"ano ba kasi yun Simonnette?" tanong kong muli sa kanya ^_^
"Gillian leigh! hindi ka parin ba talaga babangon?!" Nagulat ako kasi ibang boses ang narinig ko, boses ni ate yung narinig ko kaya tinignan ko siya at mas nagulat naman ako dahil si ate na ang nasa harapan ko at akmang papaluin ako ng unan.
"AHHHH!" sigaw ko syet ang sakit ng ulo ko. Napa-upo kasi agad ako kasabay nung pag-sigaw ko. Teka... so panaginip lang yung kanina?! ghaad! akala ko pa naman totoo tss! "Hoy! Leigh ano walang balak bumangon?" inis na tanong sakin ni ate.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Sasabihin na niya yung nararamdaman niya para sakin eh! Epal ka naman aish! kainis!" singhal ko sa kanya tss nakakainis kasi ganda-ganda na ng panaginip ko eh--- te-teka! My ghaaad bakit siya yung nasa panaginip ko?! No! This can't be happening. Wala naman akong gusto sa kanya diba? diba? DIBA?!
***
"Masamang pinagihintay ang pagkain" wika ni mommy habang nakain sila. Nandito parin kasi ako sa kwarto simula nung ginising ako ni ate. Iniisip ko kasi yung napanaginipan ko kanina, iniisip ko kung bakit ganon? kung may gusto na ba ko sa kanya? Aiish! siyempre wala no! tss gaga ka talaga Gillian Leigh! Panaginip lang yon!
"Leigh! hindi ka pa ba talaga kakain?!" napabalikwas ako sa kama at dali-dali pumuntang lababo para magmumog. Umupo narin ako sa sofa at tumabi kay mommy para kumain.
" Di niyo naman agad shinabi shakin na fooklong at iklog yung ulam edi shana kanina pa ako kaposh kumain" sabi ko sa kanila habang nanguya.
Tinignan ako ni mommy ng masama "Kung kanina ka pa bumangon, edi sana nalaman mo kung anong ulam natin!" tss. -.- Aga-aga ang init ng ulo ni mommy tsk tsk!
Habang nakain, nakita ko ang cellphone ko sa inuupuan naming sofa. Kaya kinuha ko agad iyon at binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad na agad sakin ang mukha ni simonnette i mean yung profile picture niya. Naka pop-up kasi. In-open ko naman agad iyon at binasa.
Simonnette: Goodmorning Gillian ^_^
Ni-replayan ko naman agad ito. Pagkatapos ko siyang replayan ay tinabi kona muli ito, dahil pinagalitan ako ni mommyunahin ko daw muna ang pagkain bago mag-tablet.
*Three weeks later*
Halos mag i-isang buwan na ang lumipas simula nung una kaming nag-chat ni Simonnette. At simula din noon araw-araw na kaming nagcha-chat. Lagi kaming nagpupuyatan... ang laki na nga lalo ng eyebags ko eh. Ngayon magbabakasyon na ako sa Lola ko sa Carmona, Cavite. Kung kaya't hindi ko alam kung makakapag-chat pa kami ni Simonnette sapagkat wala naman kaming WiFi doon sa Carmona.
Naka-upo ako ngayon sa terrace namin habang nag se-cellphone. Icha-chat ko ngayon si Simonnette para ipag-alam sa kanya na ako ay magbabakasyon.
Me: Simonnette!
Me: Simonnette Van Hilotin Rivera!Simonnette: ow bakit?
Simonnette: Alam mo pa pala buong pangalan ko *insert yung emoji na heart ang dalawang mata* HahahaXDMe: Siyempre naman haha *smile emoticon*
Simonnette: yon! hahahaXD
Simonnette: Kaso yung sayo di ko na tanda ehMe: ay! yan tayo eh. Kalimutan? ge lang.
Simonnette: hala sorna
Simonnette: yung middle name mo lang naman yung nakalimutan ko eh alam ko namang letter M ang initial.
Simonnette: Sorna Gillian Leigh M. LedesmaMe: Wala ano muna yung middle name ko.
Simonnette: Hala nakalimutan ko na talaga eh *sad emoticon*
Me: Masaclao!
Simonnette: yon! di ko na po kakalimutan pramis! XD
Me: Ah Simonnette, magbabakasyon na pala ako sa carmona. Mamaya ako bi-biyahe mga 6 pm.
Simonnette: Ah cge cge XD ingat ka don ha
Me: Walang WiFi don, hindi kita makaka-chat.
Simonnette: ah oh cgecge magpapaload nalang ako text nalang tayo hahahaXD
****
5:47 PM
"Ma! Pa-load mo po ako ng twenty-pesos" sabi ko kay mommy habang inilalagay ko ang mga damit sa loob ng bagpack na dadalhin ko para mamaya.
"Oo sige mamaya. Wag mo isa-silent cellphone mo ha. Tatawagan kita mamaya." wika ni mommy habang tinitiklop ang mga damit ko na ilalagay ko sa bag pack ko.
Nang matapos ko ng ayusin ang gamit ko nag-ayos na ako ng sarili ko.
"Ma! Alis na po ako ba-bye! Ingat saken, Iloveyou" paalam ko sa kanya at tuluyan ng umalis ng bahay.
Zellay's Note: Anneyeong! Masyado bang maikli? Hehez Sorry po kung Ala-wents yung topic na ito huhu✌