Ikaanim na Ikot - Alaala

220 11 0
                                    

Tagaktak na ang magkahalong pawis at luha ni Raymond sa kanyang mukha nang makababa siya sa kanilang kusina. Nanginginig niyang kinuha ang isang kutsilyo at mabilis na nagtago sa ilalim ng hagdanan.

"Mon, hindi mo 'ko matatakasan! Gago ka!" Hawak-hawak ni Marius ang kanyang ari habang paika-ikang bumababa sa hagdan dahil sa sobrang sakit ng ginawang pagkagat ni Raymond dito.

Alam niyang hindi agad makakalabas si Raymond sa kanilang bahay dahil wala na itong anumang saplot. Gigil na gigil niyang ihinagis sa sahig ang mga kagamitang nasa lamesa upang matakot ito.

"Hoy bakla lumabas ka na! Alam kong matagal mo na 'kong pinagnanasaan. Ibibigay ko naman ang sarili ko eh, magsabi ka lang." pang-uuyam pa niya sa kanyang pinsan.

Hindi pa rin mapigilan ni Raymond ang kanyang panginginig habang naririnig ang boses ni Marius. Hindi niya akalaing mauuwi sa pang-aabuso ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.

"HULI KA!"

"'WAG MO 'KONG HAWAKAN!"

Agad na nailagan ni Marius ang akmang panaksak niya kaya nagawa nitong mailabas siya sa ilalim ng hagdan. Ilang beses siyang sinuntok nito sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan dahil sa ginagawa niyang pagpalag.

Hanggang sa tuluyan na siyang nanghina kaya impit na lamang siyang napapasigaw habang inaabuso siya nito. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay dahil sa pwersahang pagpasok ng ari nito sa kanyang pwet.

"TAMA NA! AYOKO NA KUYA!"

Umalingawngaw ang bahaw na tinig ni Raymond nang magising siya mula sa madilim na bangungot ng kanyang buhay. Mabuti na lamang hindi nagising ang kanyang ina at kapatid dahil sa kanyang pagsigaw.

Nanginginig niyang niyakap ang kanyang sarili. Habang pilit na iwinawaksi sa kanyang isipan ang mga tagpong sumira sa kanyang buhay. Muli siyang ginagambala ng madilim niyang kahapon dahil sa muli nilang pagtatagpo ni Jerome.

Muli niyang kinapa ang pilat na bunga ng pangyayaring iyon. "Ayoko na...Ayoko na..." bulong niya habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.

Hindi na siya nakatulog pa dahil sa kanyang nararamdamang takot. Kaya hanggang sa paghahanda sa pagpasok sa trabaho ay wala siya sa kanyang sarili. Sinabihan siya ng kanyang ina na 'wag muna siyang pumasok ngunit nagpumilit siya.

Naging kapansin-pansin ang pagiging balisa niya habang nagtatrabaho kaya nagpanggap na lamang siyang may sakit. Alam niyang mahihirapan siyang ipagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho sa Ingresia dahil palagi niyang makikita at makakasama si Jerome.

"Hanggang kaya ko, iiwasan ko siya..." giit niya sa kanyang sarili sa tuwing napapansin niyang pinag-uukulan siya ng pansin nito.

Halos isang buwan ang lumipas ngunit nanatili pa rin sa kanyang dibdib ang pagkabalisa kapag nagkakatagpo sila ni Jerome. Kaya sinimulan niyang ibuhos ang kanyang panahon sa panliligaw kay Arianne upang balewalain ang presensya nito.

"Mon, salamat sa tulong mo ha." ani Arianne matapos niyang mailapag ang mga dala nitong sample products sa ibabaw ng mesa sa loob ng QC Laboratory.

Pare-pareho namang napangiti ang kasamahan nito dahil sa masugid niyang pagsuyo kay Arianne.

"Anne, kelan mo ba sasagutin si Raymond?" pabirong tanong ng kasamahan nitong si Ylissa.

Alam niyang nahihiya si Arianne ang tungkol sa kanilang sa harap ng maraming tao kaya lumabas na siya ng labaratory.

"Sige, mamaya na lang uli." pamamalam niya rito.

Kaleidoscope (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon