TEN

58 3 0
                                    


Ten


Plans


"Chaaaaaaa!!!! Malapit na debut mooooooo! December na so ilang buwan na lang? 5 months?" sigaw ng magaling kong bestfriend. "Pumunta ka lang ba dito para mag-ingay? Makakaalis ka na." sabi ko sa kanya. Aga-aga lakas ng boses. Kaloka.

Saturday ngayon at mukhang walang magawa ang bestfriend kong ito kaya nandito nanaman sa bahay naming at nanggugulo. Sa dalas niya dito, sanay na ang parents ko. Kulang na nga lang paggawan din namin siya ng duplicate ng susi. -,-

"Sungit mo naman. Naeexcite lang ako. Ano balak mo?" patuloy niya pa ring pangungulit sakin. "Wala?" nagtataka kong sagot. Eh, sa wala naman talaga akong balak e. Siguro manlilibre? Lol. "Debut mo tapos wala kang balak?" negatibo niyang react. "Eh ikaw ba anong balak mo? Magkalapit lang birthday natin ha!" Balik ko sa kanya. "Wala din." Sabay naman kaming natawa sa sagot niya. "Makapilit ka diyan. Pag may plano ka na magpaplano din ako." Hamon ko sa kanya. "Punta na lang tayo ng ibang bansaaaaa." Sabi niya naman. "Hmmmm. Pwede. Sige, sabihin ko kila mama."

"No, no. Hindi pwedeng walang party sa debut mo Denise." Napatingin naman kami sa biglang nagsalita sa may pinto. Si Nathaniel. -,- "Nathan's right. Bakit hindi na lang kayo sabay magpaparty? Ilang araw lang naman ang pagitan ng birthdays niyo." Napabaling ulit ang ulo naming sa nagsalita sa may hagdan naman. Si mama.

"Ma, stress lang 'yun. Hassle mag-ayos." Tumango-tango pa si Liz sa may tabi ko. "Minsan lang naman, anak. And you should grab this opportunity to celebrate together. Bihira ang mag-bestfriend na magkalapit ang birthday."

Pwede din naman. Kaso nakakastress kasi talaga mag-asikaso ng party. Hays. "You're right, Tita. Tara Cha, paparty na nga lang tayo." Napailing naman ako sa bestfriend ko na 'to. If I know, gusto niya rin talaga. Haha! "Okay, fine. Ano pa nga bang gagawin ko tatlo kayong kalaban ko."

Di ko alam kung matutuwa akong kasama ko sila sa debut ko o maiinis ako kasi may party pa. Hays.

*****

"Hi, Tita!" bati ko sa mama ni Nathan ng sinalubong niya kami pagkabukas ng gate ng bahay nila. Inimbeta nila kami ngayon para sa isang dinner dahil kumpleto kami ngayon. Kakauwi lang ng daddy ni Nathan from business trip at 2 days na lang papa ko naman ang aalis. Sakto pa't sunday ngayon at wala kaming pasok ni Nathan kaya sinamantala na naming ang pagkakataon. "Hi, sweetie. Nice to see you din mare." Sabi ni Tita Andrea at nakipagbeso kay mama.

"Charlotte, pakipuntahan nga si Nathan sa kwarto niya at pababain mo na. Sabihin mo kakain na't nadito na rin lang kayo." Utos sa akin ni Tita. "Sige po." Sabi ko naman at dumiretso sa kwarto ni Nathan.

*****

"Nathan?" sabi ko habang dahan-dahan na binubuksan ang pinto ng kwarto niya. Bakit kaya walang sumasagot? Hmm. Unti-unti ko pang binuksan ang pinto ng kwarto niya. Hindi na ako kumatok kasi ganun talaga. Hindi talaga kumakatok sa kanya. Lol

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto ay hindi ko nakita sa Nathan. Pumasok ako sa kwarto niya at narinig na bukas ang shower. Nasa cr pala. Sira din tong lalaking 'to e. Gabi na pero mukhang ngayon lang naliligo. Humiga na lang ako sa kama niya at nagmasid sa kwarto niya. Halos wala pa ring pinagbago ito. Puno pa rin ng litrato niya. GGSS talag tong si Nathaniel e. Jk.

May litrato din ng family niya sa may study table niya pero isang picture frame ang nakapukaw ng pansin ko. Iyong may laman ng litrato namin noong mga bata pa kami. Kinuha ko ito at inaalala kung kalian nakuhanan. Wala naman akong naaalalang may ganito kaming litrato?

Flashback

"Tama na. Ang pangit mo na, kanina ka pa umiiyak." Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko. Hinampas ko naman ko naman siya. Ganito na nga ang sitwasyon nang-iinis pa siya. "Aray naman. Wag ka na kasi umiyak. Babalik naman ako. Promise." Sabi niya at matipid na ngumiti sakin.

