Chapter One

40 4 2
                                    

Paghihinagpis


"Ang labi ng matuwid sa marami ay pakinabang, ngunit ang mangmang ay namamatay nang walang karunungan."

-KAWIKAAN 10:21





Isaiah






   T*NG*NANG BUHAY TO!! PESTE! Hindi ko na napigilan pang  suntukin ng malakas ang salamin. Paulit ulit ko itong pinag susuntok lalo na ng maramdaman ko ang t*ng*nang luha na patuloy na nag sisibagsakan.






"T*ngna!! Mamatay ka na! Papatayin kita! Papatayin kita!" Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinabi ang mga katagang 'papatayin kita' sa taong kinamumuhian ko. Basta ang alam ko lang gusto ko ng maglaho siya sa mundong ito.





Parang pelikula na paulit ulit na nag rereplay sa utak ko ang ginagawa ng tatay ko at ng isa sa mga p*kpok niyang kabet. Fvck him! Napaka demonyo niya para gawin to! I will never forgive him for making my life miserable. I hate him! Fvck him to hell!






For the last time. I punch the mirror again with all my strength. Wala akong pakialam kung gaano ng kadami ng dugo ang pumapatak sa sink. Wala na akong nararamdaman na sakit.








Napangisi na lang ako.










"Mapapatay rin kita Dad..just wait."






*****



Genie




"Ate Genie gaano po tayo kamahal ni Papa God?" inosenteng tanong sakin ng nakababata kong kapatid na si Ezra. Napangiti naman ako sa tanong niya.





"Sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal" masiglang sagot ko sakanya with action at feelings pa yan! Pero kumunot lang yung kilay niya.






"Talaga po?" Tumango tango ako. "Eh bakit po ang hirap natin? Ang panget panget ng bahay natin Ate. Hindi tayo makabili ng mga gusto natin. Diba po mahal na mahal na mahal na mahal na mahal Niya tayo? Bakit Niya tayo binigyan ng ganitong klase ng buhay?"




Ginulo ko naman yung buhok niya. Bago sumagot. "Ang dami mong tanong bunso! Pero bunso, huwag na huwag mong pag dududahan ang pag mamahal saatin ni Papa God. Alam mo kung bakit?"





"Bakit po?"




"Kasi si Papa God sobrang laki at dami ng sacrifice niya para lang saatin. Sa sobrang pagmamahal ni God sa mundong ito , saatin. Ibinigay niya yung anak niya. At si Jesus na nag anyong alipin ang tumubos sa lahat ng kasalanan natin. Namatay siya para satin Ezra." nakangiti kong saad.





"At kung nabuhay man tayo ng walang karangyaan sa buhay. Alam mo bang sobrang palad na natin kasi kahit wala tayong magandang bahay, mamahaling gamit at sasakyan. Nakilala natin ang Panginoon. Si Jesus. Siya ang hari ng mga hari, Diyos ng mga Diyos, walang wala yung mga pinaka mayayamang tao sa mundo Sakanya!. Tsaka halimbawa nabuhay tayo ng isang maharlika, pero hindi natin kilala ang Panginoon ang malas natin!"





"Ngek bakit naman Ate? Ang swerte rin kaya kasi mabibili natin yung gusto natin! Para tayong mga prinsesa! Hindi ka na mapapagod sa pag tratrabaho ganun din nanay!" masiglang sagot niya. Umiling naman ako.




"Kapag namatay tayo Ezra madadala pa ba natin yung mga  kayamanan natin dito sa lupa?"





Umiling siya. "Hindi na po"





Isaiah Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon