TWELVE

67 4 0
                                    

Twelve

Vacation


"Readyyyyy?" tanong ko kay Liz sa phone. "I am born ready lalo sa mga ganitong bagay, Cha!" excited naming sagot ni Liz. "See you there! Bye." Sabi ko at inend ko na 'yun call.

First day ng bakasyon ngayon kaya papunta na kami sa probinsya namin para magbakasyon. Siyempre, kasama namin 'yun pamilya namin. Doon na lang daw kami magikita-kita ni Liz kasi alam naman nila kung paano pumunta sa bahay namin dun. Malamang mauuna sila doon kasi kanina pa ata sila nakaalis. Di bale, may susi naman sila nun. HAHA

"Tita?" sabi ng biglang nagsalita. Si Nathan na dire-diretsong pumasok sa bahay namin. "Huy, bakit mo hinahanap si mama?" sabi ko. "Gusto ni mama magkatabi sila sa van e. Pinapatawag ni mama."

And yes, kasama namin sila Nathan sa bakasyon na ito. Alam niyo naman parents namin lalo na mga mama namin, kala mo kambal. Di mapaghiwalay. "Kasya ba tayo sa van lahat? Hindi ba masyadong masikip?" tanong ko. Kasya naman kami kasi 9 naman kasya dun. Isa sa tabi ng driver tapos walo sa likod nila. Kaso, ilang oras byahe namin. Di kami makakahiga nun. TTTTT

"Dadalhin ko 'yun kotse e. Hindi rin kasi kasya 'yun mga bagahe sa van. Atleast sa kotse may compartment." Sagot niya naman. "Sama na lang ako sayo. Pwede ibaba 'yun upuan nung kotse e. Hehe"

"Tutulugan mo pa ko." Sabi niya naman. "Hindi ah. Pag nangawit lang ihihiga ko 'yun upuan." Sabi ko naman. Siyempre, matutulog ako no. Pero kunwari di ko sasadyain. HAHA "Wag mo ko lokohin, miss. May balak ka talagang matulog."

Kainis. Bakit ba kasi kilala ako neto e. "Wala nga." Okay, deny lang Charlotte. "Asus, di mo ko maloloko. Sige na mauna ka na sa kotse. Tawagin ko lang si tita."

"Okay!" Pepwesto na ko. HEHHEHEHEHEHEHEHE

*****

.NATHAN.

"Nga pala, Den—" Napatigil ako ng matingin ako sa kanya at nakitang mahimbing na ang tulog ng prinsesa sa tabi ko. Sabi ko na nga ba't tutulugan lang ako ng babaeng 'to e. Kanina lang nag-uusap pa kami ngayon wala ng sumasagot sa akin. Haha! Tinignan ko siya total naka-red naman ang stoplight. Ang peaceful niyang tignan kapag natutulog.

Palibhasa, hindi naman siya 'yun tipo ng tao na dadamdamin ang mga problema. Siyempre, mababagabag siya pero para kasi sa kanya hindi mo na dapat hinahayaan na pumasok sa sistema mo 'yun problema. Lalo ka lang maiistress.

Sana kagaya niya ako. Kaso hindi e. Ako naman 'yun tipo ng tao na nag-ooverthink kahit maliit lang naman talaga 'yun problema. Iniisip ko na kung paano 'yun makakaapekto sa future kahit gaano pa kaliit 'yun. Pinalaki kasi ako na aware na ako sa mga magiging responsibility ko. Coloring book pa lang ang hawak ko noon pero sinasama na ako sa opisina para ipakilala sa mga stockholders.

Maaga akong hinanda ng parents ko. Gusto nila kapag dumating ang panahon, alam ko na ang dapat kong gawin. Alam ko na ang mangyayari. They want me to have control over things. Bawal magkamali, kasi maaaring malaki ang maging epekto nung pagkakamali na 'yun sa future.

Kaya thankful din ako sa kanya e. Kapag kasama ko siya kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko.

Hinaplos ko ang mukha niya at ngumiti. Agad ko din namang inalis ang kamay ko kasi nag-green na ang stoplight.

Sana makatulong sakin ang bakasyon na ito para naman kahit papaano ay mawala ang pressure sa akin. Tutal iba din ang epekto ng simoy ng hangin sa probinsya. Nakakagaan talaga ng pakiramdam. Sana makapag-isip ako dito.

*****

Matapos ang ilang oras, nakarating na rin kami sa patutunguhan namin. Agad kong ginising ang mahimbing pa rin ang tulog na si Denise. Naglabasan na sa isang van ang mga kasama ko. Binababa na rin nila ang ibang gamit.

