Chapter 2 - Bwisitor

96 18 2
                                    

Kumakain ako ngayon dito sa bahay ng may biglang kumatok.

"Manang, paki bukas naman po nung pinto. Thank you po."

Bumalik na ko sa pagkain ko ng biglang may sumigaw kaya nabitawan ko yung kutsara ko.

"ZION! HELLOOOOO....."

"Tch, ano nanamang ginagawa mo dito?" sabay dampot nung kutsara.

"Wala lang, binibisita ko lang ang bestfriend ko. May masama ba don?" lumapit siya sakin ng sobrang lapit.

"Wala naman. Lumayo ka nga!" tinulak ko yung noo niya.

Aakyat na sana akong kwarto ko nang mas nauna pa siya sakin.

"Aish! Buwiset ka talagang lalaki ka!" sigaw ko.

Pumunta na ko sa kwarto ko at aba!----- nakita ko siyang nakahilata dun sa kama ko kaya tinulak ko siya, ayun hulog.

"Aray! Bakit mo naman ako tinulak?" pagmamaktol niya.

"Huwag kang humiga sa kama ko! Dun ka nalang sa sahig oh."

Binuksan ko nalang yung t.v.

"Manuod nalang tayo ng movie." sabi ko sa kaniya.

"Conjuring nalang." nakangiti niyang sabi.

"Ayoko nuuuun!" alam niya namang takot na takot ako sa horror movies eh.

"Sige laro nalang tayo ng jack en' poy, kung sino manalo siya yung mamimili ng panunuorin." paghahamon niya sakin.

Naglaro na kami ng oh-so-called jack en' poy niya at ayun,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Talo ako.

"Hay nako! Pano ba yan panalo ako, kaya ako magde-decide ng panunuorin natin. Bwahahaha."

"Tss. Mamili ka na diyan ng panunuorin mo at m-matutulog nalang ako dito."

"Hoy! Bumangon ka diyan, madaya ka!"

Di ko nalang siya pinansin.

"HOY! KAPAG DI KA BUMANGON DIYAN, KIKILITIIN KITA!" sigaw niya.

Kaya naman agad akong napabangon sa sinabi niya.

"Oo na, oo na! Manunuod na!"

"Hahaha, Very good."

Aba, at ginawa pa kong aso eh noh.

"Dito ka sa tabi ko." tumabi naman ako sa kaniya.

At ayun nagsimula na po ang PABORITO KONG PALABAS..! *insert the veeeery sarcastic tone*

Di ko inaasahang may nakakatakot na part kaya,

"Omyghad!" sigaw ko at di ko namalayng napayakap sa likod ni Hyde.

Nang natauhan ako bigla naman akong napabitaw sa kaniya.

"S-Sorry, di ko s-sinasadya." nakakahiya kaya.

"Ikaw ah! Chansing ka sakin ah, siguro crush mo ko noh?"

"Hoy, fyi. Di kita crush noh, ikaw magiging crush ko? Sa ugali mong yan, NEVER. As in N-E-V-E-R!"

"Grabeh naman, defensive masyado." natatawa niyang sabi.

Tch, ako pa ngayon ang tinawanan.

"Aish! Ewan ko sayo! Matutulog nalang ako.
" humiga na ko sa kama ko at nagtaklob ng kumot.

"Hahaha. Huy, joke lang yun." natatawa niyang sabi. Di ko nalang siya pinansin, titigilan din ako niyan.

I'm Inlove With My Bestfriend #SBAWARDS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon