Sophia's POV
4:30 na ng hapon at natapos na rin ang aming klase at nagsiuwian na rin ang mga kapwa kong estudyante.
Okay naman ang first day ko. So far, wala naman naging bully pero ang mga iba, ang sama ng tingin saakin akala mo may aagawin akong mahalagang bagay.
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay
....lakad....lakad....konting lakad pa....sige pa....and stop.Nasa tapat na akong ng gate namin, binuksan ko ito at pumasok na sa bahay.
"Mommy! IM HOME!!!" Sigaw ko.
Lumabas naman si mommy na galing sa kusina.
"Oh! HI HOME!" Sabay yakap ni mommy sa akin "Kumusta ang school? At kailan pa naging home ang pangalan mo?" Asar sa akin ng mommy kong nagmamaganda. Charot. Maganda naman talaga si mommy eh, at siyempre nagmana ako sa kanya. hihihi.
"My (mi) naman eh!" Nagtatampong usisa ko kay mommy. "Ang sabi ko po I'm Home!"
"Kaya nga anak, you. are. HOME. Pero kailan pa naging home ang pangalan mo anak? Sa pagkakatanda ko noong nabinyagan ka eh Sofia Audrey Lopez ang ipinangalan namin sayo. O baka naman nahanap mo na ang tunay mong magulang?" Malumanay na sagot ni mommy pero halata namang nag-aasar. Hay! Pasalamat ka mahal kita mommy kundi... Ehhhh! BASTA EWAN!!!
*pout*
"Umakyat ka na nga tsaka magbihis at ipapatawag nalang kita mamaya kapag tapos ng magluto ni manang ng......PABORITO MONG ULAM!!!!!" Sigaw ni mommy tsaka niya tinaas ang dalawang kamay niya na para bang hype na hype.
Kunot-noo akong tumingin sa kanya ngunit bakas pa rin ang kasiyahan ni mommy. Woooohhhhooooo!!! What's with her? *_* At umakyat na nga ako sa kwarto ko upang makapagbihis at magreview para sa quiz namin bukas kay miss maliit. hehehe.
Review...Review....Review...Facebo--*iling* iling* Review ulit...Insta--Review.......Sige, Review pa...konting tiis na lang, tatawag na siya...tiis pa...and...
*knock*
*knock*
"Pasok po"
*door opens*
"Ma'am, nakahanda na po yung dinner niyo" Sabi ng isang kasambahay namin mula sa pintuan ng aking kwarto.
YESSSSSS!!!!!! ^0^
"Sige po, susunod nalang po ako!" Sabi ko naman.
Binuksan ko ang pintuan sa kwarto at tumungo na pababa sa dining room.
Kain lang kami ng kain habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Kinakamusta rin kami tungkol sa first day namin at nagsagot na lang kami nina Baby Aze at Kuya ng "Okay lang po"
Nakalimutan ko nga palang i-introduce ang aking pamilya. Si Jennifer Lopez ang aming tatay--joke! Obviously, ang aming Mommy. Ubod ng ganda at kabaitan. 36 yrs. old. Si Daniel Lopez naman ang aming Daddy. Over-protective, at syempre, hindi mawawala ang handsome face ni Daddy. 38 yrs old. Si Baby Aze Sky Lopez ang aking bunsong kapatid. Gwapo, makulit, and my food buddy. 8 yrs. old. And of course ang aking gwapo, habulin ng babae, may pagkaplayboy at matalinong kuya Lovemir Ace Lopez. 18 yrs. old. And last but not the least, Sophia Audrey Lopez, ang *ehem* maganda at, at s-sexy *ehem* 17 yrs. old. At ang kaforever ni---sino nga ba? Haist! Wag muna landi, aral muna. ARAL.
Masaya ako sa pamilyang 'to. Ang aming mga magulang ay laging may oras sa amin. Handang magbigay kung ano ang mga kailangan naming magkakapatid. At syempre, nagmamahalan kami.