Ikalabindalawang Ikot - Paghihiganti

163 6 0
                                    

Tuliro pa rin si Raymond habang pababa sa jeep na pinanggalingan niya kaya muntik na siyang mabuwal dahil sa bigla nitong pag-andar. Ininda na lang niya ang pananakit ng kanyang mga hita dahil sa pwersahang pagtalon dito upang makatawid sa kabilang kalye.

"Rome, hindi ako titigil hanggang hindi ka bumabalik sa'kin." giit niya nang muli niyang maalala ang naging reaksyon nito dahil sa ginawa niyang hakbang upang magkasama sila.

Alas dos y media ng madaling araw nang makita niyang pumasok sa banyo si Jerome. Nang mapansin niyang silang dalawa lamang ang naroroon ay sinundan niya ito sa loob ng isang cubicle. Kaunti lamang ang mga taong naroroon sa planta nang mga oras na iyon kaya sigurado siyang walang makakakita sa kanilang dalawa.

"Mon, anong gagawin mo?" pabulong na tanong ni Jerome nang bigla niya itong yakapin habang nakatalikod. Agad nitong tinapos ang pag-ihi upang harapin siya.

Hindi na siya sumagot pa. Ibinaba niya ang takip ng bowl at patulak na pinaupo roon si Jerome.

"'Wag baka mahuli---" Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita dahil sa pagsiil niya ng halik sa mga labi nito.

Tinangka ni Jerome na ilayo ang kanyang katawan ngunit nanlaban siya. Mas lalo pa niyang pinag-alab ang kanyang dila kaya napilitan na ring gumanti ang dila nito.

Pigil ang ungol ni Jerome sa unti-unting paggapang ng kanyang labi pababa sa leeg nito. Habang ang mga kamay niya ay nagpapakalango na sa matipuno nitong dibdib.

"Mon, wag..." bulong muli ni Jerome nang bigla niyang daklutin ang naninigas na rin nitong pag-aari. "Mahuhuli tayo 'pag may..." Wala na rin itong nagawa nang buksan niya ang zipper ng pantalon nito.

"Di ako natatakot na mahuli tayo." giit niya habang nilalaro ang pag-aari ni Jerome.

Nakakailang taas-baba pa lamang siya roon nang pareho nilang maulinigan ang ilang yabag ng mga paang papasok sa loob ng banyo. Hindi siya huminto sa kanyang ginagawa kahit pa inaawat na siya ni Jerome. Akma na niyang isusubo ang kanyang pinaka-aasam nang bigla itong tumayo.

"Mon, tama na. Ayokong maeskandalo tayo. Ayokong mawalan ng trabaho." giit nito habang nakatitig sa kanya ng masama.

Nanlulumo siyang napaupo sa bowl dahil sa pagtanggi ni Jerome. Sinadya niyang magpadala sa nararamdaman niyang libog dahil sa pag-aasam niyang muling makaniig si Jerome. Kaya kahit trabaho niya ay handa siyang isakripisyo magbalik lang ito sa piling niya.

Makalipas ang ilang minuto ay binuksan na ni Jerome ang pinto ng cubicle at iniwan siya. Kaya hindi na nito napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha dahil sa sama ng loob.

Naputol ang pagbabalik-diwa niya nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot ang tawag na iyon sa pag-aakalang si Jerome ang tumatawag sa kanya.

"Rome, alam kong ikaw 'to. Plese bumalik ka na sa piling ko. Hindi ko na kaya..." pagmamakaawa niya rito.

Isang nakakabinging katahimikan lang ang iginanti nito sa kanyang mga sinabi.

"Gagawin ko ang lahat para ako ang piliin mo." giit pa niya.

"'Wag kang mainip. Babalikan din kita Mon. Malapit na malapit na." Nanindig ang kanyang mga balahibo nang makilala niya ang boses nito.

"Marius hindi na 'ko natatakot sa'yo!" sigaw niya sa sobrang galit. "Gawin mo ang gusto mo. Wala na 'kong pakialam sa buhay ko..." Hindi na nito narinig pa ang mga sinabi niya dahil agad rin nitong pinutol ang tawag na iyon.

Muli niyang itinago ang kanyang telepono at matamlay na nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa apartment ni Mikki. Napagdesisyunan niyang manirahan roon upang magkaroon siya ng mas maraming panahon sa panunuyong muli kay Jerome.

Kaleidoscope (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon