"Bess look ohh.. ayos na ba to? Maganda ba? Sa tingin mo bess magagandahan sakin si Ivan?"
Natawa ako sa sinabi ni Santhra.
May date kasi sila ni Ivan mamayang gabi. Kaya eto siya halos di magkaintindihan sa pagpili ng kanyang susuotin.
"Ngayon ka pa talaga nagtanong eii alam mong patay na patay sayo si Ivan."
Napangiti naman ang kanyang kaibigan.
Kahit na siguro nagkatalo sila sa grades nila. Ganun pa rin ang pakikitungo niya sakin.
Sa katunayan nung nalaman ni Santhra na valedictorian ako. Binigyan niya ako ng regalong stuff toy na hello kitty.
For five years si Santhra ang naging first honor nila kaya laking gulat ng lahat ng pagtapak namin ng 4th year nakuha ko ang first honor.
"Oh my dee... si Crush andyan sa labas." sigaw ng babae habang humahangos na pumasok sa botique kung saan kami naroon.
"Talaga? Andyan si Crush?"
"Akala ko ba nasa Amerika siya?"
"Oo nga diba dun siya magcollege?"
"Nakabalik na pala siya"
Yun lang ang naririnig namin sa mga babaeng kasama namin sa botique.
Sinong Crush? Artista ba yun?
"B'bess t'tara na... sa ibang botique na lang tayo."
Bago pa ako umimik hinila na agad ako ng kaibigan ko palabas.
"Samanthra amff.. bitaw muna masakit sa pulsuh-ARAY!!"
Napasimangot ako ng hawakan ko ang ulo kong tumama sa braso niya. Balak ko na siyang sigawan ng mapansing nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa unahan.
Nakakunot ang noo kong tinignan kung ano o sino ang nasa harapan namin.
"A'ahh? Anong mapaglilingkod sayo Mister?" magalang kong tanong sa gwapong nilalang sa harapan namin.
Kaya naman pala nanlalaki ang mata ng kaibigan ko.
May kapwa anghel na bumaba sa langit.
Teka nilaglag ata ng langit?
"Ikaw ... ikaw kelangan ko Miss." galit na sabi nito sa akin.
Anong problema nito? Kilala ko ba to?
"Mister? Alam ko pong maganda ako pero Who you po?" magalang kong tanong with pretty eyes.
"Ako ang anak ng nilalandi mo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng gwapong nilalang sa harap ko.
Tumingin ako sa paligid namin. Ang daming nakatingin.
Nakakahiya.
Yun nararamdaman ko ngayon. Wala akong ginawa pero anong sabi niya?
Anak ng nilalandi ko?
"T'teka A'anak ka ni Russel?"
Naguguluhang tumingin sakin si Kuya.
"R'Russel?"
"Oo.. Russel Madrigal"
Masama ang tingin niya sakin.
Juice colored.. ito na ba Bro? Si Lucifer na ba ito? Bakit ang gwapo?
"NILOLOKO NIYO NA NGA SI MAMA... PATI SI PAPA NILOLOKO MO?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Aba!! Kelan pa ako nagkarelasyon? Si Russel lang naman ang gusto ko. Paano ako nagkarelasyon? Balak ko pa ngalang lapitan si Russel eii..
Aba't ang walanghiyang Russel ahh.. pagsabihan niya itong anak niya makakasapak ako.
"Sorry Mister.. di kita kilala. Tsaka di ko nilalandi tatay mo. Balak ko pa lang lapitan si Rus-"
Natigil ang sinasabi ko ng biglang hilahin ako ng kaibigan ko.
"Bess ano ba? Pagtatanggol ko pa lang sarili ko dun sa lalaking anak ng future husband ko. Kaso husband na pala talaga siya ng iba" nakasimangot kong sabi.
Napatingin ako sa kaibigan ko at laking gulat ko ng umiiyak siya.
"B'bess? Anyare? Bakit umiiyak ka?"
Di umiimik ang kasama ko. Patuloy pa rin siya sa paglakad habang umiiyak.
"Bess... sabihin mo sakin. Anong problema?" malambing kong tanong sa kanya.
Pero di pa rin siya umiimik. Ang dami ng nakatingin samin pero tuloy pa rin siya sa paglalakad papuntang carpark.
Pasakay na sana kami sa kotse ng may malalim na boses ang nanggaling sa kung saan.
"Samanthra?"
Napalingon kami sa tumawag.
Si Mr. Paulite
Lumapit si Mr. Paulite sa amin. Haharap sana siya samin ng bigla biglang may humigit sa braso ko. Yung kaninang nageskandalo.
"Sherom" sabi ni Mr. Paulite na nakatingin lang sa lalaking bigla biglang humigit sa braso ko.
"Hi dad. You're here. Meet my girl." biglang sabi ng lalaking nasa tabi ko at nilapit ang labi niya sa pisngi ko habang nakaakbay sakin.