Prologue

4.5K 117 8
                                    

Pinagmasdan ko ang paligid na puno nang malalaking puno. Nakakatakot. but I'm a girl who is always pretending to be strong, so yeah I'm not scared.

"Mom where are we going?" Tanong ko habang nakatingin parin ako sa labas ng bintana ng kotse.

"Shut up!" Mariin niyang sagot na nagpatahimik saakin. I secretly rolled my eyes. Lagi nalang.

Hindi na muli akong nagbalak na magsalita, Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin kahit na puro malalaking puno lang naman. May kaunting araw pa kaya hindi pa masyadong madilim, but i'm sure na mas nakakatakot ito kapag madilim na.

Ganito ba kalayo ang bagong school na papasukan ko? Tch. Bakit pa kasi kailangan akong ilipat. Sabagay, wala namang makakamiss saakin sa school ko na iyon, ni wala nga akong kaibigan sakanila. Siguradong sobra saya nila dahil wala na ang weirdo-slash-bitch-slash-nerd-slash-flirt nilang schoolmate.

"Sa school na papasukan mo ay malapit lang ang bagong company natin. Mayroon din akong pinatayong bahay roon noong nakaraang taon, doon ka nalang umuwi." Malamig na pahayag saakin ni mommy. Sinagot ko nalang siya ng tango. Mahirap na, Mainit ang dugo saakin ng nanay ko kaya mas mabuting huwag nalang ako magsalita.

Kahit na andaming tanong sa utak ko. Bakit ganito ang lugar? Masyadong nakakatakot dahil sa malalaking puno. Sa tingin ko nga ay nasa gubat na kami eh.

Naalala ko tuloy ang mga nababasang kong mga libro. Vampires and Werewolves o kung ano pang ibang nilalang na yan na laging nasa gubat. Tch, Kung ano ano ang naiisip ko, Malamang hindi iyon totoo.

Nakita ko ang pangalan ng lugar sa gilid ng daan.

Ashbourne Town

Ashbourne Town? Hindi ko alam ang lugar na ito, pero ang pangalan ng town ay parang narinig ko na kung saan.

Maya maya ay ang mga nadadaanan namin ay puro iba't ibang bahay, ngunit wala akong nakikita na mga Tao sa labas. I sigh. Tahimik sa town na ito ah. Pero malapit parin kami sa Gubat dahil puno parin ng mga malalaking puno.

Naramdaman ko ang paghinto ng kotse kaya ay agad akong napatingin sa bintanang nasa harap. Mayroon malaking itim na gate at nakalagay sa itaas ay SMA

Biglang bumababa si Mom sa kotse kaya agad din akong bumaba.

"Let's Go." Malamig na saad niya saakin at pumunta sa tapat ng Gate. Agad naman kaming pinapasok ng Guard na naka itim na Uniporme. Magsasalita na sana ako upang itanong kay mom kung nasaan kami ngunit ay inunahan niya ako.

"This is your new school. SMA." Malamig na saad niya saakin habang kami ay naglalakad sa Quadrangle. My new school? Dito niya ako itatransfer? Oh my god. I hope na hindi katulad ng estudyante dito ang mga estudyante roon sa school ko. Napatingin ako sa paligid, Masyadong malaki ang School at Iba ang feel ko dito. Tch.Weird

Pumasok na kami sa loob ng Academy at lumakad sa hallway. Huminto kami sa Tapat ng isang Pinto.

Mr. Valencia
Principal

Walang katok katok ay agad itong binuksan ni mom. I Sigh and rolled my eyes.

Pumasok kami sa loob, at nakita ko ang isang lalaki. Medyo may katandaan na, Nakaramdam ako ng kaba nang napatingin ako sakanyang mata. Golden Eyes Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng takot sakanya.

"This is my Daughter, Sabrina Avery." Sabi ni mom sa lalaki. Hindi umimik ang lalaki, Binasa niya lang ang Papel na ang laman ay tungkol saakin.

"I'm Mr. Thaxton Valencio, I'm the Principal." Seryosong pakilala niya. "Is she going to have a Dorm?" He asked.

"Wait what, This is a Boarding School?" I asked and look at mom. Lumingon din siya saakin at ngumisi. no way mom

Humarap siya kay Mr. Valencia at nagbigay ng isang palakpak. "Great! I didn't know that." Nakangiting sabi niya. I bit my lip. Ayaw na niya talaga ako makasama sa buhay niya.

"Mom! Please." I look at Mr. Valencia. "Sir hindi po ako magdodorm."

"Sabrina." Mariin na sabi ni mom. Kaya nanahimik nalang ako dahil sa mariing sabi niya.

"Dorm." Mom said and smiled sweetly to Mr. Valencia, At agad na itong naintindihan ng Principal. Wala na akong nagawa kundi manahimik.

"Read all this Rules and Regulations if you have time. This is a Must." Baling saakin ni Mr. Valencio at ibinigay ang handbook kaya agad ko namang inabot.

Lumabas kaming muli ng Academy at tumuloy sa sinasabi ni mom na bahay. Medyo may kalayuan din, May madadaanan din na gubat kaya sobra ang takot ko lalo na't pagabi na. Inimpake ko ang mga damit at mga kailangan ko dahil utos ni Mom. Maluluha na nga ako sa Pag eempake, pero pinigilan ko dahil pagod na ako. Lagi nalang ako umiiyak. Kung ayaw na ni mom na makasama ako, fine. Kahit naman na naririto ako sa bahay ay palagi pa rin naman siyang wala at kung naririto man siya ay lagi nalang niya ako pinapagalitan.

Pagtapos ay bumaba na ako upang sabihin kay mom na tapos na ako mag empake.

"Mom tapos na ak—" Agad akong napatikom ng Bibig dahil sa masamang tingin na ibinigay niya saakin. mayroon siyang kausap sa phone.

Tumayo nalang muna ako dito sa Gilid at hinintay matapos ang katawagan niya. Pagtapos ay bumaling na siya saakin.

"I have a Meeting. I'm sure na kaya mo na pabalik doon." Malamig na turan niya saakin. Magpopprotesta pa sana ako dahil hindi ko alam paano pabalik doon at ayoko ring mag isang dumaan sa Gubat. "Be a Good Girl okay?" Sabi niya at ngumiti. Ngiting masaya dahil hindi na niya ako makikita o makakasama

I smiled. "Goodbye mom. I hope you will be happy, uh of course! You will be happy." I said at inayos na ang maleta at agad na tinalikuran siya upang lumabas na ng pinto.

Pagkasara ko ng pinto ay pumikit ako at bumuntong hininga ng malalim. Be strong Sab! Muli kong idinilat ang mata ko, ngunit pagdilat ko ay agad akong napaatras dahil may lalaki sa harapan ko, biglang kumabog ang puso ko pagkakita ko sa mga mata niya.

fvck his luminous silver eyes.




—★—

Credits to naeirra for the cover. Sorry po ngayon lang nagawa ang Payments. Naging busy lang po.

Sabrina (SMA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon