Eight

92 2 3
                                    

Chapter Eight:

Anong ginagawa dito ni Kai? Sinusundan nya ba kami?

No! Imposible namang manyare yun. Yeah Right! Wag kang assuming Ana! Nagkataon lang ang lahat.

Ngumiti sakin si Kai atsaka sya dahan dahang naglakad papunta sa may Direksyon namin ni France. Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako habang papalapit sya sa amin. Tumigil saglit sa harapan ko si Kai atsaka muling naglakad hanggang makarating sya sa may Fountain na hindi ganun kalayuan mula sa pinagpwepwestuhan namin ni France.

Narinig ko syang huminga nang malalim. Dahan dahan nyang itinaas ang kanyang kamay na parang may gusto syang abutin mula sa kalangitan.

Tinawag ko sya.

“Uy, Kai” imik ko. Mahina lang ang pagkaka tawag ko sakanya na yun, ngunit nagawa nya paring marinig yung pagtawag ko sakanya. Lumingon sya sakin atsaka ngumiti.

Hindi naman peke o pilit yung ngiti nya na yun, pero ramdam ko yung lungkot na nanggagaling mula sa kanyang puso. Kahit hindi ganun ka linaw, kita ko parin sa mata nya na amlungkot sya. Ano bang problema ni Kai? Bakit sya malungkot? Bakit parang hindi sya okay?

“Haha!” tawa nya. “Na abala ko ba kayo? Sorry ha?” nakangiti nyang sabi sa amin atsaka naglakad papa alis. Dali dali ko syang pinigilan mula sa pag alis nyang yun. Hinawakan ko sya sa braso nang matapat sya sakin. Tumingin sya sakin nang may halong pagtataka.

“A-ano kase. Hindi ka naman nakaka gambala sa amin e”  Huminga muna ako nang malalim atsaka pinagatuloy ang aking agssalita “Dito ka na muna?” then nginitian ko sya. Tiningnan lang ako ni kai atsaka nya binaling ang tingin nya sa kasama ko.

“Okay lang ba sayo?” tanong nya sa lalake na nakaupo sa may upuan sa may bandang likod ko.

“Okay lang”Walang ganang sagot ni France sakanya.

Inaya kong umupo si Kai sa tabi naming ni France. Siguro hindi ko na muna ngayon aaminin ang lahat kay France. Kailangan ako ni Kai, kailangan nya ngayon nang makakausap. Kailangan nya nang kaibigan.

“So, bakit ka nandito Kai?” tanong ko sa lalake na tahimik na nakaupo sa tabi ko.

“May binabantayan lang”Cold nyang sagot sakin. Binabantayan? At sino naman kaya iyon?

Tatanungin ko pa sana si kai kung sino yung binabantayan nya nang ayain ako ni France na kumain.

“Tara ana kain na muna tayo, nagugutom na kase ako e” nakangiting sabi sakin ni France. Nginitian ko naman sya bilang sagot atsaka nag nod sakanya. Bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko, inaya ko na din muna si kai para kumain baka kase nagugutom na din sya. Pero tumanggi lang sya, mas gusto nya daw na umupo muna doon at pagmasdan yung mga nag gagandahang sunflower.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon