CHAPTER 6: Love Survive

67 3 0
                                    

[TOMOMI POV]

Sobrang lakas na aura ang inilalabas ni Haru at ng kanyang Stand may posibilidad na matatalo niya ang kalaban na nasa harap namin ngayon, pero napapansin ko hindi niya makontrol ang galit niya at ako na hindi masyadong bihasa sa paggamit ng Stand, yun ang mga pewdeng maging dahilan na ikapapahamak namin at ng kanyang bestfriend na si Rina. Hindi pa namin alam ang ability ng Stand ng kalaban kaya mas mabuti mag-ingat at obserbahan ang mga kilos ng kalaban.

“Haru kailangan natin mag-ingat, hindi pa natin alam ang ability ng Sta-“

Di pa ako tapos magsalita ng biglang sumugod si Haru sa kalaban.

“ORA!” isang malakas na suntok sana ang pakakawalan ng Stand ni Haru na si Love Survive nang biglang may isang guhit ng liwanag ang tumama sa balikat ni Love Survive at siyempre ganun din ang pinsalang natamo ng kanyang user na si Haruna.

“Haru! Tinamaan ka! Nagpapanic na ako at hindi ko na alam ang gagawin.

“Tomo wag kang mag alala daplis lang ito” sagot sa akin ni Haru habang hawak ang duguan niyang balikat

“Masyado kang padalos dalos kaya lagi kang napapahamak” sermon ko sa kanya.

“Laser..kayang maglabas ng mapaminsalang laser ang bawat box, yun ang ability ng kanyang Stand” paliwanag saken ni Haru

“Oo Haru nakita ko pero masyado itong mabilis” sagot ko naman sa kanya

“Nufufufu wala pang nakakaligtas sa laser ng aking Temptation Box, ikaw pa lang Haruna. dahil pinahanga mo ako sasabihin ko sayo kung nasaan ko tinago ang bestfriend mo na si Rina. Sa ngayon ligtas naman siya hawak siya ng aking kasama, andito lang siya sa malapit nagmamasid. Malalaman niyo kung nasan siya pag natalo niyo ko nufufufu~ yun ay kung matatalo nito ako” sabi naman ni Mr. Hello Hello

“Ano ba talaga ang motibo niyo? Ano ba talaga ang kailangan niyo saken!?” pasigaw na tanong ni Haruna habang hawak pa din ang duguan niyang balikat

“Hmmm~ ikaw mismo ang kailangan niya..ang totoo hindi alam kung anong kailangan niya sayo..ang utos lang ay kunin ka”..sagot ni Mr. Hello Hello kay Haruna.

“Kung ganon bakit kailangan mo pang idamay ang bestfriend ko? At sinong may kailangan sa akin? sabi ni Haruna

“Hmmm~ Sa totoo lang hindi ko rin siya kilala..hindi ba nasabi ng dati naming miyembro na si Mami kung paano kami bigyan ng utos? Haaayyy~ sayang Si Mami malakas pa naman siya pero binigo niya ang pinuno~ Ayoko na lang basta kunin ka dahil gusto namin ng aking kasama malaman kung anong meron ka at gusto ka ipakuha ng pinuno. Kaya naman naisipan namen na kunin ang bestfriend mo sa paraan na yun alam namen na ibubuhos mo ang buong lakas mo. Tama ba ko? nufufufu”

Nanginginig na sa galit si Haru dahil naramdaman niya na pinaglalaruan lang ni Mr. Hello Hello ang damdamin niya at sa pagkuha kay Rina dahil lang sa walang kwentang dahilan. Maging ako ay nainis na rin sa mga binitiwang salita ni Mr. Hello Hello

“Haru wag kang mag alala magtutulungan tayo talunin ang wirdong matandang ito” sabi ko kay Haru

“Hindi Tomo dito ka lang” sabi ni Haru habang papatayo siya sa pagkakaluhod. “hindi ka pa bihasa sa pagggamit ng iyong Stand. Papakita ko sa matandang to ang tunay na lakas ni Haruna Joestar”

“Pero Haru~ wag ka padala sa mga sinabi niya baka isang patibong lang yun” sabi ko sa kay Haru

Humarap at tinapik ni Haru ang balikat ko at sabi “magtiwala ka saken Tomo at kung pwede lumayo ka muna sa lugar na ito. Ngayon na.”

Mas kalamadong Haruna ang nakikita ko, yung feeling na kayang kaya na niya talaga mag isang talunin ang kalaban..kaya naman hinayaan ko na lamang siya at lumayo na sa lugar.

SCANDAL BIZARRE ADVENTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon