wasak na puso (part 1)

110 2 5
                                    

“Dalawa lang yan. Ayaw ka niya tska gusto niya sayo. Walang overlap”

“AHY TEH ANG POGI OH” Siko ko kay Cheng naka tingin din sa itinuro ko. Napahagikhik din siya. Eto talaga masaya pag KPOP events eh. Basta gwapo pwede ka mag papicture.

Wala akong paki kung may attitude prob talaga sila basta may picture kami, okay na ako dun at di ako sinungitan.

“Nako nako nako ang mata. Pano na si Papa Lawrence niyan. Ayaw mo nab a sa kanya? Akin nalang!” Biglang singit naman ni Bi, Abigiel Deonio. Isa din sa mga best friends ko.

Bestfriends ko? Si Abigiel, Eloisa, Cheng at Ronald.

Sina Bi, El at Cheng mga nakilala ko ngayong college at si Ronald naman friend ko na since highschool at di ko alam kung bakla ba yun o ano pero basta hindi siya lalaki. Para siyang Queer sa LGBTQI. Yun na yun.

“Ikaw ba naman palibutan ng mga gwapo maiiwasan mo bang hindi tumingin? Sumbong kita kay Kuya dyan eh” Bawi ko naman sakanya. Si Bi kasi may crush kay Kuya ko. Ano ba nagustuhan niya dun? Eh parang autistic naman si Kuya Red. Laging may sapak.

Bigla namang may nambatok sakin ng pag kalakas lakas at di ko na kelangan pang tignan para malaman kung sino "Hoy Ronald wala akong ginagawa sayo" Napa simangot ako. Sino ba kasing may sabing sumama siya eh ni ayaw nga niya ng Kpop.

"Pasalamat ka di ako makabawi. Ayokong makasuhan ng animal cruelty. Tss." Napatawa naman yung iba.

"Ang hilig hilig niyo sa mga bakla niyong chorva!" Tapos palo nanaman sakin. Grabe ah! Konti na lang ipapasundo ko na to sa WildLife. Hindi nila dapat hinahayaang gumalagala ang mga endangered specie.

"Taena Ronald isa pang palo ipag kakalat ko mga chinishismis mo sakin" Natahimik naman siya sabay kapit sa braso ko. Sabi na hayop talaga to. Di ko malaman kung koala o tuko. Basta sigurado akong endangered specie ang isang to.

"Gago ka kasi. Tapos na kayo sumayaw uwi na tayo"

"Gaga ka manunuod pa kami sayaw nung iba mauna ka na. Saka wag ka ngang kumapit sakin. Di ako puno. Chupiiii" Eto nanaman. Nag susumabatan. Hay nako kung di lang talaga loyal to eh.

"May sasabihin sana ako kaso baka sapakin ako ni Scarlet" Biglang sabi naman ni Cheng habang nakatitig samin ni Ronald na siya naming ayaw kumalas sakin. Nakangisi pa ang loka.

Tinignan ko siya sabay sabi "Buti alam mo"

Feel na feel ko na kung ano sasabihin niya. Kayo dama niyo? Well oo man o hindi, letche. ewwww please lang. Di kami talo ni Ron at mas lalong di namen papatulan isa't isa. Mamatay man ang mga kaspecie ni Ron. Hindi talaga. NEVER. Kinikilabutan ako pota.

Napatingin din ako sa orasan ko. 5 pa lang ng hapon. "Nagugutom ako. tara foodcourt" At ayun. Hatak sa kanilang lahat. Wala naming umangal sa kanila.

Wala eh. Boss ako eh.

Mga 7 na yata yun. Patapos na yung event at pabalik palang ulit kami sa pinakataas ng mall kung saan ginaganap ang event. Kabibihis lang din naming dahil nga sumayaw kami kanina nung bigla akong kinalabit ni Eloi. "Si Lawrence yun diba?" sabay nguso sa isang gawi.

