(Note: Ito na ang first chap. Hope u enjoy this chapter. May mga words na hindi appropriate sa mga bata. kailangan lang talaga sila sa story kaya nilalagay ko. Kung gagawin ko namang ganito p*tang*na ganon din so, i'll rate this as R-16 enjoy reading Thankyou~)
First Game
Alex
~June 21, 2016~
2 weeks na ang nakalipas ng magsimula ang bagong school year. Pinatawag kami ng presidente ng aming eskwelahan at pinapunta sa Gymnasium, kasama ko ang mga kaibigan kong sina Gab, Kath, Gio, Kiel and Sam. Pagkarating namin sa nasabing Gymnasium umupo kami sa medyo gitnang part para malinaw naming marining ang announcement kuno na sasabihin ng presidente ng paarang aming pinapasukan.
Nakita konang naglakad papunta sa gitna ang si Mr. Salvador - ang presidente ng paaralan.
"Good Morning Students! So eto pala ang bagong batch ng third year. Napaka sayang makita na marami kayo. At alam kong unti unti kayong mababawasan. Maguumpisa na ang laro, ang larong matagal ng nilalaro ng mga third year, ang laro kung saan kailangan pumatay upang ikaw ay mabuhay. Ito ang nakakaaliw sa larong ito. May matatanggap kayong papel na nasa itaas ng inyong upuan sa inyong kanya kanyang classrooms. Ang papel na kung saan nakasulat ang taong inyong dapat patayin. Bibigyan kopang kayo ng 1 linggo, isang linggo upang mapatay ang taong inyong dapat patayin. Yun lang ang gusto kong sabihin sainyo sana naging masaya kayo sa larong ginawa ko. At isag paalala, kung hindi nyo mapatay ang taong nakasulat sa papel sa loob ng isang linggo, kayo mamatay." Saad ni Mr. Salvador habang may nakakakilabot na ngiti na naka ukit sa kanyang mukha. Demonyo. Malademonyong ngiti ang nakaukit sa kanyang mga labi.
Maraming bulong-bulungan. Maraming nabigla, natakot at may mga naging masaya sa inanunsyo ni Mr. Salvador. At isa nako dun, isa nako sa mga taong naging masaya sa narinig kong anunsyo.
Pagkatapos ng napakasayang anunsyo pinabalik na kami sa aming kanya kanyang klase, at tulad nga ng sinabi ni Mr. Salvador may papel na nakapatong sa kanya kanya naming upuan. May mga umiiyak ng makita nila ang pangalang nakasulat sa kanilang nakatanggap na papel. Napangiti ako ng mabasa ko ang pangalang nakasulat sa papel na natanggap ko.
Enzo Cruz
Napakagaling nga naman ni Mr. Salvador, abot hanggang tenga ang ngiti ko. Matagal konang balak tapusin ang buhay niya, ang buhay ng walang kwentang teacher namin na si Sir Enzo. Naalala kopa yung araw kung kelan sinabi nya saakin ang aking pinakanililihim na sikreto.
~june 18, 2016~
"Alex? Pwede ba tayong magusap?" Tanong ni Sir Enzo, ang walang kwenta naming guro. hindi ko alam kung ano ang gusto nyang sabihin pero nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti.
"Okay Sir Enzo, or should i call you Rain? hahaha" ngiti ngiting sagot ko sakanya. Napaka walang kwenta, at napakagago niya. Akala moba hindi ko alam ang sikreto mo? Nung araw na nalaman ko ang sikreto mo napagisipan konang patayin ka dahil isa ka sa mga maiingay na pwedeng magbunyag ng aking sikreto. Gusto kong sabihin sakanya ang mga katanggang iyon.
Naglakad kami at pumunta sa isang abandunadong classroom.
Medyo nabigla ako ng hawakan nya ng mariin ang magkabila kong balikat pero hindi ko parin inalis ang ngiti sa aking mukha.
"Alam ko ang sikretong tinatago mo Alex at alam kong kapag nalamn ito ng buong paaralan masisira ang napaka ganda at napakabango mong pangalan. Ano kayang sasabihin nila kapag nalaman nila na ang isang Alexandra Lavine, ang isang marumi at nakapa walabg kwentang anak? Handa mobang harapin ang mga masasakit na salita na nilang sabihin sayo? Ay muntik konang kalimutan, magiging kaibigan pa kaya ang turi sayo ni Katherine kung malaman niya ang mga kababuyan na ginagawa mo?" Nakangiting sabi niya.
Fuck you Enzo, Pagsisisihan mo'to. Mali ka ng kinalaban Sir Enzo, Ako, si Alexandra Levine kayang gawin ang mga bagay na aking gusto.
"S-sir Enzo, wag po, hindi ko kayang masira ang pagakakibigan namin ni kath. At ayokong magalit saakin ang lahat. Gagawin ko po ang lahat sir, kahit ano po basta wag nyo lang pong ipagkalat ang mga nalaman nyo" umarte akong natatakot kahit sa totoo gusto kong tumawa ng malakas. Putangna nya wala akong paki alam kaya ko siyang patahimikin dahil alam ko ang pinakatagago niyang sikreto.
"Nakakatawa ka Alex, Alam mo naman kung anong gusto ko diba? Ikaw Alex, ikaw ang gusto ko. Pumunta ka sa bahay sa Sabado at pareho nating papasayahin ang isa't isa." Nakangiti parin ang gago. Wag kang magpakakampante Enzo.
"Ayoko po sir. Paraang awa nyo na po" nagmamakaawa kuno kong sagot.
Nakatanggap ako ng napaka lakas na sampal mula sa gagong enzo na'to tandaan mo ang araw nato letse ka.
"BAKA GUSTO MONG MALAMAN NG LAHAT NA ANG ISANG ALEXANDRA AY ISANG MADUMI AT WALANG KWENTANG BABAE?!! Gusto mobang sabihin ko kay katherine ang sikreto mo? Na ikaw at ang kanyang ---"
Hindi kona siya pinatapos sa pagsasalita.
"Sige na po Sir Enzo papayag nako" nakayukong sagot ko sakanya. Putangina mo mali ka ng binabangga. Naramdaman kong lumapit siya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Madali ka naman pala kausap e." Bulong nya at sabay halik sa aking pisngi. Gago ka! Wala kang karapatan hawakan ako.
Naglakad na siya palabas ng abandunadong classroom. Napahawak ako sa bagay na nasa bulsa ko-Flashdrive, isang flashdrive na pwedeng sumira sa dignidad ng letse Teacher na iyon.
Nabalik ako sa wisyo ng marining kong magsalita ang isa sa mga kaibigan ko, si Sam.
"Kaninong pangalan ang natanggap mo?" Mahinang tanong nya sakin.
"Wag monang alamin Sam. " nakangiting sagot ko sakanya. Kita ko sa mga mata niya ang takot. Si Samantha ang pinakamahina saming magkakaibigan at gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya , para maprotektahan sila sa larong ito.
To be continued...
Vote and Comment.