Isa, Dalawa, Tatlo... Diyan Ka Lang!

893 33 10
                                    

[KA/N: Paki-play ang "Stay" by Daryl Ong para mas dama 'yong tula :) thanks!]

Intro:

Naranasan niyo na ba?
Naranasan niyo na bang maulit muli ang naging minsan?
'Yong minsan na nagmahal ka, pero lagi kang sinasaktan?
Na tila ba, para kang nasa isang pelikula?
Minsang nag-slow motion ang paligid mo noong unang kita mo palang sa kaniya?

Naranasan niyo na bang maiwan?
Kasi ako oo eh.
Na sa paulit-ulit na pagkakataon kahit na minsan ko lang siyang nakilala, nasaktan pa rin niya 'ko.
Nakakatuwa, ano?
Kung ako man ang magiging direktor ng sarili kong pelikula,
Mas pipiliin ko na lang maging masaya sa piling niya, kaysa ang minsang masaktan pa.

"Isa, Dalawa, Tatlo... Diyan ka lang!"

Isa, Dalawa, Tatlo
Katulad sa pelikulang sa telebisyon mo lang makikita.
Sa palabas na ito, ikaw at ako ang bida.
Alaala na unti-unting bumabalik,
Ang pakiramdam ng una mong halik, na siyang nagpatibok ng aking dibdib.

Sisimulan ko ulit sa kung paanong tumigil ang aking mundo nang masilayan ko ang iyong mga ngiti.
Sa kung paanong pinaikot mo akong parang bola diyan sa mga kamay mong matinik.
At kung paano akong naniwala sa mga salita mong nakakakilig.

Natatandaan ko pa!
Natatandaan ko pa kung paano naging tayo.
Kung paano ka tumugtog ng mga awitin,
Habang nag-uunahan sa pagpintig itong aking dibdib.

Dugdug dugdug dugdug..
Lalo na noong dumapo sa akin ang mga mata mong punum-puno ng sinseridad,
At kung paanong tagos sa puso mong sinabi ang katagang "MAHAL KITA!"
MAHAL KITA...

Hindi ko alam kung bakit ang salitang "Mahal Kita" ay biglang naging "Minahal Kita"?
Sa isang iglap lang sa kung paanong ang maliwanag na lugar ay napalitan ng dilim.
Sa kung paanong ang mga nakangiting araw ay napalitan ng umiiyak na ulan.
Sa kung paanong ang mga nakangiti sa aking mata ay napalitan ng umaagos na luha.
Sa kung paanong ang saya ay napalitan ng sakit!
At kung paanong ang pagmamahal mo ay napalitan ng PAALAM!

Isa? Dalawa? Tatlo?
Mali! Libu-libo!
Libu-libong karayom ang tumusok sa aking dibdib.
Naki-usap ako sa 'yo... na diyan ka lang!
Diyan ka lang sa tabi ko at 'wag kang aalis!
Ngunit kasabay ng pagbigkas ko, ang iyong pag-alis.

Isa, Dalawa, Tatlo
Pagkatapos ng tatlong buwan ay heto ka na naman.
Nagmamakaawa ka sa 'kin ngunit hindi na 'ko naniniwala.
Hindi na 'ko naniniwala sa P*TANG IN*NG pag-ibig na sinasabi mo!

Mahal Kita!
Ngunit tapos na ang palabas.
Tapos na ang ating istoryang inaabang-abangan,
Na siyang nag-umpisa sa habulan hanggang sa nagsawa ka at tumigil na lang...
Tapos na...
Ikaw ang TAYA ngunit ikaw ang TUMIGIL.
Ikaw ang nag-umpisa ng habulang ito ngunit bakit ako ang naiwan dito?

Isa, Dalawa, Tatlo... Diyan ka lang!
At tatakbo ako papalayo sa 'yo hanggang sa maligaw ako at hindi na ako makabalik pa sa 'yo dahil sawa na 'ko!
Sawang-sawa na 'ko sa 'yo!
Mahal Kita pero...
Pagod na 'ko..
Pagod na pagod na 'ko...
Pagod na pagod na ako sa 'yo!

Kaya sa huling pagkakataon..
Isa, Dalawa, Tatlo
Tatakbo ako at hindi na ako hihinto,
Hindi na ako lilingon.
Kakayanin ko kahit na mapagod pa ako,
Kakayanin ko, makatakas lang sa 'yo.

Kaya, Diyan ka lang!
Huling paki-usap..
Diyan ka lang ...

Isa, Dalawa, Tatlo... CUT!

♦♦♦

[Kyosang Author's Note:
Credits sa totoong may gawa ng tula. Sychaneebych . Ang part ko lang ay 'yong Intro saka ni-revise ko't inayos 'yong mga punctuations :"> so Ayon! If ever na nagustuhan niyo, try to visit her timeline (naka-mention naman siya eh) para mabasa niyo pa 'yong iba niyang works. So ayon. I'm so Happy for my friend. Ginawan namin ng video 'yan and soon ko i-uupload sa YT. Nasa Facebook din siya. Ang SWP na 'to ay kasalukuyang inilalaban sa WP University. So, shout out sa mga WPUnians diyan! Sa mga Orangexxx, lablab ko kayowwwwsxz]

DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT AND VOTE. CIAO~♥♥♥ ^____^

FACEBOOK PAGE:
http://www.SilentMusikera/Storyline.com

Facebook: Eya Solmer

Twitter: @Silent_Musikera

IG: @eya_sassa

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now