Aba sympre lingon agad ang lola niyo. Naglulumandi eh HAHA

Sino si Lawrence? Siya lang naman ang crush ko mag mula nung lumipat siya sa college na pinapasukan ko. Same course kami at medyo classmates sa ibang subjects.

Di pa naman ganon ka uso crush sakin mula nung nag college ako. Late bloomer eh.

Graduating na dapat ako kaya lang... Waley. Gusto kong masterin ang college. Joke. Tinamad lang ako.

Delayed pero okay lang. 1 year ko na din kilala at crush si Lance. Oo. Lance for short, Lawrence for long. Haba ng Lawrence eh. Nagcoconserve ako ng laway kaya Lance nalang.

Pero kasi eh... pangalan pa lang gwapo na!

Diba? diba? DIBA?! Ang di mag agree mukang Ronald-- este shokoy pala.

"Yan nanaman yang Lawrence mo. Mukang paa! Ano ba nagustuhan mo dyan. Panget magiging anak niyo I swear"

Napaka supportive talaga ng Ronald na to eh no? Kayo nafefeel niyo ba yung love niya? Siya lang nag sabi na pangit yang si Lance. HALOS KALAHATI NG BABAE KAYA SA SCHOOL KO EH CRUSH SIYA.

Pero swerte ko nalang talaga. Friends kami eh. mehehehehe. Advantage men!

Abuso na kung abuso. Sabi  nga eh ‘utilize your benefits’. Mutual naman ang benefit dahil pinapakopya ko siya. Pero sa totoo lang di lang naman siya yung pinapakopya ko pag exam at quiz at pag assignments.

 Ganun naman talaga diba pag nag papalakas ka sa crush mo? Kelangan kasi mapansin ka niya. Tama naman diba? Kayo ba di niyo pa nagawa yung ganyan buong buhay niyo? Kung hindi pa,…….edi hindi!

"MUKA SIYANG CANCER" Biglang singit nanaman ni Ronald nung palapit na sila. Ano ba talaga? Mukhang paa o mukhang cancer? Pero teka may mukha pala ang cancer?

Ayun. Pinalo ko sa braso. Tong baklang to.... Kahit kelan ang ingay ingay ng bunganga. Busalsalin ko to eh. Maya maya pinag tututulak na ako ng mga supportive friends ko hanggang sa mabangga ko na siya. Very good friends! VERY GOOD! Pero nahihiya ako shet

"Hala sorry po." Sabay kaming napasabi ng sorry. Kinilig ako malamang.

"Uhy Scarlet ikaw pala" Napaangat ako ng mukha para makita siya. Kunwari nagulat ako. Siyempre dapat makatotohanan.

"Lawrence. Ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanya. Iiiiiihhhhh ang gwapo talaga!

"Wala naman. Ikot ikot lang kasama ng ibang friends. Kume-kpop ka nanaman no?" Sabi nito sabay tawa ng konti. Ang sexy ng tawa. Nakakawala ng ulirat. Pero bigla siyang tumigil at parang may naalala bigla.

 "Oonga pala. May assignment ka na ba sa Advertising?"

BOOOOOOM. Oo na alam ko wala akong pagasa. huhuhu.

Puro school work na lang pag kinakausap ako nito.

"Meron na. Gusto mo send ko na lang yung sample ng akin?" Ako naman si tanga. Ehhhhh. You feel me naman diba? Kung ito ang paraan para magkalapit kami, ipupush ko na. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang pinipintig ng aking puso. EEEWW

"Late na kami. Alis na kami. Bye betches" Biglang hatak sakin ni Ronald palayo kay Lance.

ANG SUPPORORTIVE TALAGA 5EVER. Nabitin ako sa Vitamin L ko as in Vitamin Lance hihi

Pero di nga. Tingin niyo may chance? T^T

-------------------------------

adhkasghsd wala. sabaw. chakabells. Bi. pedit na lang hihhihi pero published na. lol

LAWRENCE NASA GILID. HIHI. pogiiiiiii lsjfadghaha

Bakit di ka crush ng crush mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon