RUNDOWN

105K 2.2K 157
                                    

VANDERBILT UNIVERSITY

ZETA WEIBLICH COMMUNITY is currently looking for new members. We're inviting all freshmen students to join our sisterhood and be a part of our family. If you're interested proceed to ZWC headquarters 3PM to 4PM and get your initiation envelope.

Good luck. 
Signed by: Violet Iphigenia
ZWC President

Mula sa pagkakatitig sa bulletin board na nasa kanyang harapan ay nabaling ang atensyon niya kay Mary nang sikuhin siya nito.

"Ano Kata? May napili ka na bang sorority na sasalihan mo?" Tanong nito.

Napabuntong hininga siya atsaka umiling. Mag-iisang buwan na simula nang mag-simula ang pasukan, ngunit hindi parin siya nakakapili ng Sorority na sasalihan at kabibilangan. Actually hindi naman required sa eskwelehan nila ang magkaroon ng Sorority, ngunit kailangan niya iyon. Nakakuha siya ng full scholarship with monthly allowance sa University dahil na rin sa rekomendasyon ng eskwelahan kung saan siya nag-tapos ng high school bilang Valedictorian. Naipasa niya rin ang ilang exams para sa foundation na sasagot ng mga kakailanganin niya sa pag-aaral kagaya ng mga libro at iba pa.

Malaking bagay na iyon dahil ang Vanderbilt University ay ang pinakakilalang paaralan sa bansa, kung saan puro mayayaman at kilalang personalidad lamang ang nakakapag-aral. Pero hindi iyon sapat, nasa Manila siya at nasa probinsya naman ang kaniyang mga magulang. Wala siyang bahay na matitirahan habang nag-aaral siya. Sa ngayon ay nananatili siya sa poder ng kaniyang tyahin at pamilya nito na tila ba gustong gusto na siyang palayasin. Ang bawat sorority ay may tinatawag na Sorority House at kapag naging myembro o bahagi ka nila ay magkakaroon ka ng pribilehiyong pakinabangan ang lahat ng benepisyo mula sa Sorority na kabibilangan mo. Isa na doon ang libreng matutuluyan.

"Alam mo Kata, okay lang naman kung wala kang salihan na sorority." Dagdag pa ni Mary.

"Hindi okay 'yun, kailangan kong may mapabilangan na sorority. Kailangan ko ng libreng matutuluyan." She sighed.

"Sayang kasi madami na masyadong members ang sorority nila ate, sabit na nga lang ako dun." Lumabi ito. "Bakit ayaw mo i-try ang Sigma Pink Society!"

Agad siyang napangiwi sa sinabi nito. Nakita na niya ang mga members ng SPS, wala naman sanang problema, she just doesn't she'll fit in. They're the group of socialites with pink glittery nail polish.

"How about the Delta Squad?" Suhestyon nito.

Umiling siya. "Parang magulo yung sorority nila, palaging may pinag-lalaban."

"Oo nga, may point ka. Palagi nalang silang nag-oorganize ng debate at kumokontra sa ibang mga sororities." Muli itong bumaling sa bulletin board. "Kundi lang ako nakwentuhan ng ate ko tungkol diyan sa ZWC, sasabihan sana kita na diyan ka nalang sumali."

"Anong kwento?" Kumunot ang noo niya at binalingan muli ang announcement.

"Sabi ni ate, maraming estudyante ang gustong maging bahagi ng sorority na iyan pero kaunti lang ang pinapalad na maipasa ang initiation." Pagkkwento nito. "Malupit daw kasi si Gift Vito, yung recruitment officer ng society nila. She's a senior architecture student. Ang balita ko pa nga walang bagong members ang sorority na yan at puro officers silang natira."

Agad na natawag noon ang kaniyang atensyon, her eyes dropped on the bottom part of the announcement. Violet Iphigenia. Sa isang buwan na pananatili niya sa Vanderbilt University ay halos araw araw niyang naririnig ang pangalan nito, she's the most popular girl in the university. Hindi rin niya miminsan itong nakita.

"Wag mo sabihing gusto mong sumali sa sorority nila?!" Namamanghang bulalas ni Mary nang mapansin nitong titig na titig siya sa announcement. "Pagpapakamatay yang plano mo, girl! Hindi basta basta ang initiation ni Gift, baka hilingin mo nalang na i-hazing ka nila!"

ZWCS#1: Blame It On TequilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon