FIVE

111 5 0
                                    

Five

Nakaraan na 'yun.



LIZZETH

Ano kayang nangyari kay Charlotte? Buong araw siyang tulala. Ayaw naman sabihin sakin kung bakit. -.- Kahit ako ang bestfriend nun, hindi talaga yun magsasalita pag ayaw niya pero kapag may nakaalam, asahan mo na na ako ang mauuna. Ganun talaga kami. Hindi nagpipilitan. :D

1 message recieved:

From: 0915*******

Pwede ba tayo magkita? Stephen to.

Huh? Si Stephen? Bakit naman gusto nito makipagkita? Anong trip nito? -.- Wala ako sa mood. Ayoko makipagkita kaya lang baka sabihin pa nito bitter ako sa kanya. >.> Anong gagawin ko? Aish. Kasi naman. Ang epal ng lalaking to.

Calling ...

Bes Cha.

"Hello, be?"

"Cha ..."

"Bakit? May problema ba?"

"Kasi ...Gusto makipagkita ni Stephen. Pupunta ba ako?"

*****

Sinabi ko nga kay Charlotte yun nangyari. Sabi niya bakit daw hindi na lang ako makipagkita, baka daw may sasabihin na mahalaga yun tao. Tsaka wala naman talagang dahilan para hindi ako makipagkita e. Ano ba kasing inaarte ko? Aish. :| Bahala na nga.

To: Stephen

Where?

Pupunta na kung pupunta.

*****

Dahil maaga natapos ang klase namin, ngayon na rin kami nagkita ni Stephen. Pumunta na ako dito sa may 7/11 malapit sa school. Dito daw kami magkita. Ano kayang sasabihin nun? -.- Second day pa lang namin ngayong sem stress na agad ako. Ano ba naman yan. >.< Pagdating ko, wala pa siya. Balak pa ata akong paghintayin. Pag ako nainis, aalis na lang ako dito!

"Marie ..." Si Stephen yun. Marie? Psh. :| "Lizzeth." plain kong sabi sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya.

Marie. Marie. Marie.

Kapal naman ng mukha niyang tawagin ulit ako niyan. Siya ang unang tumawag sa akin ng Marie. Mula nung tinawag niya ako sa ganyang pangalan yun na ang naging palayaw ko nung elementary. Pero simula nung umalis siya at nakilala ko si Charlotte nagpapakilala na ako as Lizzeth at yun na ang sinasabi kong itawag nila sa akin. Oo na. Ako na bitter. Naiinis pa rin ako sa kanya.

Umupo na siya sa tabi ko.

"Marie naman." Ang kulit! >___< "Ano bang sasabihin mo? May iba pa akong lakad. Pakibilisan na lang." Kahit wala naman talaga.Ako na sinungaling. >.>

"Ma-" ASDFGHJKL! "Lizzeth sabi e! Di mo ba maintindihan yun? L.I.Z.Z.E.T.H. Paulit-ulit?! Alam mo sabihin mo na gusto mong sabihin ng makaalis na ako." Naiinis ako! Obvious ba?! >.< "Okay. Okay. Gusto kong magpaliwanag. Alam kong nasaktan kita noon. Hindi ko ginusto yun. Kinai-" sinasabi ko na nga ba.

Ayoko ng ganitong usapan. Halos takbuhan ko na nga siya nung last time na inopen niya yun topic na yan noong sinundo ko sila. Ako nga ang sumundo sa kanila sa airport. Pakiusap ni kuya sa akin kasi hindi niya magagawa kasi may kailangan siyang puntahan nung araw na yun. Bestfriend kasi ni kuya yan. >.>

"Alam mo wala na akong pakialam. Bata pa tayo noon. Tapos na yun. After 4 years bumalik ka at sasabihin ang mga bagay na yan? 4 years Stephen. Ni Ho ni Ha wala akong narinig tungkol sayo. Anong gusto mong isipin ko? Sa tingin mo, after all these years, gusto ko pang pag-usapan yan?" I sarcastically laughed. "Kaya ikaw, move-on din pag may time. Kalimutan na ang dapat kalimutan. Ikaw din. Mahirap ma-stuck sa past." With that, tumayo na ako at umalis.

Wala na. Tama. Wala na dapat akong pakialam dun. Nakaraan na yun. Hindi na dapat binabalikan pa.

*****

"Ginawa mo yun?" Kinwento ko na kay Cha yun nangyari kahapon.

Lunch time namin ngayon. Nandito kami sa may mini garden ng school. Dito kami madalas kumain pero minsan sa canteen. "Oo." plain kong sagot. Wala ako sa mood. -.- "Lizz, matanong nga kita, mahal mo pa ba si Stephen?" Mahal? Tsk.

"Hindi na."

Tinignan niya ako na parang kinikilatis kung nagsasabi ng totoo. What?! Kahit anung tingin niya diyan, maniniwala at maniniwala pa rin siya sa akin. Kilala niya nga ako pero mas kilala ko siya.

Kapag sinabi ko, yun ang ipakikita ko.

"Sabi mo e." nagbuntong-hininga pa siya. Nag-aalala siya sa akin alam ko. :( Awww. I love my bestfriend so much. Hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin sa kahit anupamang bagay. :")

"Denise!" si Mark. Naikwento na sa akin ni Cha na magkababata sila. Kaya pala nung first day parang lagi siyang chinecheck ni Mark.

Infairness, ang gwapo niya. *.* HAHA!Hindi niyo na maiaalis sa akin yan. >:P "Oh, Hi Lizzeth, right?"

OMG. Nag-hi din siya sa akin. :"> For sure, after this week isa na sa mga heartthrob sa school si Mark at .. Stephen. :) "Hello. :D" sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nakasigaw nanaman si Cha! HAHA. Bakit kaya ganito silang dalawa? Ngayon lang ako nakakita ng dalawang taong sabay na lumaki pero parang aso't pusa. Di ba dapat close sila? Close as in parang magkapatid or magbestfriend? HAHA.

"Namiss kita e." pa-cute ni Mark kay Charlotte."Tigilan mo ako Nathaniel!" Oo nga pala, ang tawag nila sa isa't isa ay via second name. Nakakatuwa nga sila e. Isn't cute? :D Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mag-time na. Tawanan doon, tawanan dito.

Sabay-sabay na kaming bumalik sa klase namin. Halos pare-pareho lang kami ng schedule. Ay mali, pareho nga pala silang dalawa. HAHA. Medyo mga isa o dalawa lang naman na subject ang naiba ko sa kanila. ^_^

Alam niyo, ang gwapo talaga ni Mark. Crush ko na siya.

Wala namang masama diba? Hihi.

Unconnected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon