KABANATA 3
Rianella's POV
Ding~ Ding~ Ding~ Ding~
Buong klase ay nakatingin lang ako sa labas. Medyo boring kasi first day ng klase ngayon.
Uwian na at naglakad na ako palabas ng eskwelahan ng mamataan ko ang lalaki na kausap ko kanina nung paglunch na nakaharang sa motor ko. Ano kayang ginagawa niya diyan?
Naglakad ako palapit sa kanya.
Nang makatabi ako sakanya ay ang paglingon niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang pagkagulat.
" Ahh...ahmm.." parang may sasabihin siya.
"Ano?" Tanong ko.
"Anong kailangan mo sa'kin? Ba't ka nandito?" Tanong niya.tsk tsk.
"Nakaharang ka" sagot ko.
Siguro ay nalito siya dahil tumingin siya sa paligid na ang lawak ng lugar na pwede ka naman sa gitna ka maglakad o sa ibang side at sagot ko nakaharang siya. Hindi ba niya ako nagets? Haishh.
Tinuro ko ang aking bisikleta sabay sabing; " That's mine"
Tumingin siya sa kanyang likuran at mga ilang segundo ay nanlaki na naman ang kanyang mata at saka siya tumingin sakin na para bang mamamatay na siya.
Tumabi siya at sabing, " P-Paumanhin. Hi-Hindi ko po alam na sa'yo pala itong bisikleta na'to." sabay bow.
Tumango lang ako at tsaka umangkas na sa bisikleta.
Tumingin muli ako sa kanya para sana magpaalam pero naabutan ko na nakatingin siya sa'kin na parang namangha. Ano bang nangyari sa kanya?
Umiling nalang ako at tsaka umalis na iniwan na ganun pa rin ang kanyang mukha.
Tsk. Weirdo
Nang makarating na ako sa bahay ay pumunta muna ako sa mga hardin kung saan sari-saring mga bulaklak at iba pang mga halaman ang nandoon.
Mahilig kasi si mama at si lola magtanim ng mga halaman.
Nang maglakad ako patungo dun eh nakita ko si Lola Noning nagdidilig. Tahimik akong lumapit at mahigpit ko siyang hinagkan. Nagulat siyang lumingon sa akin kaya napatawa ako.
Mahal ko talaga ang lola ko. Isa kasi akong Lola's girl na pag inaaway ako ng mga kuya ko ay pupunta ako kay lola at magsumbong kaya palaging pinagalitan sila kuya kay lola. Hahahaha *evil laugh*
Yun yung mga panahon kung saan palaging na sa trabaho ang aking ina at ama nung bata pa lang kami.Ngayon ako lang at tsaka si Lola ang nandito ngayon. Yung oldest brother ko si Kuya Roilan ay nasa Cebu nagtatrabaho. Yung isa ko namang kuya na si Kuya Ryle ay nag eskwela pa as 2nd year college sa La Vida Santo Nina University.
Palagi kasi silang seryoso at masyadong workaholic na wala na silang oras para sa mga anak nila na makapagbonding. Kaya kay lola lang ako ganito; palaging nakangiti. Siya ang laging nandyan 'pag may hindi ko naiintindihan mga problema. Siya ang palaging handa na tumulong sa'kin. Mahal na mahal ko talaga si Lola.
BINABASA MO ANG
Woman of Few Words
FanfictionWhat if ang Ice Princess ng school na si Rianella Franco ay makatagpo ng isang ordinaryo pero manhid na lalaki sa unang araw pa lang ng klase? May pagbabago bang mangyayari sa yugto ng buhay ng dalaga? Ang Ice Princess ay makakatikim na ba kung...