Second Game

4 0 0
                                    

Second Game



Kath

Tumaas ang mga bahalibo ko ng marinig ko ang announcement. Nakakatakot. Hindi ko nakita ang sarili kong humawak ng patalim upang kumitil ng buhay ng isang tao. Pero bullsht anong gagawin ko? Tutunganga dito at hintaying kung sinong letse ang papatay sakin? Hindi pwede. Hindi pwedeng mamatay ako! Kung mamamatay ako sinong proprotekta sakanya?

Hindi ko alam kung sinong gago ang makakaisip nang ganon! Anong akala nila saamin? Mga hayop na pwede nilang patayin kung kelan nila gugustuhin? Lintek e may mga hayop ngang ipinagbabawal kitilan ng buhay mga tao pa kaya? Lecheng Salvador yan hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa taong yan at naisip ang ganitong klaseng laro. Gusto kong puntahan ngayon ang lintik na Mr. Salvador na yan at isaksak sa bunganga niya ang kutsilyong hawak ko ngayon.

Bigla akong napangisi, wag kang magalala Theodor Salvador gagawin kong kapana panabik ang iyong pagkamatay. Napatawa ako sa naisip ko, babalatan ko ang pisngi niya, bubuhusan ng asido at saka ko isasaksak ang isang matalim na kutsilyo sa kanyang lalamunan, nakakatawang isip. Sigurado akong lubos ang saya ko kapag nagawa ko sakanya ang bagay na yun. Kapana panabik. Ngumiti ako sa aking naisip, napaka ganda siguro ng itsura niya kapag nakita kona siyang naghihingalo sa sakit at habang ako nagsasaya habang pinapanood ko ang gagong salvador ya yun.

Nabigla ako ng makarinig kami ng isang sigaw na nanggagaling sa hallway

"SI IRA!! PATAY NA SI IRA!!" Paulit ulit ang sigaw ni Kyla. naglabasan ang mga kaklase ko na noon na may kanya kanyang ginagawa. Tumayo nako sa kinauupuan ko at lumabas na din ng classroom, napaka daming estudyanteng nagtagakbuhan sa harap ng isang classroom--- room 401--- ang classroom ng mga 3-B. Pumunta ako sa harap nasabing classroom. Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis. Napakaraming estudyanteng nakatato sa harap ng silid aralan, mga mga umiiyak, nabigla at ibang nakangiti. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa na makita ang isang bangkay. Kalunos lunos ang sinapit ni Ira, halos hindi na siya makilala dahil sa nangyari sa kanyang mukha. Binalatan ang kalahati ng kanyang mukha at halatang sinunog pa ito. Kapansin pansin din ang malaking hiwa sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung anong nagtulak saakin para lapitan ang bangkay, napaatras ako dahil sa nakita ko----walang laman ang parteng may hiwa. Wala ang isang organ ni Ira, wala ang kanyang puso.

Patuloy parin ang pagiyak ng ibang estudyang malalapit kay Ira, at ang iba namang mga walang pake umalis na don. Lalong lumiyab ang galit na nasa puso ko.

Napaka walang kwenta ng mga tao sa paaralang ito.

Ilang saglit lang may dalawang security guard ang dumating, kinuha nila ang bangkay ni Ira at hindi ko alam kung saan nila iyon ilalagay. Baka itapon nila sa tabi tabi dahil alam ko naman na wala ni isang tatawag ng pulis, at kung meron man alam kong walang mangyayari dahil protektado ng mga lintik na pulis ang larong ginawa ni Mr. Salvador.

Isa na ang namatay. At alam kong magtutuloy tuloy na ito. Naglalakad ako pabalik sa classroom namin ng may isang lalaki akong nakasalubong, may saksak ito sa kanyang kanang balikat. Umaagos ang napakaraming dugo mula sa balikat niyang may saksak. Ito na nga ang sinasabi ko mag tutuloy tuloy na ang matatagpuang bangkay.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa nakita kong lalaking may saksak o dahil malaki ang posibelidad na ako ang susunod na mamatay?

Halos wala akong imik ng makabalik ako sa classroom namin, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Natatakot ako, Kinakabahan, Naiinis, Nagagalit at natutuwa dahil sa mga nangyayari, hindi ako masamang tao, sadyang nakakaramdam lang ako ng kakaibang saya na umuusbong sa aking puso.



Tapos na ang klase namin at napagpasyahan kong lumabas na ng silid aralan, naglalakad ako ng makarining ako ng mga sigaw at iyak ng mga estudyante, hindi nako magtataka kung nakakita sila ulit ng bangkay. Inaasahan ko na yan dahil sa larong ginawa niya,---nila.


Naglalakad ako papunta sa mga magaaral na sumisigaw, tulad ng inaasahan may bangkay sa harap nila pero ang isang bagay na ikinagulat ko ay ay hindi lang isang bangkay ang nandoon,---kundi apat na bangkay. Tinignan ko isa isa ang mga itsura ng apat na tao, iba't ibang klaseng estilo ang ginawa sakanila. May nakabukas ang mata, isang wala ang pares ang tenga, isang may malaking hiwa sa kanyang leeg, at isang puno ng nakatusok na pako sa kanyang ulo. Gusto kong masuka dahil sa nakikita ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Tinignan kong mabuti ang mga bangkay, at may napansin akong kakaiba---may nakita akong nakatuping papel sa kamay ng isang bangkay. Lumapit ako at kinuha ang papel sa kamay ni Ryan, isa sa mga bangkay, binuksan ko ito at binasa...


"She died, and reincarnated and now she'll do everything to take her revenge."


Hindi ko alam kung anong halaga ng sulat na iyon. Hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy ng sulat. she died? Revenge? para saan ang sulat na 'to? Para ba ipaalam na naghiganti lang ang gumawa nito sa apat na namatay? maari nga iyon. nilamukos ko ang papel at tinapon sa kung saan. Walang kwenta ang papel na yon, nakapaghiganti na ang kung sino mang pumatay sa apat na yon.  Ilang saglit lang ay damating ang dalawang security guard ng paaran, may dala silang cartel at isa isang inilagay ang mga bangkay na parang mga sako lang ng basura. napaka walang hiya talaga ng ito. Hindi ko alam kung paanong malulusutan  ng paaralan ito ang mga patayang nagaganap.

Naglakad na ako patungo sa tambayan ng aming grupo, nakarating ako nakita kong kompleto na sila, sina Gab, Kiel, Gio, Sam at Alex. may napansin ako sa suot ng isa sakanila, kulay pula,--- bahid ng dugo. Ginawa naba niya? Kung hindi bakit meron siyang dugo sa kanyang suot? Hindi ko alam kung matatakot ako kasi hindi pumasok sa isip ko na kayang niyang gawin iyo. Hindi ko maimagine na kaya niyang pumatay, dahil sa aming 6 siya ang inaakala kong kayang humawak ng patalim at kumitil ng buhay. Kaya niya ba talaga? Kaya ba talaga niyang pumatay? Kaya bang pumatay ni---






































Sam?



To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon