Minulat ko ang mga mata ko ngunit wala siya. Nilingon ko ang bawat paligid. Wala siya.
Para siyang naglaho ng parang bula. Mas lalo sumakit ang puso ko.
Biglang nagring ang phone ko. It took me a while para sagutin iyon.
"H-hello?" Sagot ko sa phone.
"Edward. I'm so sorry. W-wala na si Debby. Kanina ko lang nalaman pagkaalis mo. H-hindi kita agad natawagan kasi hindi ako makapaniwala anak." Malungkot na tugon ni mama na ikinabigla ko.
"Ma? Stop joking around! Hindi ngayon ang tamang oras diyan! Ano ba!?" Hindi ko mapigilan ang damdamin ko.
"Nak, I'm so sorry but I'm not joking. Sabi ng mommy niya bumalik daw siya kahapon sa bahay nila panay sorry lang ang sinabi sa kanila. Kanina, nakita na lang nila si Debby na may hiwa ang pulso--"
Hindi na natapos ni mama sinabi niya nang bigla kong itapon ang phone ko.
Lalong bumagsak ang mga luha ko. Sinuntok ko ang dingding hanggang sa dumugo ang kamao ko.
Hindi 'to nangyayari, please. Isa lang 'tong bangungot.
Kanina kausap ko lang siya di'ba? So hindi siya patay.. No.
[Narration]
Mabilis na kinuha ni Edward ang car keys niya at pumunta sa hospital.
Mabilis niya tinanong kung nasaan ang katawan ni Debby at pinuntahan ito.
Marahang binuksan ng nurse ang pintuan at doon niya nakita ang maputla at malamig na katawan ni Debby.
"Debby.." Mahinang usal niya.
"Diba magkausap lang tayo kanina? Diba? Sabi mo aalis ka pero 'di mo naman sinabi na mamatay ka diba Debby?" Pinipigilan niya ang mga luhang nagbabadya na naman.
"Ikaw na kasi 'yung babaeng para sa akin eh. Ikaw na 'yung mamahalin ko habang buhay pero bakit nawala ka? Ba't mo ko iniwan? Ni hindi ko man lang nalaman ang problema mo. Patawarin mo ko, kung hindi sana ako na comatose hindi 'yan mangyayari sa'yo. Mapipigilan sana kita. I'm so sorry Debby.. I love you so much."
Hindi na niya napigilan, humagulhol na siya sa harap ng malamig na katawan ni Debby.
Mahal na mahal niya si Debby kahit kaunting panahon lang niya nakasama ito. Ilang taon niya itong minahal at hindi niya alam na hahantong sa ganito.
Edward's POV
Months have passed pero may kulang pa rin sa puso ko. Hindi ko alam kung may makakabuo pa ba nito o sadyang wala na talagang makakabuo.
Kahit ganon, pinagpatuloy ko ang buhay ko.
Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Siya ang naging inspiration ko sa pag-aaral. One day, 'pag naging engineer ako, bubuhayin ko ang abandoned amusement park na pinuntahan namin ni Debby.
Siguro, 'yun ang paraan ko para mapanatili si Debby sa puso ko habang pinagmamasdan ang amusement park.
Wala man siya ngayon sa mundo, andito naman siya sa puso ko. Alam kong 'di siya mawawala dito.
Pangako ko kay Debby na hindi siya mawawala sa isip at puso ko. Dito lang siya.
Sinarado ko libro ko at nilagay ko na sa bag. Uuwi na ako, wala na rin naman ang gagawin e.
Pagkauwi ko sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto upang maligo.
Pagkatapos nun. Pumunta ako sa roof namin. Star gazing, katulad ng ginagawa ko dati. Kaso ngayong may kulang. Si Debby.
"Wish you were here Debby.." Mahina kong sambit.
Matutulog na sana ako ngunit may nakita akong envelope na nakaipit sa itaas na parte ng bintana. Pumasok ako sa loob ng kwarto at saka kinuha ito at binuksan.
Dear Edward,
Hi, malamang ngayong nababasa mo 'to, ay wala na ako. Sorry kung nagawa ko ang ganoong bagay. Alam kong hindi iyon ang solusyon para sa lahat ngunit hindi ko na talaga kaya. I'm sorry kung hindi ko masabi sayo ang dahilan pero ang gusto ko lang malaman mo ay mahal kita. Mahal kita simula nung makita kita. Hindi ko masabi sa'yo dahil nahihiya ako at baka ma-reject mo ko. Gwapo mo kasi e hahaha. Pero salamat dahil naging bahagi ka sa mga masasaya kong alaala sa mundong 'to. Hinding hindi kita makakalimutan Edward. I love you. Paalam.
DebbyMahal niya rin ako. Mahal rin ako ni Debby..
"I love you too, Debby."
End
YOU ARE READING
Runaway Girl (Completed)
Short StoryDebby Lei is running away, her way of getting out of a problem All she wants in her life is to have the freedom to become independent and to experience being alone, away from her brother who's a big bully and from her parent who only know how to arg...