wasak na puso (part 2)

68 1 0
                                    

Today is another day. ohyeah.

Isip sabay inat inat habang gumagawa ng mga assignment.

Weird ba pag sinabi kong gustong gusto ko gumagawa ng mga hand written na take home tests or work?

PERO TEKAAAAAAAAAA

May nakalimutan ako...

Di ako nag pakilala XD

May memory gap na ang lola niyo. Sorry naman.

Ako nga pala si Scarlet Rose De Leon. 19 years of age. Dyosa. MEHEHEHEHEHE

Ang komontra MUKHANG CANCER!

Meron akong dalawang kapatid. Isang kuya at isang mas bata sakin. Nakilala niyo na yata si Kuya Red diba? Well by name. Si Kuya Red Rafael naman -- or Red. Mas astig daw kasi. Baduy yung RR sabi niya.... arte. tss. 23 years living in the world and mula nung ako'y pinanganak eh sabihin na lang natin uhmmm... 15 years of being a bully towards me.

Ang bunso naman... si Ruby Charmaine. 15. Senior sa isang all girls school pero witit lungs muna. Intro ko to. Yun na lang sasabihin ko sa ngayon about sakanila... Aside from napaka bully nila sakin. Tsk. Pero okay lang. Ganyan talaga pag bida, palaging inaapi.

Alamin na lang ugali nila sa mga susunod na araw. Okay? Okay. As if naman may magagawa kayo. HUEHUEHUEHUE

ANYWAAAAAAAAAAAAY. Ayun nga. Ako si Scarlet. 3rd year College sa isang catholic school. Di ako nerd or something. Di naman kasi umaabot average grade ko sa line of 9 ni 85 nga na over all average, wala.

Wag na natin gamitin yung uno at singko na terms. Malilito lang kayo kasi... iba iba naman yung mataas at mababa sa iba't ibang school.

"GIRL! MAY CHIKA AKO SAYO!"

Biglang sulpot nitong Ronald na to at upo sa may bakanteng upuan sa harapan ko. Okay lang sana kung di niya hinawi na parang basura gamit ko diba? -__-

"Oh bakla. Ano yun?" Sabi ko naman habang nag pupulot ng mga nalaglag na gamit. Hampas ko kaya to saknya. askfhkalhgdag. Hay nako.

"You remember Rio? Like your Crush in highschool?"

"Oh bakit? Anyare dun?"

"GIRL!!! NAKABUNTIS KAYA SIYA" Hampas sakin sabay hagikgik.

LANDEEEEEE.

ALAM NIYO BANG ANG DAMING TINATAGONG KALANTUDAN NITO? Mas malandi pa to sakin eh.

"Oh weh?" Hindi naman sa affected ako... Past is past. Wala naman akong nararamdaman dun. Mga 3 months ko lang naman kasi naging crush yun eh. Wala akong paki sa totoo lang. "Pano mo nalaman?" Tinanong ko pa. Eh dakilang chismosa yan.

Bago pa niya masagot yung tanong ko eh natigilan ako at bigla ko na lang siyang inalog alog sa braso.

Bakit?

Di pa ba obivious?

SI PAPA LANCE ANDITO SA STARLIGHT CAFE.

MHAYGHAD MHAYGHASH MHAYGULAY.

IS THIS FATE OR DESTINY?

Sympre bonggang pag aayos ang ginawa ko habang papasok pa lang siya ng pinto. Alam kong ngumangawa si Ron pero di ko naririnig. Nabingi ako bigla si Lawrence lang nakikita ko eh XD

"HOY GAGA NAKIKINIG KA BA SAKIN?!" Biglang batok sakin kaya ayun back to reality ulet. "Gaga ka kanina pa ako nag speech dito hindi ka pala nakikinig. Putulin ko na yang tenga mo wala naman palang kwenta blah blah blah blah" Di ko nanaintindihan kasi ayaw ko lang talaga. Iba na focus ko malamang,

ANG GWAPO TALAGA NI LANCE. dkghskhrs

PERO TEKA WAIT ANO ITECH ANAK NG PUSA...

Pakiramdam ko nabasag yung puso ko. Mygad. Yung totoo.

Yung crush na nga lang ang meron ka, NABROBROKEN HEARTED ka pa rin.

anak ng siomai. ISPEECHLESS AKO.

WHAT THE HOLY FRIGGIN' SIOMAI IS HAPPENING?! Totoo ba tong nakikita ko? Binabangungot ba ko?

Hindi ako makapaniwala kaya kinurot-kurot ko yung sarili ko. Hindi ako nakuntento, sinapak ko si Ronald.

*BUGSSSHHHH*

"ARRRRRRROUCH!  ANG FES KO! ANO BA SCARLET BAKIT KA BA NANANANAPAK?!!!" asik niya sakin habang nakahawak sa panga niyang sinapak ko. Ohmyghad with the capital O. TOTOO NGA!

Pumasok si Lance na...

MAY KA-HOLDING HANDS na..

LALAKI?!!!! WHAT?!

gwapo nga, gwapo din naman ang hanap.

-------------

edited na po yung part 1 :D

tapos si Ronnie betch asa gilid.

I had to look for the gayest picture of kwanghee.

But then I shouldn't use it  XD

but I still did XD

Bakit di ka crush ng crush mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon