Kabanata 2
Leonardo's POV
" bultaorune...
Fire~
Fire~
Fire~
Fire--"
{ Fire - BTS }
Haiishh. Ang ingay naman. Natutulog pa nga ako. Nakakainis. Anong oras na ba? Madilim pa nga eh. Aishhh
Bumangon na ako para maghanda. Habang nagluluto ako ay patuloy pa rin ang pagbubulabog ng kanta na hindi ko naman naiintindihan ang mga salita.
"Ang aga-aga ang ingay na. May party bang nangyayari diyan? Mukha namang alien ang nakatira diyan siya lang ang nakakaintindi sa kaniyang pinatugtug.Nakakainis"
Napailing na lang ako. Nang matapos na akong magluto ay naligo na ako. Syempre amoy ulam ako baka kainin ako ng mga babae dun. Tsk.
Habang kumakain ako ay patuloy pa rin ang kanta pero ngayon medyo kalma na siya.
"It’s a beautiful life~
nan neoui gyeote isseulge~
It’s a beautiful life~
neoui dwie seo isseulge~
beautiful love~
haneurarae neowa issdamyeon~
sumswineungeosmaneurodo joha~ "
{ Beautiful - Crush }
Maganda pakinggan ang kanta kahit na hindi mo naiintindihan ang kanyang mga sinasabi ay parang naiintindihan ko kung ano ang kanyang nararamdaman o kung ano ang kanyang gustong ipahiwatig sa kantang 'to.
Sandali nga. Diba dapat naiinis ako ba't ba ako nakikinig nito. Hay Hindi naman talaga lahat ng kanta eh ayaw mong pakinggan. Minsan kasi kahit iba ang lengguwahe eh marunong din tayong umintindi. Hala! Tigilan na nga natin 'to.haha. Adik kasi sa music eh.
°°°°°°After 30 minutes°°°°°°
Naglalakad na ako patungo sa paaralan. Medyo kinabahan ako dahil ngayon ang unang pasok ng skuwelya at sa Section A, ang model section na ako papasok.
Section B kasi ako last year at gusto ko talagang makapasok sa model section dahil mas advance ang mga pinag-aralan at mga master teacher ang nagtuturo dito kaya mas marami akong matutunan nito kumpara lang sa ibang seksyon na putol-putol ang leksyon dahil palaging hindi pumapasok ang mga guro at paulit-ulit lang ang leksyon dahil ang ibang kaklase ko ay hindi madaling nakaintindi. Ang bagal kasi ng kanilang internet. Nagsasabi lang nang totoo kaya 'wag magalit.
Nang makarating ako sa school ay pumunta ako sa principal's office para makuha ko ang sched ko para sa section A. Medyo natagalan dahil pagkarating ko dun eh may ginagawa pa kasi yung secretary kaya naghintay ako. Marunong akong maghintay kaya wala nang aangal.
------------oO0Oo--------------
Paglabas ko ay napansin ko na recess na pala kaya pumunta na lang ako sa canteen tas mamaya nalang ako papasok. Tiningnan ko ang paligid. Hay naku naman ang daming tao. Paano na ngayon? Makakabili pa ba talaga ako nito?
Nakipagsisikan ako sa sandakmang tao at pagkatapos nang 126354788362674 years nakabili din ako.
"Dugo at pawis itong ginawa ko para lang mabili ki--Ughhhh.....Aray naku" naputol ako dahil may bumangga sa'kin. Di kaya ako ang nakabangga? Hehe kausap ko kasi ang pagkain ko kanina hindi ko namalayan na may paparating pala na hindi man lang umiwas. Tsss.
BINABASA MO ANG
Woman of Few Words
FanfictionWhat if ang Ice Princess ng school na si Rianella Franco ay makatagpo ng isang ordinaryo pero manhid na lalaki sa unang araw pa lang ng klase? May pagbabago bang mangyayari sa yugto ng buhay ng dalaga? Ang Ice Princess ay makakatikim na ba kung...