Chapter Two

44K 1.7K 332
                                    

Muli niyang natampal niyang muli ang kaniyang noo sa harap ng salamin nang maalala ang ginawa niya kagabi.

"Tanga tanga mo, Cataliah!"

Kagabi ay walang sabi-sabing iniwan siya ni Lance sa bar matapos niyang sabihing fan siya nito. Malamang alam nitong nang-gagago lamang siya. Huli na para pag-sisihan niya ang nagawa dahil alam niyang mas mahihirapan siyang kuhanin ang loob ng lalaki. Malamang tingin na nito sakanya ay baliw. Pero wala na, nangyari na at kailangan niya ng panindigan ang pagiging fan niya.

Fangirl mode is on kumbaga.

Lunch break ay si Mary ang kasama niya pati ang isa niyang kaklase na si Jem Mhica, tropa sila ni Jem Mhica dahil iisa ang tabas ng dila nila.

"So kamusta naman ang pag-sali mo sa Zeta?" Nanguusisang tanong ni Mary habang kumakain ng hotdog sandwich. "Anong initiation nila sayo?"

Napaubo siya. "Ano bawal sabihin."

"Yan ang initiation niya, pagsusuot ng mga luwa dede na damit." Natatawang sabi ni Mhica.

"Angas diba?" Ngumisi nalang siya. "Hoy ano nga pala yung worksheet na sasagutan sa Envi Sci? Nakalimutan ko eh."

Iniba na niya ang usapan at idinivert niya sa pag-aaral dahil ayaw na niyang mag-tanong pa ang mga ito tungkol sa Zeta at hindi niya na alam ang isasagot niya.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay napansin niyang may pares ng mga mata na nakamasid sakanyang bawat pag-galaw.

Napasinghap siya nang mula sa ilang tawid na lamesa ay naroon si Lance kasama ang grupo ng mga kalalakihan na alam niyang kapwa Civil Engineering student gaya nito.

He was obviously staring at her, ni hindi man lamang ito nag-iwas ng tingin nang mahuli niya na tila wala itong pakialam malaman man niyang pinagmamasdan siya nito.

Hindi niya talag alam ang andar ng kaniyang pag-iisip dahil kusang gumalaw ang mga mata niya pakindat dito. Hindi pa siya nakuntento at sinamahan niya pa iyon ng lip lick at lip bite na siyang nagpakunot sa noo nito.

She grinned and simply pursed her lips as if blowing him a kiss.

Napatuwid siya ng upo nang sikuhin siya ni Mhica. "Hoy anong trip mo? Bat gumaganyan ganyan ka diyan?"

"Wala nagpapraktis lang ako malay mo magkaboyfriend ako bigla di ako marunong humalik nakakahiya naman." Palusot niya bago muling yukuin ang kinakain.

"Baliw ka talagang babae ka!"

Pailalim niyang muling si Lance, feeling niya siya pa ang nahiya nang makitang nakatingin parin ito sakanya. Medyo nailang tuloy siyang kumain ng spaghetti at baka mag-amos ang gilid ng kaniyang bibig. Nakakahiya naman sa tumatangkilik sakanyang pag-nguya.

Matapos kumain ay nag-sabi siya sa dalawang kaklase na mag-ccr na muna siya. Sinabihan naman siya ng mga ito na bilisan at malapit ng mag-bell.

Paliko na sana siya sa bahagi papunta sa cr nang makita niya si Lance na mag-isang naglalakad papasok sa Engineering building.

Lakas loob niya itong tinawag kahit pa hindi niya alam ang sasabihin dito. Kailangan niyang mag-papansin iyon ang alam niya.

"Lance!" Kumaway siya nang bumaling ito sakanya. "Hello!"

"Ikaw na naman." He muttered.

Feeling close na lumapit siya dito at umangkla sa braso nito. Dinikit niya ang ilong sa braso nito. "Hala puta ang bango mo. Yakapin mo nga ko, Lance lipat mo sakin ang amoy mo."

Tumawa siya na lalong nagpadilim sa anyo ng kasama niya. "Ano bang kailangan mo sakin?"

Napanguso siya nang buong pwersa nitong inilayo ang braso sakanya. "Ito naman! Para daw ba kong may ketong!"

ZWCS#1: Blame It On TequilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon