ang panga ng dalawang katulong. Yung isa tumulo ang laway. Nalunok ng isang batang babae ang nginunguya niyang bubble gum. Nadapa ang bading na kanina pang pamodel model. Naibuga ni ateng ang tubig sa mukha ng boyfriend niyang kanina pang nag rereklamo. At marami pang pangit na pang yayari.



Automatic na napatigil rin sa pag iyak ang batang babae. Nagwapuhan rin siguro, nako bata ka pa ineng wag muna.



So yun nga.

Parang prince charming itong lumuhod sa harap ng luhaan at uhuging bata.


Pinunasan nito ang luha nito. "Anong problema little princess?"

Suminghot ito. Nagsalita ngunit hindi sinagot ang katanungan ng gwapong lalaki. Sa halip sinabi nitong


"Ikaw ba ang prince charming ko?" parang kinikilig nitong sabi.


Na nag palalag na naman sa panga ng lahat.



At mas lalong nag panganga ng biglang tumawa ang prinsipe este yung gwapong lalaki.


"Ang sexy tumawa! Omyggad!" Halos nasa isip ng lahat.


Umayos ng upo ang gwapong lalaki. Nakangiti nitong kinurot ang pisngi ng batang babae.


"Do you want me to tell a story?"


Mabilis na tumango si bebegerl. Ganun din ang dalawang katulong at ang mga batang kalaro. Umayos ng upo ang lahat at nag hihintay na umpisahan nito ang magandang kwento.

"Okay. Pero bago yun..pwede ba akong mag tanong?"


Tumango na naman sila ng sabay sabay. Para tuloy mga aso. Joke

"Naniniwala ba kayo sa love at sa destiny?"

"YES nemen!"

"Hindi. Bitter ako"

"Opo!"

"Yata hehe"

"Lamporeber! Mag bre-break din lahat ng may jowa!"

"Oo simula ng makita kita! Wahh ang pogi mo Kuya!"

"Aylab u pUohzhszss"

"Nakakain ba yan?"

Napatawa ang gwapong lalaki sa samut saring komento.

"Eh sa Panginoon naniniwala kayo?" Tanong ulit niya

"Oo naman yes!"

"Amen amen!"

"Oo syempre!"

"Opo siya po yung gumawa ng world!"

"Nakakain ba yan? Joke oo naman. Labyu Lord!"

"Praise the Lord!"

"Banal banalan yung iba!"

"Hahaha okay okay. So here's the story. May isang lalaki na nag ngangalang Isaiah. Kinatatakutan sa school, sa kanto, sa bahay. Mahilig makipag basag ulo, pasaway, nabubuhay sa alak, walang galang,  galit sa mundo, at higit sa lahat walang Diyos buhay."


"Hala grabe si Koya"

"Isaiah pa naman yung name. If Im not mistaken nasa bible yan"

"Akala ko good boy!"

"Badboy ang peg!"

"Isis yan!"

"Gwapo po ba?"




Ngumiti ulit ang gwapong lalaki bago nag ipinag patuloy ang pag kwekwento.


"Sobrang nasasaktan ang Diyos sa nakikita niya kay Isaiah, itoy naliligaw ng landas dahil sa kapaitan sa buhay. Dahil sa kabutihan ng Diyos ginamit niya ang isang babae na tutulong para makakilala si Isaiah sa Diyos at hindi ito tuluyang mapariwara. Siya ang babaeng isa sa rin sa binago ng Diyos, ang tapat nag lilingkod rito. Kung gaano kasama si Isaiah...ganoon naman kabuti ang babaeng iyon. Mabuting anak, positibo sa buhay, masipag, ilan lamang iyan sa magagandang katangian nito."



"Wow naman!"

"Ideal gerl!"

"Good girl!"

"Ang bait po talaga ni Lord!"

"Mag kakainlaban yan! Kaso bitter ako kaya lamporeber!"

"PRAISE THE LORD!!"

"Maganda po ba siya?"

Nangibabaw naman ang tanong ng batang babae na kaninang iyakin.

"Ano pong pangalan niya???"


Mas tumamis ang ngiti ng gwapong lalaki.


"Genesis"



*********

Salamat po sa pagbabasa! (Kung meron man) Sana po suportahan niyo to, at inspired po ito kay Pastor Ben Dinglas! Wahh labyu Pastor! Ideal man ko yung tulad niyo! Hahaha. Yun po salamat sa mag vovote at mag cocomment! God bless you all!! ♡

-M

Isaiah Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon