Prologue

76 3 4
                                    

PROLOGUE

Noon, isang simpleng buhay lang ang mayroon ka.

Na sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo ay isang napakasayang mundo ang sumasalubong sayo.

Bawat pagmulat ng mga mata mo ay naiisip mo ang mga taong nagpapasaya at bumubuo ng araw mo.

At sa bawat pagpikit mo ay napapangiti ka sa mga masasayan alaalang nakaukit sa iyong puso't isipan.

Ngunit paano na lang kung sa isang idlap ay magbago ang lahat nang makilala mo sya?

Na sa simpleng buhay mo ay maging miserable.

Na ngayon, sa bawat araw na lumilipas ay isang napakalungkot na katotohanan ang sumasalubong sayo.

Na sa bawat pagmulat ng mga mata mo ay naiisip mo ang taong nanakit at sumira ng buhay mo.

At sa bawat pagpikit mo naman ay luha ang pumapatak sa yong mga mata dahil sa mga masasakit na alaalang inukit nya sa puso't isipan mo.

Na kahit ang mga ngiti mo ay napalitan na rin ng luha at lungkot.

Paano mo maipapakita sa iba na hindi ka nasasaktan?

Na matatag ka?

At hanggang kelan mo lolokohin ang mga taong nasa paligid mo pati na ang sarili mo na pilit mong pinapaniwala sa mga ngiti mong MAPANLINLANG?

Ano na ang gagawin mo?

Behind Her Every Smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon