Chapter 2 - Flag Ceremony

6 2 0
                                    

*Regine's P.O.V

"Jas! Napakatagal mo naman!" sigaw ko sa harap ng bahay nila Jas.

Napakatagal naman no'ng babaeng 'yon. Halos 30 minutes na 'ko naghihintay dito ah.

"Oy, bes kanina ka pa dito?" sabi n'ya

"Oy, bes kanina ka pa dito?" sabi n'ya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi bes. Ngayon-ngayon lang. Mga 30 minutes ng nakalipas. Ang bilis mo nga e. Jusko. Nakalimutan mo atang may flag ceremony ngayon!"

Sa lahat ng makakalimutan nitong babaeng 'to e yung flag ceremony pa. Maygad!

E pano ba naman, sigurado naghihintay na sa gate ang Ms. Tapia ng Steward University, si Ms. Tolentino ng Student Council. Kapag nalate ka sa flag ceremony e kailangan mong linisin ang mga kalat na iniwan ng mga studyanteng hindi kilala ang basurahan. Take note, pagkakantahin ka pa nito ng national anthem mag-isa sa harap ng Philippine Flag. Ayoko talaga sa lahat e yung pinagtitinginan. Mahiyain nga kasi ako. -.-

"Ayan na! Sinabi ko naman kasi sa'yo e. Ang bagal – bagal mo kasi kumilos. Tapos na tuloy yung flag ceremony. Yari nanaman tayo niyan. Ano ba naman 'yan?!" naiinis talaga ko sa babaeng 'to e. Napakatagal kasi sa salamin. Panay kolorete ng mukha. Mukha ng coloring book. Asar!

"Chill Bes. Eto naman. Smile ka na lang. Mukha ka na tuloy loshang. Hindi tulad ko, fresh na fresh."

"Freshin mo mukha mo! Pag naghilamos ka mawawala rin 'yang freshness mo!"

Hay na 'ko. Buti na lang at madaming nalate sa first flag ceremony namin, may kasama kami ni Jas na mag mukhang tanga sa harap ng mga studyante.

"Good morning irresponsible students. Dahil late kayo ng more than 5 minutes sa ating flag ceremony, kailangan niyong gawin ang mga consequences na kailangan para makapasok kayo sa kanya-kanya niyong mga klase" hay ang daldal nitong Tapia na 'to. Blah blah blah. Sabihin lang maglinis na kung anu – ano pa ang sinasabi."Junior and senior year, dun kayo sa covered court. Freshmen pumunta na kayo sa mga klase niyo. Sophomore maiwan at linisin niyo ang harap ng student council office. Pero bago 'yan, kailangan niyo kantahin ang national anthem."

"Bayang magiliiiiiw..."

"One by one!"

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. Isa-isang kakanta? Bukas pa kami matatapos nito!

Araw-araw ba akong kakanta sa school na 'to? Baka naman voice lesson 'tong pinapasok 'ko. Argh!

Pagtapos naming kumanta sa harap ng flag isa-isa, eto, hawak – hawak ang walis para maglinis na. Kainis talaga si Jas.

Hindi ko siya pinapansin si Jas. Humanda ka sa'kin mamayang babae ka! Dadakdakan talaga kita!

Si Jas, enjoy na enjoy kakaselfie na may walis. Maygad, proud talaga siya na naparusahan siya? Habang yung iba nakasumbakol yung mukha. Akala mo naman mga nasyonalista, hindi lang nakapagflag ceremony? Ano ba meron sa mga tao ditooooo!

Music of the HeartWhere stories live. Discover now