Maskara at Anesthesia

562 28 4
                                    


Intro:
Minsan, nasasaktan tayo at maya-maya lang ay iiyak sa tabi.
Isang paraan para mailabas mo lahat ng iyong hinanakit,
Upang mabawasan ang naipong sakit sa ating dibdib.
Pero maya-maya lang, tatayo ka mula sa sulok,
Hihinga ng malalim at sasabihin sa sariling, "Kaya ko 'to!"

"Maskara at Anesthesia"
Ilang punas pa ba?
Ilang punas pa ba ang kailangang gawin para mawala ang umaagos na luha?
Luhang hindi mapigil-pigilan sa pagbagsak.
Luhang hindi kailanman mauutusang huminto.

Ilang sakit pa ba?
Ilang sakit pa ba ang mararanasan ng pusong halos madurog na?
Pusong paulit-ulit nang winawasak, basta-basta.
Pusong palaging sinasaksak ng katotohanang...
hindi na ako ang iyong mahal.

Mahirap mang isa-isip,
ngunit kinakailangang gawin.
Magpanggap na masaya sa likod ng maskara.
Magpanggap na kaya ko pa kahit hindi naman talaga!
Magpanggap na hindi na kailanman apektado sa kaligayahan mo ngayon.
Magpanggap na tanggap ko na lahat ng katotohanang... hindi na tayo.

Mahirap huminga, lalo na kapag sobrang nahahabag ka na.
Ngunit kailangan pa bang pigilan?
Kailangan pa bang pigilan ang sakit na nararamdaman?
Ihinto ang pag-iyak at hilumin ang namuong sugat?
E kung tusukin mo na lang kaya ako ng anesthesia?!
Para sa gano'n,
Kahit na alam kong masakit pa rin,
Pwede kong lokohin ang sarili kong... buo na ulit ang puso ko't kaya ko nang ngumiti na hindi na ikaw ang dahilan.

Maskara at Anesthesia
Tatakpan ko ng malalapad na ngiti ang malulungkot kong mga mata.
Tatakpan ko ng humahalakhak na tawa ang humahagulgol na iyak sa sobrang sakit.
Tatakpan ko ng saya ang malungkot kong nakaraan.
Tatakpan ko ng masasayang alaala nating dalawa ang malungkot na kinahinatnan.

Maskara at Anesthesia
Magpapakamanhid ako para sa sarili ko.
Magpapanggap akong ayos lang ako.
Hindi ko iindahin ang sakit na nararamdaman.
Hindi iisipin ang masasakit na nakaraan.

Maskara at Anesthesia?
Kahit ilang ulit pa akong magpanggap,
huhubarin at huhubarin ko pa rin ang masayang maskara at saka lalantad sa iyo ang namumugto kong mga mata.
Ang anesthesia na panandalian lang akong pamamanhidin sa sakit at maya-maya lang... nasasaktan na 'ko ulit.

Maskara at Anesthesia..
Ilang beses ko pa ba gagamitin ang mga panandaliang gamit at gamot para maibsan lang ang lumalalang sakit?
Lumalalang sakit ng nararamdaman?
Ilang beses ko pa ba lolokohin ang sarili kong ayos ako at nakalimutan na kita?
Ilang beses ka bang babalik sa isipan ko at aalalahanin ang mga masasayang araw na ikaw ang kasama ko?

Hindi mo alam..
Kasi hindi mo nararamdaman.
Hindi mo alam..
Dahil hindi ikaw ang nasasaktan.

Kaya hangga't hindi ka pa nawawala rito,
Patuloy ko pa rin lolokohin ang sarili ko.
Sa likod ng maskara...
At sa manhid gamit ng anesthesia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now