"Dapat lang bumalik ka. Di pa ko tapos na inisin ka." Sabi ko naman sa kanya. "Ako ba ang naiinis o ikaw?" natatawa niya namang sagot sakin. Hinampas ko ulit siya. "Aray ha. Kanina ka pa. Aalis na nga ako, binubugbog mo pa rin ako." Tinitigan ko lang siya at hindi sinagot. Hanggang sa lalo pa akong naiyak. Aalis na si Nathan. Masyado na akong nasanay na nadito siya sa tabi ko. Simula noong ipinanganak ako, siya na ang kasabay ko sa pag-iyak mga sanggol pa lang kami. Kaklase ko na simula noong unang araw ko bilang estudyante. Kasabay ko kapag tinututor kami kasi iisa lang ang tutor namin. Kapartner ko sa lahat ng kasal na abay ako. Tapos ngayon aalis na siya.

Bigla ko siyang niyakap at tuluyan ng humikbi. Niyakap niya naman ako pabalik. Maya-maya pa'y tinanggal niya ang pagkakayakap niy sa akin. "Kailangan na naming umalis, Denise. Pagbalik ko kakain agad tayo doon sa favorite restaurant natin. Wag ka kakain kasama ang iba doon." Banta niya sa akin. "Mag-iingat ka dito hanggat wala ako." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Babalik ako. Pangako."

Napangiti ako ng maalala ko iyon. Nakunan pala kami noong araw na iyon. Nacapture sa litartong 'to 'yun paghalik niya sa noo ko. Malamang sila Tita Andrea o si mama ang kumuha nito. Avid shipper naming ang mga iyon. Lol Napatingala ako ng narinig kong tumunog ang pinto ng cr.

Pffffft. " HAHAHA" Natawa ako sa reaksiyon ni Nathan noong nakita ako dito. Paano topless siya tapos nakatakip ang dalawang braso niya sa katawan niya. Akala mo naman pagsasamantalahan ko. "Anong ginagawa mo dito?!" sigaw niya. "Pinapatawag ka ni Tita Andrea. Tinatawag kita kanina pero mukhang di mo narinig. Di mo nga namlayan na may tao sa kwarto mo. Haha!"

Kumalma naman siya. Tinanggal niya na rin ang braso niya sa may katawan niya. Narealize niya siguro na hindi na siya dapat mahiya sakin. Asus. Nakita ko na 'yan nung mga bata pa kami. HAHA Pero infairness, nag-improve. May abs na siya. Halatang nagwo-work out. Hehe Kbye.

Dumiretso siya sa cabinet niya at kumuha ng damit. Nagbihis na rin siya agad. Nakapants naman na siya nung lumabas sa cr kaya mabilis siyang natapos. "Sino kumuha nito?" tanong ko sa kanya. "Si mama siyempre. Paano naman ako magkakaroon ng kopya kung mama mo diba? Dalawa lang naman sila ng mama mo na mahilig na kuha ng litrato nating dalawa." Napairap naman ako sa pamimilosopo niya. Well, totoo naman ang sinabi niya. "K. Fine."

"Tara na. Baba na tayo. Hinihintay na tayo doon sa baba." Aya niya sa akin. "Tinatamad ako. Dito muna tayo. Maghahain pa naman yata sila." Sabi ko. Naupo naman siya sa tabi ko habang nakahiga pa rin ako. "Baka makatulog ka diyan."

"Paano mo nalamang balak ko matulog? Haha!" sabi ko sa kanya. "Paborito mo 'yang kama ko e. Pag nahiga ka diyan, panigurado makakatulog ka. Buti nga hindi mo ipinalit 'yan sa kama mo noong nawala ako e." sagot niya naman na natatawa rin. "Bakit hindi ko naisip 'yun?" Tinignan niya naman ako ng masama. "Joke lang." sabi ko tapos hinila ko siya para mahiga sa tabi ko at niyakap. "Tulog na lang tayo." Aya ko. "Baka gusto mong magka-issue nanaman tayo sa parents natin kapag nakitang magkatabi tayo dito." Sabi niya pero niyakap din ako pabalik. "Matagal na tayong may issue sa kanila kahit wala naman. Kahit yata magsapakan tayo sa harap nila, kikiligin pa rin sila e. Ganun ba kalakas chemistry natin? Kulang na lang ipakasal tayong dalawa." Natawa naman ako sa sinabi ko. Pero napansin kong ako lang ang natawa at natahimik siya.

Bigla siyang tumayo mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa may pintuan. "Tara na, kain na tayo." Sabi niya at ngumiti. Hindi ko alam kung namali lang ba ako ng tingin o ano.

Ang lungkot kasi ng mga mata niya.

Unconnected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon