CHAPTER 8: Glamorous You

61 4 1
                                    

Sa kwarto ni Tomomi, kinabukasan ng umaga matapos nilang makauwi galing sa hospital, hindi na nagsayang pa ng oras si Haruna na kausapin si Mami tungkol sa dati nitong grupo na Glamorous 7. Ang grupo na gustong kumuha sa kanya.

“Okay lang ba na malaman din niya?”

Sabi ni Mami kay Haruna sabay tingin nito kay Rina na nasa loob din ng kwarto.

Haruna: Oo, okay lang, naipaliwanag ko na sa kanya lahat kagabi.

“eh? Paano mo inexplain lahat yun sa kanya? Naniwala ba siya? naniwala ba siya na may mga wirdong nilalang na may mga powers ang kaya nating ilabas?” sabat ni Tomomi  (patungkol sa mga Stands) na nakaupo sa kama katabi ni Mami.

Rina: Ah! Ang ibig mo bang sa bihin sa mga “wirdong nilalang” e yung mga Stands?

Tomomi: Yun nga! Stand user ka din?

Haruna: Hindi Tomo~ hindi siya Stand user, pero alam niya na Stand user ako.

Rina: Hai! Nung una ayoko maniwala, hanggang sa pinakita niya sa akin kung paano niya butasin ang pader ng kwarto ko noon gamit si Love Survive. Yun ang pangalan ng Stand mo diba Haru?

Tumango lamang si Haruna.

Tomomi: Ehhh??? I’m sure natakot ka, lalo na’t kakaiba ang itsura ng mga Stands.

Rina: Hindi ko naman nakikita ang mga Stands dahil ayon kay Haru, Stand users lang ang nakakakita sa mga Stands. Mas namangha ako kaysa natakot, ang totoo gusto ko rin maging Stand user, para hindi na ko aasa kay Haru at para kaya ko na din ipagtanggol ang sarili ko~

Haruna: Rina~ bestfriend kita kaya ipagtatanggol kita. Hindi mo kailangan ng Stand para ipagtanggol ang sarili mo dahil nandito lang ako.

“Haruuu~ “ sabi ni Rina sabay yakap kay Haruna sinuklian din naman ng yakap ni Haruna si Rina. “Rinaaa~” sabi naman nito.

Tomomi: Ahem! Ahem! Haru~ akala ko nandito tayo para mag usap-usap tungkol sa kalaban? Eh anong ginagawa niyo?

Haruna: Inggit ka noooo~ edi yakapin mo din si  Mami..pfft…

Nagkatinginan sina Mami at Tomomi na magkatabi sa kama. Namula ang mukha nila pareho sabay ibinaling na lang ang tingin sa iba.  >////<

Mami: Ahem..Makinig na kayong lahat!

Muling nanumbalik ang seryoso nilang mga mukha dahil sasabihin na ni Mami ang mga inpormasyon tungkol sa Glamorous 7

Mami: Binubuo ng pitong miyembro ang sikretong grupo na Glamorous 7, at dahil tumiwalag na ako sa grupo at wala na si Mr. Hello Hello limang miyembro pa ang natitira at yun ay sina Kiriko Takemura, Takahiro Morita, ang Automatic Stand na si Space Ranger, Si Sunny Day Sunday (SD2) at ang huli Ang Pinuno na hindi pa alam ang identity hanggang ngayon. Tulad nga ng sinabi ko nung nakaraan wala rin akong alam sa mga Stand users nina Space Ranger at SD2 tanging ang pinuno lang ang nakakaalam ng identity ng bawat miyembro. Ang mission nila ay kunin ka Haruna Joestar.

Haruna: Pero bakit ako? Ano bang meron saken? Stand?  Pare-pareho naman kaming mga Stand users. At aaminin ko na higit na mas malalakas sila sa atin.

Mami: Walang alam ang mga miyembro ng G7 sa motibo ng pinuno dahil sinusunod lang nila ang mission na binibigay sa kanila kapalit ng pera, kasikatan o kung anong hilingin nila. Ang mga Stand users nila Space Ranger at SD2 ang nagsisilbing kaliwa at kanang kamay ng pinuno dahil sa kanila sinasabi ng pinuno ang mga utos. Si Space Ranger ang nag aassign sa bawat miyembro, at si SD2 naman ang nagsisilbing Terminator sa grupo.

Haruna: Tulad ng ginawa niya kay Mr. Hello Hello?

Mami: Tama. Pinapaslang niya kung sino man ang magtaksil o magsabi ng kung anumang inpormasyon sa grupo at sa mga miyembro nito.

SCANDAL BIZARRE ADVENTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon