Chapter 3- and... He's Back

14 2 0
                                    

Kim Jennie as Irish Guevarra

Irish POV

“ Oh ano? Hihilata ka na lang jan magdamag? Wala ka ng ginawang matino dito sa bahay. Ano? Buhay prinsesa ka dito? ” here we go again.

Stepmom ko yan. Na akala mo pagmamay ari na nya ang mansion ni Dad

Tinignan ko naman sya with my Bored look

“ Ano bang pake mo? Kung maka pag salita ka ng ganyan, akala mo naman pagmamay ari mo lahat ng kayamanan ni Dad. ” mataray na sagot ko sakanya.

Mukhang nabwiset naman sya at akmang sasampalin ako. Kaso nahawakan ko yung kamay nya

“ Dont you dare to touch my Face! Walang kang karapatan na sampalin ako! ” galit na sigaw ko at tinulak sya

Nag bihis muna ako ng
Black na Plain tshirt tapos Black na jumper jean din. And naka adidas na sapatos na white

Kinuha ko yung bag ko at pumunta muna kila Zyrene. My bestfriend.

“ Oh Irish, anong ganap at napadpad ka dito? ” poker face na sabi nya.

“ Wala naman. Nakakainis kase yung Step mom ko daw. Leche! Buti nahawakan ko yung kamay nya bago nya ako sampalin.” inis na sabi ko.

“ Ahh. Sige, painumin muna kita ng Coke.” sabi nya at pumunta sa kusina.

Umupo muna ako.

“ Oh eto na” inabot sakin ni Zyrene yung Mismo coke.

At ininum ko naman yun.

“ Wala pa bang nag aaya? ” tanong niya

“ Excited? Wala pa eh. Natakot ata.“ nakangisi kong sagot

“ Tsk, badtrip kagabi pero masaya naman nasapak ko naman. ” nakangisi nyang sabi

“ Bakit anong nangyare? " takang tanong ko.

“ Muntik na akong masagasaan ng kotse. Eh sa sobrang tanga siguro nya ako pa sinisi, ayun sinapak ko ng matauhan. Patayin ko siya e.” poker face na sabi nya.

“ hahah! Lalake ba? " tanong ko.

Tumango naman siya

“ ayay! Baka forever mo na yon. ” ngiti kong sabi.

Binatukan nya naman ako “ aray naman! ” reklamo ko at himas himas yung ulo ko.

“ Dami mong Alam jan. Tsk ” sabi nya ng poker face

Tinawanan ko na lang siya
Sanay na sanay na ako dito kay Zyrene. Haha! Bitter kase sya masyado. Although no boyfriend. Ayaw magka LOVELIFE NI ATE! Haha. Kadiri daw kase yun haha!

Pinakain nya muna ako
Maypaka mabait naman tong si Zyrene. Minsan nga lang. Haha! Pero okay na yun atlis pinakain nya pa ako.

Pagtapos kong kumain nagpaalam na ako sakanya.

“ Zyrene! Alis muna ako. ” paalam ko.

“ Saan ka naman pupunta? ” naka taas kilay nyang tanong.

Palihim akong lumunok.

“ Ah.. Sa Office ni dad! ” pagsisinungaling ko. Sorry Zyrene!

“ Siguraduhin mo lang, pagnalaman kong pumunta ka ng BAR. Lagot ka sakin. ” pagbabanta nya sakin.

Sa totoo lang pupunta naman talaga ako ng Bar. Ayoko lang paalam kay Zyrene. Kase nga lagot ako!

“ oo Promise! ” pilit na ngiti kong sabi.

“ Ghe, get lost! ” pagtataboy nya sakin. Natawa na lang tuloy ako habang papalabas.

***

Nandito na ako sa Bar at sobrang ingay.
Pekeng I.D lang ang binigay ko at alam kong karamihan dito ayun ang ginagawa. Fake I.D

Umupo muna ako sa isang Stool dun at pinatong ko ang dalawa kong kamay sa counter dito.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ng
Wine. Strawberry flavor naman siya kaya di ako malalasing.

May mga sumasayaw sa Dance floor
At yung iba naman sobrang lasing na.
Basta dami yung iba naglalandian pa.

“ Hey Lady ” napatingin naman ako sa lalaking nasa likudan ko.

“ Yes? ” tugon ko.

“ Can i drink with you tonight? ” nakangisi nyang sabi.

“ sorry, di ako nakikipag close sa lalakeng gaya mo. ” pagtataray ko.

Halata kaseng playboy siya.

“ Choosy kapa miss? Ako na nga ang nang aalok sayo. ’’ nakangisi pa rin siya.

“ Bakit? Sino ba nagsabi na alukin mo ako? Wala naman diba? ” sabi ko at binigyan ko sya ng pang asar na ngisi

Mukhang naasar naman sya kaya umalis na sya

Haha! Masyado naman syang pikon.
Gwapo naman siya kaso, i hate PLAYBOY!

Pagtapos kong uminom
Umuwi na kaagad ako

***

Pagkabukas ko sa pintuan patay na yung mga ilaw. Dumaretso na agad ako sa Kwarto ko.

Naghilamos muna ako at nagpalit ng pantulog

Binagsak ko yung katawan ko sa malambot kong Kama

“ Hays.. What a day.. ” pagod na sabi ko at nakatulog na.

Zyrene POV

Gumising ako ng nakangiti dahil wala ang Magaling kong Daddy at ang Fake mommy ko. HAHA! Great!

Naligo muna ako bago bumaba.

Pagtapos kong maligo nag bihis na ako at nagsuklay. Bumaba ako pero kumunot ang noo ko dahil may naririnig akong tawanan at may Boses lalake

Wag mong sabihin... Nandito na siya?

Pagpunta ko sa Kusina nanlaki ang Mata ko.. Siya nga

“ Kuya... ”

He's back...

Sudden Change Of Heart Where stories live. Discover now