Chapter Thirteen

48.8K 1.8K 255
                                    

"Good morning, Cataliah."

Natigilan siya nang mabungaran niya si Violet sa sala pag-labas niya ng kanyang silid. Abala itong nakikipag-laro sa anak niya.

"H-hi..."

Ngumiti ito. "I just got here last night, may inasikaso pa kasi ako kaya hindi ko agad nabisita si taba."

"Ninang! Sekchi ako!" Nakangusong sagot ni Gabriella dito. Bago siya nito lingunin. "Mama dami ko na naman toys bigay ni Ninang!"

Pilit siyang ngumiti at pilit ring pinakiharapan si Violet. "Ano, maraming salamat."

"That's nothing." She smiled and stood up.

Looking at Violet Iphigenia made her feel insecure on her stand. Violet is an epitome of perfection, she screams money and class. Sa totoo lang ay gandang ganda siya dito, kaya hindi rin malabo na mahulog ang loob ni Lance sa babaeng katulad ni Violet. Muling kumirot ang kaniyang dibdib nang maalala ang nakita niyang tagpo kagabi.

"May klase ka right?" Violet asked. "Baka pwedeng hiramin ko muna si Bree? You know, I missed this cutie."

Namilog naman kaagad ang maliliit na mata ni Bree. "Ninang kasama natin si-"

"Just the two of us." Maagap na sabi ni Violet bago ngitian si Bree. "I'll take you to your happy place."

"Happy place!" Pumalakpak ang anak niya. "Pero Ninang mag tagalog lang ikaw!"

Natawa si Violet nang magkamot pa ito ng ulo. Muli siya nitong binalingan. "I really hope you wont mind..."

Wala na siyang napagpilian pa kundi ang ngitian at tanguan ito. Violet has done so much for her, isa pa nakikita niyang mahal nito ang anak niya.

Kung totoo ngang may relasyon sina Violet at Lance at mapapalagay parin ang loob niya na nasa mabuting kamay ang anak niya kapag dumating ang panahon na handa na siyang ipaalam kay Lance ang tungkol dito.

Natigilan siya, a sudden pang of pain strike her heart with the thought. Ipinilig niya ang kaniyang ulo, it's been three great years. She should start moving on from her teenage love for the father of her daughter. Wala iyong naidudulot na maganda sakanya.

"Mama, gusto ko yung ruffles ruffles na baby blue suot ko pati maluwag na chort lang!" Kumakamot sa tyan na sabi ni Bree matapos niya itong paliguan ng pulbo.

"Blue na naman, Gabriella? Mukha kang hindi naliligo, panay blue suot mo!"

"Eh ayoko nyan pink." Kumamot pa ito sa kanyang ulo. Tumaas naman ang kanyang kilay. "Oh! Mama ha wala ko kuto! Kamot kamot lang ako ulo kasi yun kikita ko palagi sa cartoons pag naiinis kamot kamot ulo."

"So naiinis ka?" Pinamewangan niya ito.

"Aba mama oo! Chempre! Pilit pilit mo ko pasuot nyan pink blue nga mama gusto ko!" Inayos nito ang waistband ng diaper na suot suot nito. "Edi inis inis talaga ko sayo mama! Kulit mo kasi."

"Wow ha!" Pinalo niya ang pwet nitong mas pinatambok pa ng diaper. "Oo na yung blue na ang isuot mo. Ang dami mo pang sinasabi eh!"

"Maluwag na chort mama ha! Kasi pag sikip hirap hirap magkilos!"

"Ikaw napaka-demanding mo din talagang tunay!"

Matapos bihisan at sumama na ang anak niya kay Violet, she promised to take Gabriella home before dinner. Siya naman at nag-handa na dahil baka ma-late narin siya sa klase niya.

The whole duration of her school hours at wala siyang ibang inisip kundi si Violet at Lance. Hindi niya maalis sa isip niya ang mga ito kahit pa alam niya na wala naman na siya dapat pakialam anuman gawin ni Lance sa buhay nito.

ZWCS#1: Blame It On TequilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon