Edward's POV
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.
Puting kisame, amoy gamot, alam ko na, nasa hospital ako.
Medyo masakit pa ang ulo ko.
"Nak! Gising ka na! I missed you so much!" Yumakap si mama sa akin at gumanti ako.
"Ma, ilang araw akong tulog?" Natigilan si mama at lumungkot ang mukha.
"You've been comatosed for about 1 year."
Iniisip ko nagbi-biro lang si mama, prankster siya e, but judging her face right now, parang totoo.
Ayoko paniwalaan pero bakit– bakit ganito? Bakit 'to nangyari? Ni hindi ko pa nasasabi kay Debby na mahal ko siya. Si Debby, nasaan siya!?
"Ma! Nasaan si Debby!? Nasaan siya!?"
"Hindi ko alam, pati magulang niya hindi rin alam kung saan siya pumunta. After nung accident niyo, kinubakasan wala na siya sa room niya. Inalis niya yung dextrose na naka-kabit sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nabalik." Mahinang tugon ni mama.
Where could she possibly be?
Kaya na niyang mag-trabaho, kaya na niyang mabuhay mag-isa, 'di kaya hindi na siya bumalik? Siguro, 1 year na siyang 'di na nabalik.
Pero ang gusto kong malaman, nasaan siya?
"Ma, may alam ka ba kung nasaan siya?"
"May narinig akong namumuhay na raw siya mag-isa, yung isa naman daw, barista siya sa isang coffee shop. Ang daming nagsasabi ng kung anu-ano sa kanya, wala namang kasiguraduhan."
Sigh. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya.
I stayed silent at tumingin lang sa bintana, watching people walk.
"You love her," Mom said out of the blue.
Napalingon ako sa kanya. How did she know?
"Habang naka-higa ka, you always say 'Debby' or 'I love you Debby'" She smiled. I smiled back.
"Kung mahal mo siya, hanapin mo siya. Tell her that you love her, hangga't di pa huli ang lahat."
Tama yung sinabi ni Mama, I should tell her, but how? Hindi ko alam kung nasaan siya.
"Paano ma? Ni hindi ko alam kung nasaan siya?"
Wala na akong pag-asang makita pa siya. Wala akong clue. Baka nga kung makita ko siya at umamin ako, baka ma-reject lang ako.
"Malalaman mo rin 'yan, if you trust your heart, makikita mo siya. Mahal mo siya 'di ba? Kung kayo, kayo talaga. Makikita mo siya kung destined talaga kayo para sa isa't isa." Bigla akong nabuhayan ng loob. Tama siya, kung kami, kami talaga.
"Thank you ma, don't worry, I'll find her. I'll tell her I love her."
To be continued...
YOU ARE READING
Runaway Girl (Completed)
ContoDebby Lei is running away, her way of getting out of a problem All she wants in her life is to have the freedom to become independent and to experience being alone, away from her brother who's a big bully and from her parent who only know how to arg...