PANGARAP NGA AY IKAW

3 0 0
                                    


130901


Kay sarap sa pakiramdam ng nakatayo dito

Kasama ang iba't-ibang tao na libo ang dami

Kalahok sa dagat na kulay asul ang ilaw

Hawak ang "lightstick" na sadyang iwinawagayway


May mga ilaw na bumubusog sa aking mga mata

Mga musika na sumasayaw sa aking mga tainga

Mga alon ng iba't-ibang mga pangalan na nakakaratula

At iba't-ibang mga sigaw na sadyang nakakabingi


Makita ang aming mga idolo ang sadyang tungo dito

Makasama ang iba ding mga taong may katulad kong hilig

Ang pangyayaring ito ang matagal ng pinapangarap

Kaunting oras na nga lamang ay matutupad na


Bago ako makapunta sa posisyon kong ito

Ilang luha ang lumabas sa aking mga mata

Nalulungkot sa kadahilanang hindi ka kasama sa mga manonood

Sa panonood ng iyong mga idolo sa personal


At ngayon ngang may panibagong luha ang bumagsak

Sa mga mata ko ay luha ng kasiyahan ang mga pumapatak

Dahil sa sobrang saya na aking nararamdaman

Sa kadahilanang unti-unting nangyayari ang inaasam


Tiniis lahat na hindi bilihin ang mga gusto

Pag-iipon nga ang pinakamahirap na gawain

Pinaghirapang ipon ang ipambibili ng tiket sa konsyerto

Para sa matagal ng mithiin, lahat ay gagawin


Sa pagtayo ng mga idolo ko sa malawak na entablado

Sila nga ay agad nagpakitang-gilas

Sadyang kahanga-hanga kanilang mg atalento

Walang duda kaya ko sila nagustuhan


Hindi ko maisip na andito ako ngayon

Nararamdaman ang matagal ko ng inaasam

Masarap pala talaga na mapasama dito

Sana ay totoo ngang nandito ako sa lugar na ito

WANDER TO MY WORLD (Poetry Collection)Where stories live. Discover now