HALL OF FAME

20 0 0
                                    

Sorry ngayon lang po nakapagupdate;) okey lang po kahit konti pa lang nagbabasa ng story ko. dadami din yan! konti tiwala lang.. hahaha!

Anyway, enjoy reading po. kung may time kayo paki follow na lang po ako or ivote nyo naman story ko.

CKKO;)

MIMA'S POV

Nakabalik na ako sa lamesa ko pero tulala pa din ako. hindi ko alam kung tama ba talaga na tinanggap ko ang trabaho na inuutos sa akin ni boss a.k.a Luci..

"Mima ok ka lang ba?" tanong agad ni lea ng umupo ako sa chair ko.

ngumiti na ako sabay sagoy ng "oo" kawawa naman kasi siya, kahapon pa niya ako sinusuyo. 

"ano sabi sayo ni boss?" bawiin ko na lang kaya ang pakikipagbati ko sa kanya? tsismosa din kasi e.. 

"wala, napagsabihan lang ako tungkol kahapon." hindi ko kasi pwede sabihin sa kanya. siguradong wala pa isang araw e alam na lahat ng mga ka office mate namin.

wala na siyang sinabi pa. nagpatuloy lang siya sa pagttrabaho niya, samantalang ako, eto, lutang kaiisip kung ano na ang dapat ko gawin. Hindi ako makapagtrabaho kasi, baka mali lang ang gawin ko. tsk, buhay naman e!

nakatulala pa rin ako ng tapikin ako ng secretary ni boss. "Mima, tawag ka ulit"

napakamot ako ng ulo, ano ba naman ito si boss. makakahalata na nito ang mga officemate ko e, hindi na tinapos lahat kanina! tssss..

"Goodmorning ulit boss" inis ko bati sa kanya. ewan ko kung nahalata niya. sana, para maramdaman niya na ayaw ko ng pinapagawa niya.

"mukhang inis ka na mima?" haay salamat may pakiramdam din pala si luci!

nagpumilit ako ngumiti, "hindi po sir, bakit naman po ako maiinis?" kung alam mo lang sir gusto na kita patayin! (joke lang po)

"lumabas ka na kaagad sa office ko ng hindi pa tapos ang usapan natin"

"tapos na diba sir? wala ng kulang sa pinagusapan natin" nabbwisit na talaga ko sa luci na ito!

"hindi ko pa nga naiibigay ang kondisyon ko sayo" tumayo siya mula sa upuan niya at lumakad lakad sa loob ng office niya.

napapikit na lang ako oo nga pala may kundisyon pa nga pala ito c luci! tsk naman...

"i will lay my conditions, you better listen coz, i'll say it once" 

sungit talaga nito ni Luci! hmmp. 

"okay sir" nakasimangot na talaga ako.

"First, wala dapat makakaalam ng usapan natin ok? dahil kapag may nakaalam kahit isa, our deal is off!"

 "second, bawal ka mainlove kay danny, kapag nainlove ka, sisante ka na sa trabaho mo, wala ka pa 100k"

iba na talaga ang tingin ko sa amo ko..meron na siyang sungay at buntot! 

"FYI sir hindi talaga ako maiinlove sa ganoon klase ng lalake no?"

tinaasan niya lang ako ng kilay. Taray ni sir! marunong magtaas ng kilay.

"e kung tumili ka nga ng makita siya akala mo my sunog sa buong maynila"

nag pout na lang ako. kung hindi lang kita boss baka natadyakan na kita! yabang ko no? hahaha

"pangatlo, kapag nainlove na si danny sayo, iiwan mo siya at hindi na babalikan pa! understand?

"hep, hep, sir, pwede po magtanong?"

tumango ito.

"galit po ba kayo kay danny?" nacucurious na kasi ako ng bongga, ano ba nagawa ni danny para maisipan ni boss na ipagawa sa akin ito?

"pang-apat na kundisyon, bawal ka magtanong. ang gagawin mo lang ay ang sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko. okay?"

napaismid na lang ako. ayoko magsalita baka kung ano lang masabi ko sa boss ko na ito. 

"ano pa hinihintay mo?" 

"hinihintay ko po yung utos ninyo na lumabas na ako." 

he smirked, "okay you can go"

NASA RIGHT SIDE PO ANG PICTURE ANG BOSS NI MIMA;)

CKKO;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOYFRIEND KO SINGER;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon