Night 5: Raindrops
Mabilis kong pinagtabi ang isang tabloid at ang pahina na may sulat. December 12, 1986. Tama nga ang hinala ko. Hindi tao ang may gawa nito.
"Ate." Wala sa huwisyong napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Mavis. "May naghahanap sayo sa labas. Basang basa 'yon ng ulan. Sino ba 'yon?" aniya.
Nanginginig ang mga kamay ko na niligpit ang mga newspaper na nagkalat sa sahig, nilagay ko iyon sa isang kulay itim na shoe box bago tinago sa ilalim ng aking kama.
Huminga ako nang malalim bago nagtungo sa pinto. Binuksan ko 'yun. "Ano 'yon?"
Naningkit ang mga mata ni Mavis. "May naghahanap sayo sa labas. Hindi ko 'yun kilala kaya 'di ko pinapasok."
Kumunot ang noo ko. Sinong mag-aaksaya ng oras na puntahan ako kung malakas ang buhos ng ulan?
Nagtungo na lang ako sa pinto. Kusang huminto ang mga paa ko nang maaninag ang bulto ng tao na nakahood, suot niya ang jacket na kulay itim, nakatayo siya sa tapat ng gate namin habang nababasa sa ulan.
Unti-unting kumabog ang dibdib ko nang lumingon siya sa 'kin. Sumilay ang misteryoso niyang ngiti nang makita ako.
"Ma," Huminga ulit ako nang malalim. "Mavis, pumasok ka sa kwarto mo."
"Bakit? Aalis ako eh. May lakad kami ni Hansel. Sino ba kasi 'yan?"
Nakatitig sa 'kin ang abong niyang mga mata. "Mavis, hindi ko uulitin ang sinabi ko."
"Hindi na ako bata." Bigla niyang binangga ang balikat ko bago nagtungo sa pinto.
Nanlaki ang mga mata ko na hinarap niya ang nilalang na iyon, tila bumagal ang galaw ko nang sumenyas siya sa kapatid ko na lumapit pa.
Mabilis akong tumakbo palabas. Hinila ko ang kanyang pulsuhan bago siya tinulak sa loob ng bahay. Halata sa mukha ni Mavis na nagulantang siya sa ginawa ko. Hindi siya kumibo at nakatitig lang sa 'kin.
"Pag sinabi kong pumasok ka, pumasok ka." Hindi ko hinintay ang sasabihin niya. Agad kong sinarado ang pinto bago humarap sa nilalang na 'yon.
Huminga ako nang malalim at lumapit sa gate. Hinayaan kong mabasa ang katawan ko sa ulan.
Naningkit ang mga mata ko bago magsalita. "Umalis ka na."
Hinawakan niya ang rehas ng gate at nilapit ang mukha sa 'kin. "Nakalimutan mo na ba ang kailangan ko sayo?" mahinang tanong niya.
Binuksan ko ang gate. Binitawan naman niya ang rehas bago humakbang paatras. Sumulyap ako sa'ming bahay bago tuluyang lumabas.
Sumilong ako sa isang maliit na bubong ng abandonadong bahay. Niyakap ko ang sarili ko kasabay huminto siya sa 'king harapan.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa 'kin?" sinalubong ko ang mga titig niya. "Kung pagbibigyan ba kita sa gusto mo ay titigilan mo na ako?" Hindi siya kumibo. Nanatili ang malamig niyang tingin sa 'kin. "Ano?"
Humakbang siya patungo sa 'kin. "Sannee." Tila nabuhosan ako na malamig na tubig nang tinawag niya ang pangalan ko. "Just give me your one night, and you'll be safe for the rest of your life."
"Titigilan mo ba kami ng kapatid ko?" tumango siya. "Okay."
Sumilay ang misteryoso niyang ngiti bago tumalikod sa 'kin at naglakad palayo.
Wala sa huwisyong napatitig ako sa basang kalsada. Hindi ko mawari kung tama ba na pinagbigyan ko ang nilalang na 'yon. Gusto ko lang naman na lubayan na niya ako. Lalo na't alam ko ang katulad niya.
Marami kaya sila sa Mystone Town? Baka nariyan lang sila sa tabi-tabi, nakikisalamuha sa'min. Sana hindi na ako makatagpo ng katulad na nilalang na 'yon.
BINABASA MO ANG
When The Night Falls
VampirosSabi nila, ang gabi ay palatandaan ng pagpapahinga. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang gising ang mga nilalang na uhaw sa dugo, nilalang na gumagala sa Mystone Town. Ano ang sadya nila? Sino ang nagsimula ng kaguluhang ito? At sa paghahanap ko ng...