ENJOY READING GUYS:)))))))))))
CKKO;)
Hindi pa rin ako makapaniwala sa pinapagawa nitong ugok ko na boss.
paano maiinlove sa akin ang ugok na danny na yun?
unang una, sabi niya baliw daw ako, pangalawa sobrang dami ng babae na pumipila doon, pangatlo, ahhhhhhhh ewan--------
"ano, Mima payag ka na ba?"
"payag saan?" pag mamaang maangan ko. baka makalimutan niya kasi na meron siya pinapagawa sa akin.
"ano ba mima? hindi ka nakikinig. ano kaya kung sisantehin na lang kita tapos si lea na lang ang pagawain ko ng pinapagawa ko ha?" medyo sumisigaw na si boss.
umangal ako kaagad, "bakit mo naman ako boss sisisantehin? ako kaya ang pinakamaganda mo na empleyado"
pinipilit ko na lang magbiro, pero ang totoo parang maiihi na ako na hindi ko maintindihan.
"alam ko mima, kaya nga kung ayaw mo itong pinapagawa ko, mabuti pa siguro kausapin ko na lang si lea, sa tingin ko hindi magdadalawang isip yun"
"kapag hindi ba ako pumayag hindi nyo ako tatanggalin?"
"tatanggalin syempre, alam mo na kasi ang plano ko e"
tingin ko sa boss ko ngayon ay si lucifer, binablackmail niya ako! hindi maganda! kung hiningi niya ang pabor na ito noong mga panahon na baliw pa ako sa danny na yun e d sana, sinunggaban ko na agad yung offer niya!
naniningkit ang mata ko ng magsalita ako "papayag lamang ako kung papayag ka sa mga kondisyon ko" alam ko medyo demanding ako, lalo na at parang hindi ko boss ang kausap ko.
nakipagtitigan muna sa akin ito bago pumayag.
"okey fine!! sabihin mo kung ano ang mga condition mo and after you said it i will lay my conditions too"
i lifted a brow, "ikaw rin"
"ang lagay ba ikaw lang ang marunong ng ibig sabihin ng condition?"
i force to smile. "whatever"
para talaga akong baliw, kung kausapin ko ang lokoloko ko na boss ay ganoon na lang, kapag nagbago ang isip nito boss ko patay ako nito.
"number 1. i want a makeover, alangan naman makipagkumpetensya ako sa mga kalaban ko ng walang sandata db?"
tumango-tango lang ito. good, hindi umaangal ang ungas!! bwahahaha.
"number 2. i want a promotion" nakita ko kumunot ang noo ni hudas kay dinugtungan ko kaagad. "syempre naman boss, paano niya ako mapapansin kung isang hamak na monitoring staff lang ako? pwede naman maging assistant niyo ako o d kaya mas mataas pa sa inyo"
naningkit ang mata nito, "proceed"
hindi umaangal si luci, sasamantalahin ko na ito. "number 3. i want a salary increase"
"no, no, no," umiiling pa na sabi nito.
inis na napatayo ako, imagine ayaw nito pumayag?
" i am giving you a hundred thousand and still you want me to increase your salary?"
nainis ako lalo. "paano pala kapag tapos na ang kontrata natin and hindi ko pa siya napapaibig?" what a word napapaibig? hahaha
"then, i am gonna fire you, no 100k no promotion and no job. so you better do your job!"
tingin ko ngayon sa boss ko ay isang tao na tinubuan ng sungay, napaka habang sungay!
"dalawa na ang trabaho ko tapos ippromote mo pa ako, tpos walang salary increase? maghahanap na nga lang ako ng ibang trabaho, hindi fair!" diyos mio por santo sana gumana ang plano ko! kung hindi mapapabilang ako sa ilang milyon na tao na jobless sa pilipinas. Lagot ako sa nanay ko! palabas na talaga ako sa opisina ng magsalita ang boss ko.
"okey, okey, okey, you win! but be sure na gagawin mo ang lahat para maacomplish ang trabaho na ito mima! i'm counting on you!!!!!!" kulang na lang ay sumigaw ito.
gusto ko tumalon sa tuwa, hahahaha.. mayaman na ako (eksahedara lang) pero, nawala din agad ang saya na meron ako. kaya ko kaya ang pinapagawa sa akin ni boss? paano kung hindi ko magawa? parang gusto ko na umurong sa usapan namin ni boss.
"boss---
magsasalita pa lang sana ako pero, nagsalita agad si boss
"stop it mima, hindi ka na pwede umurong pa" paano kaya nalaman nito na yun ang sasabhin ko?? anak naman ng kabayo o!
wala ako nagawa kung hindi lumabas na sa office niya, parang mali ang decision ko ah! kung magawa ko naman ang pinapagawa sa akin, ano ang sunod? tsk, namroblema talaga ako ngayon!!!!
anong gagawin ni mima para magtagumpay?
CKKO;)