minahal kita noon sinaktan mo aq binalikan mo ako pinagbigyan kita
kala q auz na pero nagkamali ulit ako.. makalipas ang dalawang taon muli kang bumalik sakin gusto kong subukan muli baka sakaling magbago na kaya lang napagtanto ko na hanggang kaibigan nalang pala ang maibibigay ko sau.naalala ko pa noong sinabi ko sayo "kaibigan nalang ang turing ko sayo pero tandaan mo minahal kita noon pero ngyon pinapalaya na kita." noong una tumutol ka pero anong magagawa ko kung hanggang dun na lamang ang maibibigay ko sayo.
nagkalayo ang ating landas, nagkaroon ako ng sarili kong buhay natupad ko ilan sa mga pangarap ko. hindi ko alam kung anong nangyari sayo ng mga panahong magkalayo tayo.
Makalipas ang Limang taon, nagkaroon muli tau ng komunikasyon. nagkaroon muli ng ugnayan, nagkaroon ng kamustahan hanggang sa pinagbigyan kita muli sa pangatlong pagkakataon. ngunit naitatanong ko sa aking sarili. " Bakit Ba Ako?"
Bakit ba ako ang pilit niyang binabalikan
Bakit ba ako ang ginusto nya
nang tinanong kita kung bakit ang tanging sagot mo lang sakin
"kasi panatag ako sayo alam ko hindi mo ako lolokohin at mahal kita."
Sapat ba ung sagot mo?
paano ka nakakasiguro na hindi kita lolokohin, paano mo masisiguro na magiging tapat ako sayo.
para sabihin ko sayo hindi na ako tulad ng dati, hindi na ako yung dating babaeng minahal mo, hindi na ako ung babaeng pinagkatiwalaan mo dati, nagiba na ako. lahat ng tao ngiiba, lahat ng tao natututo sa lahat ng pagkakamali at sa lahat ng natutunan natin sa mga nagdaan.
naalala mo ba ung dating babaeng niligawan mo noon, ung babaeng un ignorante pa sa pagibig un. ikaw kasi ang unang lalakeng minahal nyan ang akala nga nya ikaw na hanggang sa huli. siya ung babaeng ibinigay lahat lahat sayo, ung babaeng nagpakatanga sayo. ung babaeng minahal ka ng tunay. pero anong ginawa mo sinaktan mo lang siya, pinaasa at ipinagpalit sa iba ngwala man lang pasabi.
tpos naalala mo ung babaeng nakipaagkita sayo sa jollibee dun sa stop n ride, un ang babaeng iniwan, pinagpalit at sinaktan mo, ang babaeng tinuruan mo magbago, ang babaeng minulat mo sa katotohanan na walang lalake ang kaya nyang pagkatiwalaan, natuto siya sayo, natuto siya kung paano manloko kung paano manakit gaya ng ginawa mo...
Tignan mo ang ginawa mo, Pagmasdan mo kung ano ang kinahinatnan ko, Sabihin mo ngyon sakin na ako pa din ang babaeng minahal mo noon, kung kaya mo pa din maging kampante sakin. Sabihin mo paano ko ngyon maibabalik ang dating ako, na marunong magmahal at magtiwala, marunong ibigay ang buong pagmamahal sa isang tao, paano ko maibabalik ang tiwalang nawala matagal ng panahon... sabihin mo paano...
tinanong kita kung bakit nagawa mo sakin ang lokohin at at ipagpalit, ang tanging sinabi mo lang "Dahil alam mo naman na nawalan ako ng tiwala dati sa ex-gf ko bago ikaw, kaya mahirap na ako magtiwala." kaya ba nagawa mo yun dahil sa wala kang tiwala, kung alam mo lang kung gaano ako naging tanga sayo kung paano ako nghintay sayo kala ko meron pang tayo un pala ako nalang pala ang naiwan sa relasyon meron tayo noon.
hinayaan mo lumipas ang oras na tayo pa, pinakawalan mo ako noon, tapos ngyon magbabalik ka ullit sa buhay ko na parang walang ngyari wlang explanation kung bakit kung anong rason nakatanggap tanggap, wala basta sinabi mo lang mahal na mahal mo ako pero hindi mo ba naicip na baka hindi na kita mahal tulad ng dati, o baka minahal lang kita dapat ang term, o ang mas masakit mahal pa naman kita pero malapit ng mawala at maging alaala nalang.
naicip mo ba un.
kung sakaling hindi ko na nakuha ang titte ko babalikan mo parin kaya ako, naalala mo noon kung paano mo ipamukha sakin na wala akong title, naalala mo kung paano isinampal sakin na ang bago mong gf my dalawang lisensya. paano kung hanggang ngyon wala ako nun mahal mo parin kaya ako.
ngyon sabihin mo sakin kaya mo ba akong pagkatiwalaan, kaya mo ba akong tanggapin, kaya mo pa bang maging panatag sakin.
kasi kung ako ang tatanungin sa tingin ko hindi ko na kaya magtiwala sayo at hindi ko na kayang mahalin ka tulad ng dati, pero tandaan minahal kita ng sobra sobra noon...
BINABASA MO ANG
The Point of Nowhere...
Non-FictionSorry, hindi ko na maalala kung para knino ito hehege