SEKONDARYA

4 0 0
                                    


150924


Sa aking unang araw sa sekondarya

Puro mga bagong mukha aking nakita

Bagong kaibigan agad kong kailangan na

Dahil mahirap ang wala kang kasama


Unang taon sa freshmen na puro saya

Dahil bago kong pamilya aking kasama

Bagong pamilya ayoko na ng iba

Pero hindi maiwasan dahil sa kanila


Nang ako'y sophomore madaming nagbago

Nagkakaibigan na sadyang totoo

Na sadyang palaging nandyan para sayo

At ngayon ngang nagkaroon ako nito


Natuto akong makisabay sa uso

Natuto kung pano maging produktibo

Pagbabago, sa kanla ako natuto

Kaya sila'y mamahalin kong totoo


Nagkaroon ng pangakong binitawan

Pangako na ang sabi'y walang iwanan

Pero mithiin ay di dapat iwasan

Kaya ang paglisan ay kinakailanagan


Sa aking mata ay may luhang pumatak

Usapan natin ay bawal ang umiyak

Usapan nga pala'y tayo'y hahagalpak

Di ko lang mapigil ang pagiging galak


Sekondarya'y napuno ng kasiyahan

Di malilimutan mga kaganapan

Sekondarya ko'y naging makabuluhan

Buhay ko'y nagkaroon ng katuturan


Ilang buwan na lang ay dadating na nga

Magiging masaya dahil bakasyon na

Pero di sobrang saya ang nadarama

Isang araw kasama'y ko'y di na sila

WANDER TO MY WORLD (Poetry Collection)Where stories live. Discover now