"Den, gising na. Den." Tapik ko sa kanya. Agad naman siyang gumalaw at dumilat. "Nandito na tayo? Ang bilis naman?" inaantok niya pang sabi. Natawa naman ako sa kanya. "Tignan mo nga kung maliwanag pa?" sabi ko. Napatingin naman siya sa labas ng sasakyan at nakitang madilim na. Hapon na kasi. "Omg, ilang oras ako nakatulog?"

"Buong byahe? Which is inabot ng halos 8 hours?" sabi ko sa kanya na natatawa pa. "Halika na, bumaba ka na diyan." Dugtong ko sa sinabi ko. Dumiretso na ako sa may compartment ng sasakyan at isa-isang inilabas ang gamit na nandoon.

"Haaay, nakakapagod." 'Yan ang unang sinabi ni Denise ng makapasok kami sa loob ng bahay nila. "Napagod kakakatulog?" sabi ko na ikinatawa ng kakapasok lang din na sila Liz at Stephen.

"Stephen?" Kitang-kita naman ang gulat sa mukha ni Denise. "Hindi ko nga pala nasabi sayo. Sinama din namin si Stephen. Ako na nag-aya sa kanya kasi nasa ibang bansa pa rin ang pamilya niya at ibinilin siya samin ni Tito. Pumayag naman sila mama at mama mo." Mahaba kong paliwanag. "Ah, okay. Kahit ano yatang sabihin mo papayag naman si mama. Sus." Sabi niya naman na narinig ng mama ko at mama niyang kakapasok lang. "Wag kang mag-alala, sweetie. Sabihin mo lang sakin kapag pinagtutulungan ka ng anak ko at mama mo. Akong bahala sayo." Sabi ni mama at kumindat pa. Tumakbo naman si Denise papunta sa kanya at niyakap siya na naka-pout pa. "Thank you, tita. You're the best."

Pumunta naman ako papunta kay Tita at kinuha ang dala niya. "Ma, tulungan ko na kayo. Pag-uwi natin paayos natin birth certificate ko maling pangalan ata nakalagay doon e." biro ko sa kanila. "Eh, isabay na natin 'yun birth certificate ko. Mali din nakalagay doon e." banat naman ni Denise na ikinatawa ng lahat ng nandito.

"Pero bakit hindi kita nakita kanina, Stephen?" dugtong na tanong ni Denise habang nakayakap pa rin sa mama ko. Kinuha ko naman ang dala ni mama at tita at nilapag na ito malapit sa gamit namin. "Dinaanan lang ako on the way e. May pinuntahan pa kasi ako. Wala naman ikaw sa van na 'yun e. Tsaka tulog ka na rin ata nun."

"Ganyan talaga kapag puro tulog. Di na namamalayan ang nangyayari sa paligid niya." Pang-iinis ko naman sa kanya. "Hmp. Kpayn." Sabi niya at umakyat na sa kwarto niya.

"Pinikon mo nanaman 'yun future girlfriend mo." Biro ni Stephen sakin. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Sanay na ako na mula sa Maynila hanggang ditto sa probinsya natutukso kami. Minsan tinatawanan na lang, madalas di na pinapansin.

Pag-angat ko ng tingin nahuli kong nakatingin samin si Liz. Nagtaka naman ako sa titig niya. Pagkatapos ay bigla siyang umiling at naglakad paakyat para sundan si Denise. Napakunot naman ang noo ko sa reaksiyon niya.

Okay, what was that?

*****

"Bro, wala ka bang balak sabihin kay-" biglang sabi ni Stephen out of nowhere. Nandito na kami ngayon sa kwarto namin at nag-aayos ng mga gamit namin. Ganun din ang mga kasama namin. Matagal-tagal din kami dito kaya marami-rami din ang dala namin. Malaki naman ang cabinet kaya okay lang kahit ilagay naming ang dala naming gamit na dalawa. Ewan ko nga lang sa mga babae kung kakasya sa cabinet 'yun gamit nila. Alam niyo naman. Girls. Lol.

"I'm sure may dahilan sila kung bakit di pa nila sinasabi sa kanya. Mas maganda kung sa kanila manggaling. It's their decision in the first place. Kahit pa involve kami dito." I said with finality. Tumango lang siya at tumahimik na. Buti na lang at hindi niya na inopen ulit ang topic na 'yun.

Sana kapag dumating ang panahon na alam niya na, maging okay ang lahat.

Unconnected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon