Stay cool
Bahay kubo
Kahit munti
Ang halaman doon
Ay sari sariNaalala ko nung bata pa ako. Katulad din nila ako.
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, Bataw, PataniiiiiiiiWalang muwang sa mundo
Gagawin lahat ang gusto ng iba
Uto uto
Ayoko ng bumalik sa datiPast na yun eii.. nakaraan na... dati pa.
"Ate Ayah"
Lumingon ako sa batang tumawag sakin. Umupo ako kapantay ng batang mabilog ang mata ngunit payat.
"Pinatatawag po kayo ni Sister Lina"
Ngumiti ako. Ito na siguro ang nakatadhana sakin.
Nagtungo ako sa office ni Sister Lina. Nakangiti akong pumasok sa silid.
"Ayah maupo ka"
Yan ang sinasabi nila sakin dati pagnagagawi ako sa opisinang ito. Pero hindi na ngayon.
Dahil hindi lang ako at si Sister Lina ang nasa loob ng silid. May mag asawang ngumiti sakin.
"Ayah" tawag sakin ni Sister.
Pumikit ako na waring pinipigil ang pagtakas ng tubig na nagmumula sa aking mga mata.
"Sila ang aampon sayo"
********************
"Ayah ayos na ba mga gamit mo?"
Napa iling na lang ako sa sumaging ala ala sa utak ko.
Bakit ko ba naisip yun. Bwisit naman oh
"Yes Dad. Pababa na rin po ako"
I'm Ayah Marie George. Maga-
"Ayah lumabas ka na dyan ang tagal tagal mo. Magdadasal ka pa ba dyan"
Napairap ako sa sinabi ng mommy ko.
"Andito na po ako"
Napatingin silang lahat sa akin.
"Ang ganda naman ng anak ko" bati sakin ng daddy ko.
"Mas maganda ako hon" sabi naman ni mommy kaya napatawa agad kami.
"Oo hon alam ko yun mas maganda ka"
Ang sweet talaga nila. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila.
Masaya.
Yun lang ang nakikita ko sa mga mata nila. Na tila bang walang iniindang problema.
Sila ang umampon sakin. Namatayan sila ng anak dahil sa aksidente at ninais nilang mag ampon ng kasing edad ng anak nila.
Hindi para alagaan at mahalin na parang tunay na anak.
Kundi ipakilala sa mga kasosyo nila sa negosyo at ipakasal para sa mga taong magagamit para lumago ang kanilang negosyo.
Almost 7 years passed ng inampon nila ako. Binihisan, pinangalanan, binigay lahat ng gusto ko at pinag aral sa kilalang eskwelahan.
Siguro masakit sakin na sa kabila ng ginawa nila sakin. Ang pagbibigay ng lahat ng gusto ko ay may kapalit na panghabang buhay yun ay ikasal sa taong di ko mahal.
Pero sana maging katulad sa ibang libro ang mangyari sakin. Yun bang maiinlove ako sa magiging asawa ko at ganun din siya.
Sa tingin ko malabo. Dahil sa business world walang kinikilalang mahal maliban sa produkto nila. Wala silang inaalagaan kundi pangalan nila. Wala sila iniingatan kundi kayamanan nila.
Sana nga may makilala akong hindi katulad nila.
Sana nga maikasal ako sa lalaking mamahalin ko.
Sana nga.