Chapter 25

120 1 1
                                    

"Ah wala yun siguro mga regular customer lang" Pagtatakip ni Trisha habang tinutupi ang papel na hawak.

"Oh paano Michael tutuloy na kami ha salamat"

"Wala yun pare basta ikaw"

"Ah sir Michael salamat din po sa lahat-lahat sana may pwede pa po ako bumalik dito sa coffee shop niyo!"

"No Problem Trisha anytime pwede ka bumalik salamt ulit ingat sa byahe"

Mag gagabi na ng narating nila ang Airport nandoon na ang mommy ni Andrew at si Roshell

"Oh Andrew eto na mga luggage niyo ni Trisha mag inagat kayo doon ah sa Birthday ko umuwi kayo ha eto na ang Ticket niyo mag asawa. Ok na din yung Resort natutuluyan niyo may susundo sa inyo doon"

"Salamat mommy ha"

"Wala yun anak alagaan mo dun si Trisha ha!"

"Oo nama mom"

"Ah tita hindi ko po alam paano ko mag papasalamat sa inyo sa pag tanggap niyo po sa akin"

"Wala yun hija basta masaya ang anak ko masaya na din ako"

"Fret mag iingat kayo doon ha!"

"Friend naman dyan lang kami sa Palawaqn uuwi din kami sa Birthday ni Tita."

"Ah akala ko sa ibang bansa kayo pupunta eh"

At nag tawanan ang lahat dahil sobrang maka emote si Roshell.

"O siya tara na" Pag aaya ni Andrew

Ng Makasakay ng Eroplano ang dalawa tahimik pa din si Trisha. Kinuha muli ni Andrew ang ulo nito at isinandal sa may balikat sabay tapik sa pisngi.

"Pahinga ka muna asawa ko"

At pinikit na ni Trisha ang mata nito.

Madaling araw na ng makarating sila sa Airport.

"Trisha gising na dito na tayo"

Unti-unti'ng minulat ni Trisha ang mata.. Ng Makababa ng Eroplano may mga tauhan na ng Hotel ang lumapit sa kanila.

"Magandang araw po Kayo po ba sa Andrew Villordon"

"Yup ako nga"

"Ah sir kami po pala yung mga staff ng El Nido Resort tara na po sir at agad sumakay ang dalawa sa service van ng resort. 30mins din ang byahe nila mula sa airport. wala pa din kibo si Trisha na sobra'ng pinag alala ni Andrew.

"Anu ba ang problema mo hindi ka ba masaya?"

"Masaya pagod lang siguro ako"

"Ah sige pag dating natin doon mag pahinga ka na"

Maya-maya narating na nila ang Resort. Agad nila'ng kinuha ang susi sa lobby

"Sir Andrew room 58 po kayo" sabay abot ng susi ng receptionist ng Resort. Hinatid sila ng ilang mga staff ng resort. "Sir pag may kailangan po kayo tawag lang po kayo ayan po yung telepono"

"Ah salamat ha"

"Sige po sir enjoy your vacation here at El Nido"

"Agad binuksan ni Andrew ang sliding door ng terrace ng kwarto.

"HHHmmmppp ang sariwa ng hangin" sabay yakap nito kay Trisha.

"Oo nga eh bait ng mommy mo talaga'ng hinanda pa niya to para sa atin"

"Ganun talaga yun kaya sa birthday niya dat i suprise natin siya hehehehe bigyan na natin ng apo"

"Agad-agad?"

Worlds WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon