Chapter 3: Blue

1.2K 54 19
                                    

Sabrina's Pov

Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng itsura ko sa Salamin. Suot ko ang unipormeng ibinigay ni Mrs. Rose, Scarlet color na skirt, White long sleeves, Black Blazer na may lining sa gilid na pula and bloody red Neck tie. Nakalagay din sa gilid ang logo ng school. I sigh.

I grab my black heeled boots at sinuot ito. Nakita ko rin si Abby na kakalabas lang ng C.r na suot na rin ang uniporme niya. She smiled to me.

"Nervous?"

I shrugged my shoulders. "Kinda."

"Don't be. Trust me they're kind." She answered and i just smiled. I'm still a bit nervous. Lumabas na kami ng room at sabi ni Abby ay diretso muna kami sa opisina ni Sir Mateo? Para daw kunin ang protection necklace upang hindi ako masyadong maamoy ng mga bampira. Lalo na daw ay bagong salta lang ako rito, at hindi pa kilala ang amoy ko.

Kumatok si Abby sa Pinto, Nagulat ako ng kusang bumukas ito. Napasilip naman ako sa loob at nakita ko ang lalaking nakaupo, May salamin, Siguro ay may edad na ngunit hindi halata, Maputla din ang skin nito katulad nang mga nakita ko kahapon. He's a vampire.

Tumingin at medyo ngumiti muna saakin si Abby bago magsalita.

"Sir Mateo? We're here for the Protective necklace for the transferee."

Tumingin saakin si Sir Mateo at agad na tinakpan ang kanyang ilong. "Newbie." Kahit mahina ay narinig namin ito.

"A-ako nalang po ang kukuha dito sa drawer number 29." Medyo utal na sabi ni Abby at agad na pumunta sa may gilid na puro drawer at may mga numero, Agad naman niyang nakuha ang necklace at ipinahawak saakin. Napansin ko naman ang paghinga ng malalim ni Sir Mateo.

"You can leave."

"Thank you." Agad naman akong hinila ni Abby at nang makalabas na kami ay napabuntong hininga siya.

"Where's your schedule?" Tanong niya.

Binuksan ko naman ang bag ko at kinuha doon ang schedule. "Hmm parehas tayo ng schedule sa tatlo and the rest..." tumingin siya saakin na nanghihinayang. "Sorry pero kailangan mo pumasok mag isa sa tatlo pa." Saad niya.

Bumagsak naman ang balikat ko. "It's okay." Sagot ko. Hindi naman pwedeng nakadikit ako lagi sakanya, siguradong may mga kaibigan di siya dito lalo na matagal na siya dito. "Tyaka sabi mo naman diba sa mga classes ay hindi kasama ang mga vampires?"

Napangiwi siya. "Sa tatlong subject lang yun, iyon ang mga normal na subject lang at ang tatlo naman ay about sa mga vampires, and may mga magiging kaklase ka doon na mga bampira dahil sila ang mag gguide sa mga human, and sad to say doon tayo sa dalawang normal subject and isang about sa vampires lang tayo magkaklase." Paliwanag niya. "So ang dalawang sched mo na about sa vampires ay papasok kang mag isa."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kakayanin ko ba? Sa mga teachers nga lang na mga bampira ay nagtatayuan na ang mga balahibo ko at parang gusto ko agad umalis, doon pa kaya na magiging kaklase ko ay mga vampires? Wala pa akong kilala. So what now?

Then naalala ko. I'm strong right? Kung iisipin kong hindi ko kaya, hindi ko talaga makakaya.

"It's okay, really. Basta ba pag breaktime ay sabay tayo, sorry wala kasi akong ibang kakilala." I said.

She smiled. "Sure! I'll introduce you to my friends if you like."

I half smile. "Sure. Sana lang ay huwag bampira."

She giggled. Nag umpisa na kaming lumakad, First subject daw kasi ay magkaklase kami.  "They're humans."

"Better."

Sabrina (SMA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon