KABANATA 4
Rianella's POV
{{{ Nasa may mala-fairytale na hardin ako napadpad suot ko ang makinang na puting dress na hanggang tuhod ang taas at tsaka mamahaling white sandals na parang bagong bili.
Naglakad ako kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Mga ilang minuto ay may nakita akong malaking fountain at pansin ko may isang lalaking nakatalikod na para bang may hinihintay siya.
Simple lang ang suot niya. Naka v-neck royal blue na tshirt siya at black skinny jeans. Walang gamit na gel sa kanyang buhok dahil lumilipad ang hibla-hibla niyang buhok sa hangin.
Hindi siya gaano kaputi at matangkad siya nang kaunti sa'kin. Hindi ko masyadong nakita ang itsura ng kanyang mukha dahil nakaharap ang likod niya sa'kin.
Lumapit ako sa kanya para magtanong kung bakit ako nandito.
Napansin yata niya dahil mabagal siyang lumingon sa direksyon ko.
"Ian~" }}}
Nang sana ay makita ko ang kanyang mukha sabay din ang pagdilat nang aking mga mata.
Panaginip lang pala iyon. Nasa kwarto lang pala ako. Tiningnan ko ang aking suot. Pangtulog naman ang suot ko wala akong dress na ganun na kasingkintab at kasingputi ng ulap.
At wala rin akong sandals na yari sa glass pareha sa suot ni Cinderella.
Baka nanghiram lang ako kay Cinderella dahil may importante akong lakad nun.
~Tok ~tok ~tok ~Tok
"Apo gising na. May klase ka ngayon. Pupunta na ako sa kusina para magluto ng almusal na'tin. Maghanda ka na."tawag ni Lola
At maya maya pa'y narinig ko ang tunog ng mga paa na naglalakad palayo sa'king kwarto.
Ilang araw ang nakalipas wala naman akong napanaginipan na ganun ngayon lang talaga.
Ba't ko nga ba iyon napanaginipan eh hindi ako mahilig na manood ng mga ganun.
Ni recall ko yung panaginip ko at naalala ko yung lalaki sa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
Woman of Few Words
FanfictionWhat if ang Ice Princess ng school na si Rianella Franco ay makatagpo ng isang ordinaryo pero manhid na lalaki sa unang araw pa lang ng klase? May pagbabago bang mangyayari sa yugto ng buhay ng dalaga? Ang Ice Princess ay makakatikim na ba kung...