Asan ba ako? Angganda naman ata ng lugar nato hihihi maraming rose petals sa sahig tapos ang buong place napapalibutan ng napakagandang mga palamuti sobrang colorful parang nasa paraiso ako. Busy na busy ako sa pagpuri sa lugar ng may yumapos saken mula sa likod
"Hi" sabi pa ni Thu- teka?! Thunder?
"Hello" sabi ko sabay ngiti keleg hihihi
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman gustong gusto."
"Summer mahal na mahal kita" sabi ni Thunder ohmegaad mamatay na ako ayan na papalapit ng papalapit sakin yung mukha niya napapikit na lang ako---
"Hoy! Summer gising na! May naghihintay sayo sa labas! Maghilamos ka ha! May panis na laway ka pa mahiya ka naman! Bilisan mo na dyan wag mo paghintayin yung gwapo!" Ang ganda ganda na nung panaginip ko eh! Nandun na sana eh huhuhu paepal talaga to si Ate! Sino kaya yung naghihintay saken? Tsk.
Pagkatapos kong maghilamos at magbihis bumaba kaagad ako pagbaba ko parang gusto ko na ulit pumunta sa kwarto ko huhuhu eh pano! Si Wind pala yung naghihintay saken bakit ba andito tong mokong nato?
"Uy anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang, gusto lang kitang makita" wow ha gusto daw makita pero ang cold tss as always hahaha
"Lakad lakad tayo?" Aba nagyaya pa hahaha pasalamat ka gwapo ka at maganda ako hahahaha
"Sige sure" ano kayang kailangan ng mokong nato? Ke aga aga eh.
Naglakad lakad kami sa Subdivision at para kaming nagcocontest sa pabaho.an ng hininga kasi wala talagang nagsasalita samen hahaha
"Ah Wind, san ka nakatira?"
"Dyan lang" ay ano ba naman tong taong to
"Taong grasa ka?!"
"Wtf Summer? Seryoso? Mukha ba akong taong grasa?" Ayun mataas na yung dialog niya hihi yeeyy
"Ay sorry hehehe maganda lang"
"Kahit kelan talaga"
"Ano? May sinasabi ka?"
"Wala." Yun end of the conversation jusko naman mamatay talaga ako neto hahaha
"Zenith?"
"Hmm?"
"Si Thunder ba first love mo?" Hala pano niya nalaman? Shet
"H-hoy ikaw Wind ah napakachismoso mo." Sabay pout ko pang sabi para cute.
"Sagutin mo nalang." Sabi niya
"Oo."
"Hindi siya ang firstlove mo Zenith" ani niya sabay Smirk eh sino pa bang firstlove ko? Alangan namang siya diba tsk
"Bat mas may alam kapa kesa saken?"
"Mas marami pa akong alam Zenith, pero di pa ito ang tamang panahon para dun. Tara hatid na kita sa bahay niyo". At ayun nga naging Curious nanaman ako sa katauhan ni Wind, sino kaya siya? Bat parang alam na alam niya kung sino ako? Bat Zenith ang tawag niya saken? Kaloka to. Pagkatapos niya akong ihatid sa bahay nagpaalam siya agad kasi may gagawin pa daw siya. Sino kaba talaga Wind? Sino ka ba sa buhay ko?A/n: Hello ulit sorry talaga kung masyadong lame hihi pagiigihan ko pa :) dont forget to comment and Vote! Salamat lablab
BINABASA MO ANG
Stealthily falling
RomansaIto ang kwento ni Summer at ng kanyang bestfriend na patago niyang minamahal. May pag-asa pa kayang mapansin siya nito? O tatanggapin nalang niya na di talaga siya magugustuhan nito? Ano kayang papel ng isang Wind Gomez sa kanilang Kwento?